Chapter 13
Ikaw**
“Is there anything else?” Zoey asked her secretary over the phone.
“Wala na po, Ms. Zoey. Iyon lang naman po. Pasensya na po kung nakaabala ako sa bakasyon niyo.”
Umiling. “No, that’s okay. I’m actually thankful that you called. Ngayon ko lang din naalalang kumustahin ang kompanya dahil tumawag ka. Anyway, if there’s any problem, don’t hesitate to call.”
“Yes, Ms. Zoey.”
Pagkatapos magbilin ng kung ano-ano pa ay pinatay na ni Zoey ang tawag. Huminga siya nang malalim bago tinanaw ang maingay na dagat.
Kasalukuyan siyang nasa veranda at nanonood ng movie sa laptop niya nang biglang tumawag ang sekretarya niya. Tinanong lamang siya nito tungkol sa mga interns na malapit nang matapos sa kanilang training. Dahil siya ang HR, kailangan ay siya ang mag-release ng kanilang certificates. Kailangan din kasi ng pirma niya roon. Sinabi na lang niya sa kanyang sekretarya na ito na muna ang bahala sa mga iyon at sa Daddy na lang niya papirmahan ang mga certificates.
Kinumusta na rin niya ang kompanya dahil mahigit isang linggo na rin siyang nagbabakasyon. Her secretary assured her that everything is still on its place and that she has nothing to worry about.
Biglang napaisip si Zoey nang mga oras na iyon. Iniisip niya kung dapat na ba siyang umuwi sa kanila o mas mabuting manatili muna siya sa Ilocos. She misses her family so much and she really wanted to go home to be with them again.
Pero ang sabi niya sa kanyang mga magulang ay mananatili siya roon ng isang buwan. Siguradong ayos lang sa mga ito na umuwi siya ng mas maaga pa sa isang buwan pero nagdadalawang-isip pa rin siya.
Kung tutuusin, wala naman ibang dahilan para umuwi na siya sa kanila dahil mababait naman ang mga taong nakilala niya. Sadyang nami-miss lang talaga niya ang pamilya niya kaya gusto na niyang umuwi. Besides, her siblings will go there to have a vacation so she really needs to stay there for a while.
Siguro ay itutuloy na lang niya ang isang buwang pagbabakasyon dahil iyon din naman talaga ang kailangan niya. Susulitin na lamang niya iyon dahil siguradong pagbalik niya sa kanila ay magiging busy na naman siya sa trabaho.
Napabuntong-hininga siya at napailing na lang. Nagpasya siyang ipagpatuloy na lamang ang panonood ng movie na naudlot kanina dahil sa pagtawag sa kanya ng kanyang sekretarya.
Manonood na sana siya pero natigilan siya nang may mahagip ng tingin. Mula sa peripheral vision niya ay may nakita siyang dalawang taong naghahabulan sa ‘di kalayuan. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya sina Lauren at Nicko na naghahabulan sa harap ng bahay ng huli.
Hindi niya maiwasang pagmasdan ang dalawa. Kasalukuyang hinahabol ni Nicko si Lauren na ngayon ay may hawak na papel. Maliit lang iyon kaya hindi niya masyadong makita kung ano ang mayroon doon. Besides, masyado siyang malayo sa dalawa kaya hindi rin talaga niya alam kung ano ang hawak nito.
Halata sa mukha ni Nicko na hindi ito natutuwa sa ginagawang pagtakbo ni Lauren. Nakangiti naman ang dalaga habang tumatakbo palayo kay Nicko. Sa tingin ni Zoey ay may hawak itong ayaw ni Nicko. Naririnig niya mula sa pwesto niya ang pagsigaw ni Nicko kay Lauren para ibigay nito ang hawak ng dalaga pero hindi ito nakikinig. Zoey suddenly wondered what it is.
Pumangalumbaba si Zoey at tinitigan ang dalawa. Habang tinitingnan niya ang mga ito ay bigla niyang naalala ang sinabi ni Charm sa kanya noong isang gabi. She said Lauren has a crush on Nicko. But the latter doesn’t know about Lauren’s feelings for him.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman noong nalaman niya ang tungkol doon. Aaminin niyang nagulat siya pero iyon lang ‘yon. Ngayong iniisip niya iyon ay bigla niyang na-realize na wala naman dapat siyang pakialam doon. Who cares if Lauren has a crush on him? And who cares if Nicko also has a crush on Lauren?
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...