Chapter 27
Accept**
Alas dose na ng madaling-araw nang makarating si Zoey sa Manila. Natagalan siya sa airport kanina dahil biglaan lang naman ang pag-alis niya at hindi niya alam kung anong oras talaga ang sunod na flight papuntang Manila.
Since her family doesn't know that she's coming home, she decided to call her brother to pick her up. She doesn't want to take a cab because it's already dark and she's afraid that something might happen to her.
Patuloy lang na nagri-ring ang cellphone ni Jasper. Napaisip tuloy siya kung ano ang posibleng ginagawa nito sa mga oras na ito. Akala nga niya ay hindi na nito sasagutin iyon pero maya-maya lang ay may sumagot na mula sa kabilang linya.
"Hello, Ate. Why are you calling at this hour?"
Napakunot-noo si Zoey nang makarinig ng maingay mula sa kabilang linya. Naririnig niya ang sigawan ng mga tao at ang malakas na tugtog na nanggagaling sa kung saan.
"Where are you? Bakit ang ingay diyan?" tanong niya sa kapatid.
"I'm at a bar. Wait. Lalabas lang ako," sabi nito. Mga ilang sandali lang ay unti-unti nang humina ang malakas na tugtog na naririnig niya at wala na rin siyang marinig na mga nagsisigawan. "I'm outside now. Ano ba kasi iyon, Ate? May problema ba?"
Napabuntong-hininga siya. "Can you pick me up? I'm at the airport."
"Wait. What? Airport? Saang airport?"
She rolled her eyes. "NAIA. Dalian mo na kasi ayokong maghintay ng matagal dito. Ayoko ring mag-taxi kaya sunduin mo na ako rito."
"Huh? Are you serious? Why are you here already? Akala ko ba isang buwan ka pa sa Ilocos? You still have two weeks."
"Jasper, mamaya ka na magtanong, okay? Sunduin mo na ako rito kasi gusto ko nang matulog!" naiinis niyang sabi sa kapatid.
She heard him sigh. "Fine. Just stay there. Ite-text na lang kita pag nandiyan na ako."
Nang matapos ang tawag ay naghanap na muna si Zoey ng mauupuan. Dahil nagugutom na siya, nagpasya siyang kumain na muna sa Jollibee at doon na rin maghintay. Bibilisan na lang niyang kumain dahil baka maya-maya lang ay nandiyan na ang kapatid niya.
Hindi na namalayan ni Zoey ang oras nang matapos siyang kumain. Napakunot-noo siya nang ma-realize na wala pa rin si Jasper. Mag-aalala na sana siya dahil wala pa rin ito pero natigilan siya nang biglang tumunog muli ang cellphone niya. It was a text from Jasper saying that he's already outside.
Tumayo na si Zoey at agad na kinuha ang kanyang mga gamit. Sinabi ni Jasper kung saan ito naghihintay sa labas kaya hindi na siya nahirapang hanapin ito. Nang makita ang pagbaba nito sa sasakyan ay agad siyang lumapit doon. Pero habang palapit siya ay napakunot-noo siya nang makita ang kapatid na si Sofia.
"Ate Zoey!" excited na tawag sa kanya ni Sofia bago siya sinalubong ng yakap.
"Why are you here, Sofia?" she asked after hugging her. She looked at Jasper incredulously. "Did you bring her to the bar with you? She's underage!"
"I didn't! Papunta na dapat ako rito kanina nang bigla siyang tumawag para magpasundo rin. Galing siya sa birthday party ng kaibigan niya," nakasimangot na sagot nito bago kinuha ang maleta niya. "Seriously, am I your driver? Dapat tumawag na lang kayo sa bahay para magpasundo, eh."
"Sus, Kuya! Kapag ginawa naman namin iyon, siguradong tatanungin mo kami bukas kung bakit hindi ikaw ang tinawagan namin para magpasundo," sabi ni Sofia.
![](https://img.wattpad.com/cover/144833810-288-k20610.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...