Thirty-Two

24.9K 510 22
                                    

Chapter 32
Worry

**

Sumunod si Nicko sa ama ni Zoey nang matapos ang hapunan. Aaminin niyang medyo kinakabahan siya sa pag-uusapan nila. Hindi kasi niya alam kung matatanggap ba siya nito pagkatapos no’n para kay Zoey. Lihim na lamang niyang hinihiling na wala siyang masabi na hindi nito magugustuhan.

Dinala siya nito sa library nila. Alam niyang library iyon dahil napapaligiran iyon ng mga libro. Zoey’s father cleared his throat before leaning on his table. Nicko didn’t know what to do so he stayed near the door.

“Umupo ka,” biglang sabi nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang umupo sa sofa na naroon.

Hindi niya alam kung ano ang dapat na sasabihin kaya nanatili na lamang siyang tahimik. Hinintay na lamang niyang ito ang unang magsalita para malaman niya kung ano ba ang gusto nitong malaman.

“I won’t ask for anything about you or your family because I already know you. I know your father. I met him on some events and he’s a good man. Ganoon din ang iyong Lola. Nakausap ko siya noon sa Ilocos at alam kong mabuti rin siyang tao. Besides, you and your family took care of my daughter so I know you’ll take care of her, too,” Zoey’s father said. “Ang gusto kong malaman ay kung ano ang balak mo para sa anak ko.”

Huminga muna ng malalim si Nicko bago sumagot. Inasahan na niya na itatanong iyon ng ama ni Zoey kaya nakapaghanda na siya ng sagot para roon.

“Sir, I—“ Bigla nitong pinutol ang kanyang sinasabi.

“Gusto ko lang na makitang masaya ang anak ko. Simula pagkabata niya, alam kong marami na siyang dinadala,” sabi nito. Kitang-kita sa mga mata nito ang pag-aalala para sa anak. “I’ve never been a good father to her ever since she was a kid. It took me years before I realized that she needs me. Until now, I’m still trying to be a good father to her but I know I’m failing. Ni hindi ko siya magawang protektahan sa mga taong nananakit sa kanya.”

Umiling siya. “Huwag po kayong mag-isip ng ganyan. Mahal po kayo ni Zoey.”

“I know. But I still think I failed as a father to her,” he said. Tumingin ito sa kanya. “Gusto kong malaman kung ano ang balak mo para sa anak ko dahil gusto kong makasiguro na nasa mabuti siyang mga kamay. If this is all a game to you, then just leave. If you’re not serious with her, I suggest you break her heart now and leave her to us. Mas mabuti nang masaktan siya ngayon kaysa patagalin mo pa.”

Huminga nang malalim si Nicko bago tumayo. Tiningnan niya nang diretso ang ama ni Zoey bago sinabi rito ang sinasabi mismo ng puso niya.

“I love your daughter so much, Sir. Makakaasa po kayo na aalagaan ko siya sa abot ng makakaya ko. Mananatili po ako sa tabi niya hangga’t kailangan niya ako. Hinding-hindi ko po siya iiwan at bibitiwan. Makakaasa rin po kayo na sasaya siya sa piling ko,” aniya. “And if you’ll allow me, I would like to marry your daughter.”

Hindi ito sumagot. Nanatili lamang itong nakatingin sa kanya na para bang pinag-aaralan nito kung talaga nga bang seryoso siya o hindi.

Hindi nagpatinag si Nicko sa titig nito. Gusto niyang ipaalam sa ama ni Zoey na seryoso siya at handa siyang patunayan iyon sa kahit anong paraan.

Maya-maya ay napabuntong-hininga ito bago lumapit sa kanya. Akala niya ay kung ano na ang gagawin nito sa kanya pero nagulat siya nang bigla nitong tapikin ang balikat niya.

“You’ll have to wait for a year, then,” he said before sitting across the sofa.

Natigilan saglit si Nicko bago unti-unting nag-sink in sa utak niya ang sinabi nito. Nakahinga siya nang maluwag hanggang sa unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Mukhang nakuha na niya ang approval ng ama ni Zoey.

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon