Chapter 33
Friends**
Kabado si Zoey habang nasa biyahe papunta sa bahay nina Nicko. Kanina pa siya napapahinga ng malalim at kanina pa rin niya nililibang ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa labas para lang mawala na ang kabang nararamdaman niya. Pero kahit yata anong gawin niya ay hindi pa rin iyon mawawala.
Ipapakilala siya ngayon ni Nicko sa kanyang ama. After she introduced him to her parents, he decided to introduce her to his father, too. Hindi sana papayag si Zoey noong una dahil hindi pa talaga siya handa pero naisip niyang baka maging unfair kay Nicko kung hindi siya papayag. Kung ito nga ay nakayang humarap sa pamilya niya, bakit siya ay hindi?
In the end, she decided to say yes to his invitation. Inisip na lang niya na mas mabuti iyon para mas maging legal na sila sa magulang ng isa’t isa. Hindi na lamang niya sinabing hindi pa siya handa dahil ayaw niyang ma-disappoint ito.
Tulad ng napagkasunduan, sinundo siya ni Nicko kanina para sa bahay nila mag-lunch. Nicko told her earlier that his father is excited to meet her. He even asked him her favorite food so that he can cook it for her. Medyo gumaan ang pakiramdam ni Zoey kanina nang malaman iyon dahil ibig sabihin no’n ay may tsansang magustuhan siya nito para kay Nicko.
Pero ngayong malapit na sila, unti-unting bumalik ang kabang nararamdaman ni Zoey. Habang palapit sila sa village kung saan nakatira sina Nicko ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya.
“Hey, are you okay?”
Natigilan si Zoey sa pagmamasid sa labas nang marinig niya ang boses ni Nicko. Nilingon niya ito.
“Huh? Yes, I’m fine,” she lied.
Napakunot-noo ito. “You don’t look fine to me. Are you sure you still want to do this? I can ask my father to reschedule—“
“Huwag na,” aniya habang umiiling. “Ayos lang ako. Kinakabahan ako pero ayos lang talaga ako. Huwag ka nang mag-alala.”
He sighed. “You should’ve told me that you’re not yet ready to meet him.”
“Ayos nga lang. I’m fine. Besides, I’d like to meet your Dad, too. He’s already expecting me so I think it’s best if I meet him now. I don’t want to disappoint him,” she said.
Sa huli ay wala nang nagawa si Nicko kundi ang tumango na lang. Zoey smiled to assure him that she’s fine.
Mga ilang sandali lang ay huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Nang tingnan ni Zoey ang labas ay bigla na naman siyang kinabahan. Pumikit siya at huminga nang malalim para pakalmahin ang kanyang sarili.
Nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto sa kanyang gilid. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya si Nicko na nakangiti sa kanya habang hinihintay siyang lumabas. Ni hindi niya namalayang nakalabas na pala ito ng sasakyan dahil sa kabang nararamdaman niya.
Lumabas na siya ng sasakyan. Nicko held her hand as both of them went inside the house. The moment they entered the gate, Zoey noticed the front yard. Hindi tulad ng garden nila, kaunti lang ang mga halamang naroon. Nanibago lang siguro siya dahil ang madalas na makita niya sa kanilang bahay ay mga bulaklak.
Nang malapit na sila sa pinto ng bahay ay biglang huminto sa paglalakad si Nicko. Nilingon niya ito sa pagtataka.
“Are you sure about this? You can still back out,” he said. Napabuntong-hininga siya.
“Sigurado talaga ako. Nandito na tayo kaya bakit pa ako aatras?” aniya. “Hindi mo naman ako pababayaan, ‘di ba?”
“Of course, I won’t,” he said. “Fine. Let’s go inside.”
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...