Chapter 24
Pregnant**
Zoey felt scared when Nicko told her that he’s in love with her. Mas lalo siyang natakot sabihin kay Nicko ang tungkol sa pagkatao niya dahil alam niyang mas lalo itong masasaktan kapag nalaman nitong itinago niya iyon. Sa tingin kasi niya, mas matindi ang epekto ng isang bagay sa isang tao kapag galing iyon sa taong mahal nito kaysa sa gusto lang nito.
Pero kung tutuusin, hindi rin naman siya sigurado kung ano nga ba ang mararamdaman ni Nicko kapag nalaman nito iyon. Pwede rin namang matanggap nito ang malalaman mula sa kanya.
Hindi naman nangangamba si Zoey na hindi siya magugustuhan ni Nicko sa oras na malaman nito na anak siya ng isang mayamang negosyante. Mas nangangamba siyang hindi siya nito magustuhan kapag nalaman nitong anak siya ng isang kriminal.
Ang ibang tao nga ay halos layuan na siya at sabihan ng mga masasakit na salita dahil lang anak siya ng kriminal, paano pa kaya si Nicko? There is also a possibility that he might end up leaving her because of it.
She doesn’t want him to leave her. Kaya habang maaga pa, siya na lang ang lalayo. Mas mabuting lumayo na siya kay Nicko bago pa mas lumalim ang nararamdaman nito para sa kanya.
Iyon ang naisipan ni Zoey na gawin habang pinapanood si Nicko na matulog sa kanyang tabi. Ayaw niyang malaman nito na isa siyang anak ng kriminal dahil ayaw niyang masaktan ito. Alam niyang masasaktan ang lalaki kapag lumayo siya pero para sa kanya, mas masasaktan ito kapag nalaman nito ang itinatago niya.
Iniisip pa lang ni Zoey ang gagawin niyang pag-iwas kay Nicko ay nasasaktan na siya. But she needs to do it for his sake. He deserves someone better. He deserves someone who doesn’t have any issues.
Naramdaman niya ang pangingilid ng luha niya nang maisip na may ibang magugustuhan si Nicko maliban sa kanya. Bago pa man siya tuluyang maiyak ay isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ni Nicko saka niya ito niyakap nang mahigpit. Naramdaman niya ang bahagyang paggalaw nito sa kanyang tabi at ang bahagyang paghigpit ng yakap nito sa kanya.
She wanted to savor this moment. Baka ito na ang huling beses na mayayakap niya ito nang ganito.
Hindi alam ni Zoey kung ilang oras siyang nakatulog. Paggising niya ay agad na bumungad sa kanya ang mukha ni Nicko na ngayon ay gising na gising na. Ngumiti ito sa kanya nang makita siyang gising na.
It feels so good to see him the moment I wake up. Too bad, I may not be able to witness this ever again, she thought.
“How was your sleep?” Nicko asked.
She smiled. “I slept just fine. Akala ko paggising ko, wala ka na sa tabi ko. Akala ko umuwi ka na.”
“No. I wanted to wait for you to wake up. I still want to cuddle with you,” he replied.
Napatingin si Zoey sa bintana ng kanyang kwarto. Nakita niyang madilim na sa labas. Nang tingnan niya ang wall clock ay napansin niyang alas otso na pala ng gabi. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Nicko saka ito tinanong.
“Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?”
“Not yet. Alam naman nilang nandito lang ako. Kapag kailangan nila ako, pwede naman nila akong tawagan,” sagot ni Nicko. “They still don’t know that we like each other. Should I tell them tomorrow?”
Mabilis siyang umiling bilang sagot. Napakunot-noo si Nicko sa naging sagot niya.
“Um… pwede bang huwag muna? Saka mo na lang sabihin kapag… kapag tayo na talaga?” aniya kahit na alam niyang hindi na darating pa ang araw na magiging sila.
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...