Twenty-Two

25.5K 553 29
                                    

Chapter 22
Support

**

“Iba ang ngiti mo ngayon, ah.”

Napatigil si Nicko sa pagtitig sa cellphone niya nang marinig ang boses na iyon. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Lauren na mayroong mapanuring tingin.

“Oh, ba’t napadpad ka na naman dito?” tanong niya sa dalaga.

Tumabi sa kanya si Lauren sa upuang nasa veranda.

“Wala lang. Walang magawa sa bahay, eh. Nakakasawa na ang pagmumukha ni Lucas,” sagot nito. Napatingin ito sa cellphone niya. “So, ano ang tinitingnan mo diyan para mapangiti ka ng ganyan?”

Napabaling si Nicko sa cellphone niya. Nang makita niya ang picture ni Zoey roon ay napangiti siyang muli.

“Wala naman,” sagot niya sa dalaga kahit na kitang-kita na nito kung sino ang tinitingnan niya.

“Is that Zoey? Why do you have a lot of pictures of her?” Lauren asked.

“I took all of these without her consent everytime we go out,” he replied while scrolling his gallery.

“So, bakit ka nga may mga pictures niya?” tanong muli ni Lauren. Bigla itong napasinghap na para bang may napagtanto. “Do you like her? May gusto ka sa kanya, ‘no?”

Ngumiti lang si Nicko at hindi sumagot. Wala naman siyang balak ilihim sa kaibigan ang nararamdaman niya para kay Zoey. Kahit papaano naman ay gusto niyang suportahan siya ng kanyang kaibigan. He won’t tell her about what happened to them, though. That’s a private matter between him and Zoey.

“Hoy! Ano na? Bakit hindi ka na sumagot diyan? May gusto ka ba sa kanya?” ulit na tanong ni Lauren.

Pinatay muna ni Nicko ang cellphone niya bago siya bumaling sa kaibigan. Nginitian niya ito saka siya tumango.

“Yes, I like her. I like her so much,” he said.

Lauren looked at him incredulously. Tinitigan naman niya ito sa kanyang mga mata para sabihing seryoso siya sa kanyang sinasabi. Knowing her, alam niyang iisipin nitong hindi siya seryoso sa nararamdaman niya para kay Zoey.

Ganoon kasi siya sa mga babaeng sinabi niyang gusto niya noon. Ang ending, hindi naman naging seryoso ang pagkagusto niya sa mga iyon. Dahil doon, nasanay na ang kanyang kaibigan na kapag sinabi niyang gusto niya ang isang babae, ibig sabihin ay hindi sila magtatagal nito.

But now, it’s different. Zoey is different. He likes her so much. Minsan nga ay tinatanong niya ang sarili niya kung normal pa ba ang nararamdaman niya para sa dalaga. Pakiramdam kasi niya ay higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman niya. Hindi pa nga lang siya sigurado kaya hindi na muna niya iyon masyadong iniisip.

“Are you serious?” Lauren asked after a few minutes of silence.

“Yeah, I’m serious. This isn’t a lie anymore, Lauren. I really like her,” he said while looking straight in her eyes. He chuckled a little before looking at the sea. “Kung hindi nga lang masyadong mabilis, sasabihin kong mahal ko na siya. But I’m still not sure about that.”

Sa peripheral vision niya ay napansin niyang napatango-tango si Lauren.

“She’s not going to stay here forever, right? What are you going to do? Are you going to tell her that you like her?”

Nilingon ni Nicko si Lauren saka siya tipid na ngumiti.

“Actually, I already told her that I like her. And guess what? She told me she likes me, too.”

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon