Chapter 7
Weird**
“Here.”
Nanginginig ang kamay na kinuha ni Zoey ang tubig na iniabot ni Nicko sa kanya. Nakaupo sila ngayon sa veranda ng bahay niya matapos ng nangyari kanina. Nakabalot sa kanyang katawan ang bathrobe niya at ang towel na mabilis na kinuha ni Nicko kanina sa loob ng bahay.
Matapos niyang uminom ay inilapag na niya ang baso sa mesa. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso niya dahil sa takot na naramdaman nang malunod siya kanina. Akala niya ay mamamatay na siya pero buti na lang at dumating si Nicko.
Napatingin siya sa lalaki. Nakatingin ito sa dagat habang nakakunot ang noo. She had to admit. She’s actually thankful that he saved her life. Kung wala siguro ito ay malamang, inaanod na ng dagat ang bangkay niya ngayon.
Ni minsan ay hindi inisip ni Zoey na mamatay nang maaga. She has her family. Ayaw niyang mawala dahil ayaw niyang mawalay sa pamilya niya. Besides that, she knows her family will be sad if something bad happens to her especially her Momma. Yes, she’s her stepmother but she loves all of them so much. Ayaw na ayaw nitong napapahamak silang magkakapatid. Her father loves all of them, too but her stepmother’s love for them is beyond everything.
Maliban pa roon, ayaw niyang mamatay nang maaga dahil kahit papaano ay gusto pa niyang magkaroon ng sariling pamilya. She wanted to see her siblings have their own family, too. She wanted to guide Sofia while growing up.
That’s why she really owes her life to Nicko. Kung hindi dahil sa kanya, malamang ay wala na siya ngayon. She needs to at least say thanks, right?
Tumikhim siya para kuhanin ang atensyon nito. Napatingin naman ito sa kanya.
“Um… thank you… for saving me,” she said.
Ngumiti ito ng tipid. “Ayoko namang umalis lang habang nakikita kong nalulunod ka. But… what happened? Bakit ka nalunod? Hindi ka ba marunong lumangoy?”
Tumango siya. “Yeah.”
“Kung ganoon, bakit pumunta ka pa sa mas malalim na parte ng dagat kung hindi ka naman pala marunong lumangoy?”
“I didn’t. Inanod lang ako ng dagat kaya ako napunta roon. Pinulikat ako kanina habang naliligo. Hindi ko nagawang mailakad nang mabuti ang paa ko kaya ayun, inanod ako ng dagat.”
Tumango-tango siya. “Well, it’s good that nothing worse happened. Mabuti na lang at nakita kita agad. Are you okay now?”
Huminga siya nang malalim bago tumingin sa dagat.
“I’m still scared. Akala ko mamamatay na ako. Ayoko namang mamatay nang hindi ko nakikita sa huling pagkakataon ang pamilya ko,” sagot niya.
“Hey, don’t say that.”
She smiled a little. “Salamat talaga.”
“No problem,” he replied before looking at her. “By the way, I’d like to apologize for what happened the other day. I’m sorry for saying those words. Nagbibiro lang naman ako. Alam kong nainis ka sa akin kaya siguro dalawang araw kang hindi nagpakita. I’m really sorry for that.”
Nagulat si Zoey sa sinabi nito. Hindi niya akalaing hihingi ito ng tawad sa sinabi nito noong isang araw. Sa totoo lang, para sa kanya ay wala na iyon dahil iniligtas naman nito ang buhay niya. Pero ngayong sinabi nito iyon ay sa tingin niya, kailangan niya rin talagang humingi ng tawad sa mga bagay na nagawa niya sa lalaki mula noong unang beses silang nagkita.
“Well, inaamin kong nainis nga ako sa’yo dahil sa sinabi mo. But there’s nothing to worry about. Apology accepted,” she said. Bahagya siyang napayuko. “And um… I’d like to apologize, too for all the things I did and said to you ever since I came here. I’m sorry.”
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomantizmThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...