Nineteen

27.8K 630 9
                                    

Chapter 19
Boyfriend

**

“Why didn’t you tell me you’re coming today?” Zoey asked after hugging her siblings.

“We wanted to surprise you. Besides, sinabihan ka naman namin na magbabakasyon kami rito. Hindi nga lang namin sinabi kung kailan,” nakangiting sagot ni Jasper.

“Ate, na-miss kita,” nakangusong sabi ni Sofia.

“Aww. Na-miss din kita. I missed you both. Pati sina Momma at Dad,” sagot niya. “Alam na ba nina Momma na nandito na kayo?”

Umiling si Jasper. “Not yet. We’re gonna call them later. For now, pwede bang pumasok na tayo sa loob ng bahay para makapagpahinga naman kami?”

“Oh, right,” Zoey said. Nilingon niya ang kotseng sinakyan nina Jasper kanina at nagulat siya nang makitang wala na roon ang sasakyan. “Wait. Nasaan na ‘yong kotseng sinakyan niyo?”

“We just rented the car at the airport, Ate. Pabalik na siguro iyon,” sagot ni Sofia. Napalingon ito sa kulay asul na dagat at napabuntong-hininga. “Gustuhin ko mang magtampisaw sa dagat ngayon, mas gusto ko pa ring magpahinga dahil pagod na ako. Ang layo pala nito. But it was worth it since the place is really beautiful.”

Tumango si Zoey bago nagpasyang papasukin na sa bahay ang kanyang mga kapatid. Ipinasok na niya ang laptop niya sa bahay habang nakasunod naman sa kanya sina Jasper at Sofia.

Nang lingunin niya ang dalawa ay napansin niya ang pagsuri ng mga ito sa bahay. Right. It’s also their first time visiting the house.

“Wow! Ang ganda pala ng bahay natin dito. I only saw this in pictures. Mas maganda pa pala kapag sa personal,” sabi ni Sofia habang inililibot ang tingin sa sala. “The interior is so nice.”

“Yeah. Ang ganda nga rito. Kung gusto niyo, bisitahin na muna ninyo ang mga kwarto niyo habang naghahanda ako ng meryenda. I already saw your rooms and I’m sure you’ll love it,” Zoey said.

Iyon nga ang ginawa ng dalawa. Nagpasya sila na magbihis muna at mag-ayos ng gamit habang si Zoey naman ay dumiretso sa kusina para maghanda ng makakain nila. Alam niyang pagod na ang mga ito pero alam din niyang gugustuhin pa rin ng mga ito na makipagkwentuhan sa kanya bago tuluyang magpahinga.

Habang inihahanda niya ang meryenda nila ay biglang sumagi sa isip niya si Nicko. Naisip niya na baka maya-maya lang ay dumating na ito. Kung sakaling hindi pa magpapahinga ang kanyang mga kapatid pagkatapos nilang mag-meryenda ay baka maabutan pa sila ni Nicko. She’s going to introduce them to him.

Inaalala lang niya kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid kapag nakilala na ng mga ito si Nicko. She doesn’t know if they’d like him for her. They may not be in a relationship yet but she still wants her siblings to like him.

Nagpasya siyang huwag na muna iyong isipin nang matapos siyang maghanda ng meryenda. Kung ano man ang mangyari, kung magtanong man ang kanyang mga kapatid tungkol sa kanilang dalawa ni Nicko, sasagutin niya iyon nang walang pag-aalinlangan.

Dinala na niya sa sala ang juice at sandwich na ginawa niya. Sakto namang lumabas ng kwarto si Sofia habang si Jasper naman ay nakaupo na sa sofa habang may kausap sa cellphone. Na-realize niya na ang mga magulang nila iyon nang marinig ang pagtawag nito sa kanilang ina.

Matapos ang tawag ay bumaling sa kanila si Jasper.

“Tinawagan ko na si Mommy. Sinabi kong nakarating na kami. Nagbilin lang siya na mag-ingat tayo at mag-enjoy,” aniya bago kinuha ang isang sandwich sa mesa.

Tumango siya. “So, kumusta naman kayo roon? Ngayon ko na lang ulit kayo makakausap dahil kapag tumatawag ako kay Momma, lagi kayong wala. Kwentuhan niyo naman ako.”

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon