Chapter 29
Applicant**
Napahawak si Zoey sa kanyang sentido nang makaramdam ng sakit ng ulo. Nang lingunin niya ang mga papel sa kanyang mesa ay mas lalo yatang sumakit ang ulo niya. Kanina pa niya sinusuri ang resume ng mga taong nag-a-apply sa kanilang kompanya pero hanggang ngayon ay hindi pa siya tapos.
Dahil mahigit isang buwan siyang nawala, natambak ang resume ng mga aplikante na gustong magtrabaho sa kanila. Kung tutuusin ay hindi naman niya kailangang tingnan lahat pero gusto niya lang ng may mapagkakaabalahan.
Hangga’t maaari kasi ay ayaw niyang nababakante ang oras niya dahil lagi niyang naaalala ang nangyari noong gabing nagkita sila ni Nicko. Tatlong araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nandito na nga sa Manila si Nicko at alam na nito ang itinatago niya.
Medyo nabo-bother kasi siya dahil wala man lang paramdam si Nicko sa kanya pagkatapos no’n. Pero sabagay, bakit pa nga ba ito magpaparamdam pagkatapos ng nalaman niya?
Napabuntong-hininga si Zoey at nagpasyang huwag na lamang tapusin ang pagsuri sa mga resume. Kahit papaano naman kasi ay nakalahati na niya iyon at nakapili na rin siya ng mga tatawagan for interview. Kinakailangan na lamang niya iyong ibigay sa assistant niyang si Shiela para ito na ang tumawag sa mga aplikante.
Mayroon pa siyang mga gagawing trabaho na ipinapagawa sa kanya ng Daddy niya pero nagpasya siyang mamaya na lamang iyon gawin dahil nagugutom na siya. Doon lamang niya na-realize na lampas lunch break na pala at hindi pa siya kumakain.
Tumayo na siya para lumabas ng kanyang office. Paglabas niya ay naabutan niya si Shiela na mukhang may tinatrabaho rin sa mesa nito. Nang makita siya nito ay bigla itong tumayo.
“Ikaw na ang bahala rito, Shiela. Make sure that they will arrive on time on the day of the interview,” she said.
“Yes, Ms. Zoey. Anything else po?”
“I’ll eat lunch outside. Kapag hinanap ako ni Daddy, pakisabi na lang na lumabas ako. Kapag urgent, sabihin mong tawagan na lang ako, okay?”
“Okay po. Eat well, Ms. Zoey.”
Iyon lang at umalis na si Zoey para kumain sa labas. Ayaw na rin kasi niyang istorbohin pa ang kanyang assistant para bilhan siya ng lunch dahil alam niyang marami rin itong ginagawa. Nagpasya siyang sa isang malapit na mall na lang pumunta para doon maghanap ng makakainan.
Sa isang fast food chain niya naisipang kumain dahil mas gusto niya na marami siyang nakikitang tao. Medyo malungkot kasi kapag tahimik lang ang paligid na siyang madalas niyang mapuna sa tuwing sa isang fine dining restaurant siya kumakain. Puno na ang kainan pero mabuti na lang at nakakita siya ng bakanteng mesa.
Kasalukuyan siyang kumakain nang biglang may lumapit sa kanya na lalaking may hawak na isang tray ng pagkain.
“Uh, Miss, pwede bang makiupo? Wala na kasing bakanteng upuan, eh,” tanong nito.
Tumango na lamang si Zoey at nagpatuloy na sa pagkain. Narinig niya ang pagpapasalamat ng lalaki pero hindi na niya ito pinansin. Hindi niya naman ito kilala at wala siyang panahong makipag-usap sa isang taong hindi niya kilala.
Pero sa kalagitnaan ng pagkain nila ay bigla na naman siyang kinausap ng lalaki.
“Ikaw si Zoey Valderama, ‘di ba? ‘Yong anak ng mayamang negosyante?” tanong nito na hindi niya sinagot. “Grabe. Sa TV lang kita nakikita kapag ibinabalita pero mas maganda ka pala sa personal.”
Hindi niya pa rin ito pinansin at nagpatuloy pa rin sa pagkain. Pero mukhang wala yatang balak ang lalaki na manahimik dahil kinausap na naman siya nito.
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...