Chapter 31
Family**
Hindi mapakali si Zoey habang nasa loob ng kanyang opisina. Hapon na at mga ilang minuto lang ay matatapos na ang oras ng trabaho. Maya-maya lang din ay darating na si Nicko para sunduin siya para sabay na silang pumunta sa kanilang bahay.
After what her father said last night, she went inside her room and changed her clothes. Hindi muna niya tinawagan si Nicko para kausapin ito dahil baka hindi pa ito nakakauwi. Hinintay na lamang niya na ang lalaki ang tumawag para masiguro niyang ligtas nga itong nakauwi.
The moment he called, she immediately told him what happened when she arrived home. She told him that her whole family already knows that they’re in a relationship. She also told him that her father invited him to have dinner with them.
Kaya nga ngayon ay hinihintay niya si Nicko para sabay na silang umalis. Sinadya niyang huwag magdala ng sasakyan at sumabay na lang sa kanyang ama sa pagpasok dahil iyon ang usapan nila ni Nicko. Besides, she also wanted to talk to him on the way.
Natigilan siya nang marinig ang pagtunog ng intercom.
“Ms. Zoey, nandito na po Sir Nicko,” dinig niyang sabi ni Shiela nang sagutin niya iyon. Kaninang umaga ay nabanggit na niya sa kanyang sekretarya na darating nga si Nicko para sunduin siya. Kahit papaano ay alam na rin nito kung sino si Nicko kaya hindi na nito iisiping nagpapanggap itong aplikante.
“Let him in,” she replied.
Pagkatapos no’n ay tumayo na siya at kinuha ang kanyang gamit. Saktong pagtayo niya ay siya namang pagpasok ni Nicko sa kanyang opisina. Agad na bumungad sa kanya ang nakangiting mukha nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil doon.
Siya na ang unang lumapit para makaalis na rin sila agad. Inilahad naman nito ang kanyang braso para salubungin siya ng yakap. Zoey immediately hugged him while Nicko kissed the top of her head. Matapos iyon ay tinitigan siya nito.
“How’s your day?” he asked.
“My day went fine. I’m a little tired but I can still manage,” she replied. “You?”
“I’m a little tired, too but I’m already feeling better after seeing you.”
Kinagat ni Zoey ang kanyang labi para magpigil ng ngiti dahil sa kilig na nararamdaman. Umiwas siya ng tingin at agad nang hinila ito sa braso para makaalis na sila roon.
“Tara na nga. Baka ma-traffic pa tayo sa daan,” aniya. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Nicko pero hindi na lamang niya iyon pinansin.
Habang nasa daan pauwi sa kanilang bahay ay tinitigan ni Zoey si Nicko. Napakunot-noo siya nang mapansing mukhang hindi man lang ito kinakabahan samantalang siya ay kanina pa kabadong-kabado dahil hindi niya alam kung ano ang magiging impression ng Daddy niya kay Nicko. Kahit naman alam nitong apo ito ni Lola Aura, alam din niyang hindi pa sila nagkakakilala ng personal.
That’s why she’s nervous. She doesn’t know if he’s going to like Nicko for her or not.
“Why are you looking at me like that? Did you miss me today?” he asked when he saw her looking at him. Imbes na sagutin ang tanong nito ay tinanong niya ito.
“Are you really sure about this? You still have a chance to back out,” she said.
He creased his forehead. “Why would I back out?”
“Wala lang. Baka lang kasi hindi ka pa ready na makilala sila. Pwede ka namang tumanggi. Pwede namang sa ibang araw na lang kita ipakilala. Sasabihin ko na lang na busy ka ngayon kaya hindi ka na makakapunta.”
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...