Chapter 3
Dinner**
Hindi alam ni Zoey kung gaano ba siya katagal nakatulog nang magising siya. Na-realize niyang nasa biyahe pa rin sila dahil sa paggalaw ng sasakyan. Nang tumingin siya sa bintana ay tumambad sa kanya ang kulay asul na dagat.
Kitang-kita niya ang naglalakihang windmills sa di kalayuan. She knows this place. She saw it on the internet. They're probably in Bangui now.
"Malayo pa ba tayo?" tanong niya kay Nicko habang nakatingin sa bintana.
Nang hindi ito sumagot ay sinulyapan niya ito. May nakalagay na earphones sa magkabilang tenga nito at pagalaw-galaw pa ang ulo nito. She rolled her eyes before taking off one of his earphones. Kunot ang noong tiningnan siya ng lalaki sa rearview mirror.
"What?" he asked.
"Tinatanong ko kung malayo pa ba tayo."
"Just a few more minutes. We're still in Bangui. Enjoy the view for a while and don't disturb me," he said before putting back his earphones.
"Sungit. Akala mo naman gwapo," naiirita niyang bulong bago ito inirapan. Umayos siya ng upo at kinuha na lang din ang cellphone at earphones niya. Nakinig na lang din siya ng music habang nakatingin sa labas ng bintana.
Inisip niya kung ano ang maaari niyang gawin habang nagbabakasyon. Ayaw naman niyang manatili lang sa bahay nila sa buong bakasyon niya kaya naisip niyang siguro ay mamasyal din paminsan-minsan. Ngayon lang din naman siya nakapunta sa Ilocos kaya mas mabuti kung sasamantalahin niya ang pagkakataon para makapamasyal.
Hindi na siya ulit nakatulog hanggang sa makarating sila sa rest house na pagmamay-ari nila. She saw a white bungalow style house facing the sea. Hindi iyon kasing-laki tulad ng bahay nila sa Manila pero sapat na iyon para sa kanilang buong pamilya. Kahit naman kasi bungalow ay malaki pa rin iyong tingnan.
May mga nadaanan silang mga bahay kanina bago makarating doon kaya nasisiguro niyang kahit papaano ay may malalayo siyang kapitbahay. Nakahiwalay nga lang ang rest house nila dahil na rin siguro mas pinili ng Daddy niya na nakahiwalay sila sa mga tao.
"Nandito na tayo, mahal na prinsesa," dinig niyang sabi ni Nicko.
Nang ihinto ni Nicko ang sasakyan sa harap ng bahay nila ay agad na niyang binuksan ang pinto para makalabas. Agad na tumama sa kanyang mukha ang malakas na hangin pagbaba niya. Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng asul na dagat. Kung hindi lang siya pagod sa biyahe ay naisipan na niyang mag-swimming agad. But the sea can wait.
Pagkatapos niyang maibaba ang kanyang gamit ay isinara na niya ang sasakyan at walang paalam na umalis para pumasok sa kanilang bahay.
"Hey! Wala man lang 'thank you'?" tanong ni Nicko sa kanya nang malapit na siya sa pinto. Huminga muna siya nang malalim bago ito nilingon.
"Ano iyon? Wala yata sa vocabulary ko iyon, eh," aniya bago tumalikod dito. "Bye!"
"Tss! Matapilok ka sana!" dinig niyang sabi nito bago niya narinig ang pag-alis ng sasakyan nito.
She rolled her eyes before slowly looking at the car leaving. Nang tingnan niya kung saan ito papunta ay nakita niya ang isa pang bahay sa 'di kalayuan. Sa tingin niya ay doon nakatira ang lalaki. Napailing na lang siya saka sinusian ang bahay.
Nang mabuksan niya ang pinto ay dumiretso na siya sa loob. Pero unang tapak pa lang niya sa loob ay bigla na lang siyang natapilok. Mabuti na lang at nakakapit siya agad sa door knob bago pa man siya tuluyang sumubsob sa sahig.
Biglang sumagi sa kanya ang sinabi ng lalaki kanina. Bwisit talaga ang lalaking iyon, aniya sa isip. Napapailing na tumayo na lang siya at inayos ang sarili.
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...