Eight

29.8K 649 3
                                    

Chapter 8
Mad

**

Tulog pa si Nicko nang magising si Zoey nang sumunod na araw. Alas siyete pa lang ng umaga nang tingnan niya ang cellphone niya. Umupo siya sa kama at pinagmasdan ang lalaking natutulog sa couch niya ngayon.

She’s really thankful because he stayed with her last night. Dahil doon ay naging maayos ang tulog niya. Siguro kung wala ito roon ay baka hindi na lang siya natulog. Dagdag pa na ito ang nagligtas sa kanya kahapon kaya thankful talaga siya. Besides that, he also let her cry in his arms. Umiyak kasi siya nang umiyak kahapon dahil sa takot sa nangyari sa kanya.

As a sign of thanks, she decided to cook him breakfast.

Tumayo na siya at dumiretso sa banyo para makapaghilamos. Pagkatapos no’n ay inayos muna niya ang kumot na nakabalot kay Nicko na malapit nang mahulog sa sahig bago siya dahan-dahang lumabas ng kwarto.

Simpleng breakfast lang ang ginawa niya dahil hindi rin naman niya alam kung ano ang kinakain ni Nicko sa umaga. Hindi rin niya alam kung nagkakape ba ito sa umaga pero para makasiguro ay nagtimpla na rin siya. Kahit papaano ay kampante siya na magugustuhan nito ang kapeng tinimpla niya dahil ayon sa Daddy niya, masarap daw siyang magtimpla ng kape.

Kalalapag lang niya ng fried rice sa mesa nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang kwarto. Mga ilang sandali lang ay pumasok na sa kusina si Nicko na naghihikab habang nagkakamot ng ulo. Napangiti si Zoey sa nasaksihan. He looks adorable in her eyes while doing that. Hindi niya akalaing masarap palang tingnan ito kapag bagong gising.

Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa naisip. What are you thinking, Zoey? Adorable? Saan banda? Magtigil ka, aniya sa sarili.

“Good morning,” inaantok na bati ni Nicko sa kanya. Tumikhim siya bago bumati pabalik.

“Good morning,” she replied. “Um… I cooked breakfast. Hindi ko alam kung kumakain ka ba ng breakfast pero nagluto pa rin ako. And I also made coffee.”

“You cooked all these?” he asked while looking at the food on the table. Hindi naman talaga marami ang niluto ni Zoey. Hotdog, bacon, egg and fried rice lang naman ang niluto niya. Hindi niya kasi alam kung ano ang gusto ni Nicko.

“Yeah. It’s actually my way of saying thanks for staying with me last night. Saka thank you ulit kasi niligtas mo ako kahapon,” aniya.

“That’s nothing,” he said. Umupo na ito sa harap ng mesa at ganoon din naman ang ginawa niya. “I eat breakfast in the morning so thank you for this. But seriously, parang natatakot na ako sa pagiging mabait mo, ah. Baka naman may lason ‘to?”

Napasimangot siya sa sinabi nito habang kumukuha ng makakain.

“Grabe ka naman! Hindi ako ganoon!” aniya bago huminga nang malalim. “Sorry talaga sa mga inasta ko sa’yo mula noong unang beses tayong nagkita pero ganoon talaga ako. Masungit ako sa mga taong masungit sa akin. Mabait ako sa mga taong mabait sa akin. Since we’re okay now and you’re treating me well, I’ll be nice to you, too.”

Humigop muna ito ng kape bago siya sinimangutan.

“Hindi naman kita sinungitan noong unang beses tayong nagkita. Ikaw kaya ‘yong unang nagsungit diyan.”

“Eh, kasi akala ko talaga magnanakaw ka. You can’t blame me for that. Bigla mo na lang kasing kinuha ‘yong luggage ko. If you approached me nicely that day, I would’ve treated you nicely, too,” she said.

He shrugged. “Makes sense. So, are we cool?”

Ngumiti siya at nag-thumbs up dito bago nagpatuloy sa pagkain. Tahimik na lamang silang kumain matapos ang pag-uusap na iyon. Wala na rin naman siyang maisip na mapag-usapan kaya nanahimik na lang siya.

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon