Chapter 4
Kaldereta**
Pagpasok nila sa dining room ay nakita niya ang isang matandang babae na nakaupo sa pinakadulo ng isang mahabang mesa. Mukhang kasya ang walong tao sa mesang iyon pero sa puntong ito, apat lamang silang kakain.
Nakangiti ang matanda habang nakatingin sa kanya. Lumapit siya sa matanda at saka ito nginitian.
"Zoey, siya nga pala ang lola namin, si Lola Aura," pagpapakilala ni Charm sa kanya. Kinuha niya ang kamay ng matanda saka nagmano rito.
"Hello po, Lola. Ako po si Zoey."
"Mabuti naman at nandito ka na, hija. Ang ganda mo pala. Kamukha mo ang Daddy mo," nakangiting sabi ni Lola Aura. Nahihiyang napangiti si Zoey. "Ang mabuti pa ay umupo na tayo para makakain. Charm, tulungan mo ang pinsan mo na dalhin dito ang iba pang pagkain."
Agad namang sumunod si Charm sa sinabi ng matanda. Ang kitchen counter lang ang nagsisilbing divider ng dining room at kitchen kaya kitang-kita ni Zoey ang ginagawa ng magpinsan sa kusina.
"Pasensya ka na, hija. Wala kasi kaming katulong dito kaya kami-kami lang ang gumagawa ng lahat. May nagpupunta naman dito para maglinis pero pagdating sa ibang gawain ay ang mga apo ko na ang gumagawa," hinging-paumanhin ni Lola Aura.
Umiling siya at ngumiti.
"Ayos lang po. Pwede ko rin naman po silang tulungan," aniya bago tumayo. Pero agad din siyang pinigilan ni Lola Aura sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.
"Naku, hija! Huwag na. Bisita ka namin dito. Umupo ka na lang diyan," nangingiting sabi ng matanda.
"Don't worry, Zoey. Magaan na trabaho lang naman ito," nakangiting sabi ni Charm bago umupo sa harap niya. Kasunod no'n ay ang paglapag ni Nicko ng ulam sa gitna bago umupo sa tabi ni Charm.
Umupo na lang din si Zoey kaysa makipagtalo pa. Wala na rin naman siyang magagawa dahil nakahain na lahat ng pagkain sa mesa. Tatlong putahe ang naroon at mukhang masasarap lahat. Muli niyang naramdaman ang gutom na kanina pa niya iniinda nang makita ang kaldereta. Well, that's her favorite food.
Hindi naman talaga siya kumakain ng marami kapag hapunan pero dahil nasa harap niya ang kanyang paboritong pagkain, sa tingin niya ay mapaparami ang kain niya ngayon. Lihim na lamang niyang ipinagdasal na sana ay hindi siya magmukhang gutom na gutom kapag nagsimula na siyang kumain.
"Ang mabuti pa ay magdasal na muna tayo bago kumain. Nicko, lead the prayer," Lola Aura said.
Napatingin sa kanya si Nicko. "Marunong ka naman sigurong magdasal, 'no?"
Nakaramdam siya ng irita nang sabihin iyon ng lalaki. Hindi na lang siya sumagot dahil nasa tabi niya lang si Lola Aura. Ayaw naman niyang sumama ang tingin sa kanya ng matanda. Kahit man lang sana isang tao, maliban sa kanyang pamilya at mga kaibigan, ay makita na hindi siya isang masamang tao.
Mabuti na lang at sinuway ni Lola Aura ang apo.
"Nicko, huwag mong bastusin ang bisita natin lalo na sa harap ng pagkain. Simulan mo na ang pagdadasal," sabi nito bago pumikit.
Nang masiguro niyang hindi na nakatingin ang matanda ay agad niyang inilabas ang dila at binelatan ang lalaki. Nanlaki naman ang mata ni Nicko dahil sa kanyang ginawa samantalang si Charm naman ay tumawa nang mahina. Inirapan niya ang lalaki bago pumikit na rin para magdasal.
After leading the prayer, they started eating. Habang kumakain ay kinakausap naman siya ni Lola Aura.
"Kumusta nga pala ang biyahe mo kanina, hija?" tanong nito. "Pasensya na nga pala dahil hindi ako ang sumundo sa iyo. Hindi na kasi ako pwedeng bumiyahe nang malayo. Kahit nga lumabas ng matagal ay hindi na pwede sa akin dahil iyon ang payo sa akin ng doktor ko nitong nakaraang buwan. Alam mo naman kapag tumatanda."
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...