Chapter 5.1: Research Project

44 46 10
                                    

Delialah's POV:
Kanina ko pa tinetext si Hadley para sabay na kaming umuwi pero wala pa ring reply. Nauna na kaming grupo na umalis sa kanila dahil madali lang naman ang gagawin namin, syempre favorite ko ang journalism, so chill chill muna kami. Hihintayin pa namin yung research nina Hadley.

"Delialah?? Andyan pa pala!" sigaw ni Hadley

"Kanina pa kaya ako nagtetext sayo na hihintayin na kita para sabay na tayo umuwi"

"Ah...sorry....kasi...nagmemeeting kasi kami about sa topic ng research and kung saan at kailan gagawin." paliwanag nito

"Ah ok. So kailan kayo gagawa? At kailan nyo mapapasa samin yung gawa nyo?"

"Sa wednesday namin gagawin at kila James kami gagawa. Siguro matatalos na namin toh ng Friday kasi medyo common na naman yung topic eh" sabi nito

"Ah ano bang topic??"

"Just find out! hahaha" sagot ni Hadley

"So dun talaga sa James na nakaaway mo kayo gagawa ng research project?? Pumayag ka ateh?"

"Uhm...oo naman at bakit hindi. Eh nagkabati na kami" sagot nito

"Ay wow, first time nagpakumbaba!" Asar ko

"Grabe ka sakin! Hahaha. Nga pala pwede favor ulit?" Bungad na tanong ni Hadley

"Sure! Ano ba yun?"

"Diba walang pasok naman tayo for the while week? May gagawin ka ba sa Wednesday?" seryosong tanong nito sakin

"Uhm...wala naman. Amd alam ko na ang itatanong mo. And my answer wil be....yes, pwedeng pwede akong mag-alaga kay Jack habang ginagawa nyo ang research project at kaht hanggang friday pa. Walang problema sakin"

Bigla akong niyakap ni Hadley at unti unti nang naluluha.

"Ay! Wag kang umiyak, sge ka! Di ko gagawin yun. At baka sabihin pa ng mga tao dito na pinaiyak kita." biro ko.

At bumitaw sa pagkakayakap si Hadley sakin para punasan yung mga tumulong luha.

"Napakaswerte ko talaga sayo Delialah" bola nito

"Sus! Tara na nga unuwi. Diretso muna tayo sa inyo. Dun muna tayo kumain ngayon" yaya ko

"Sge ba! Magluluto ako" sabi ni Hadley

"Para walang away.....magpapaorder na lang ako. Tawagan na rin natin yung dalawa. Baka magtampo. Hahaha"

At umuwi na kami tapos kumain at nagkwentuhan.

Gagawin ko ang lahat para mapangiti o mapasaya ko lang ang kaibigan ko kahit isang ngiti sa isang araw man lang.

Oliver's POV:
Jusko! Ang hirap pa lang maging leader ng grupo, lalo na kapag research group ka. Hindi namin malaman kung ano ba talaga ang topic namin. Magiinterview pa kami sa Thursday sa mga tao malapit kila Adalyn. Nakakatawa rin yung babaeng yun eh. Sarap asarin hahaha, tsaka higit sa lahat pikon din. Ganito kasi ang nangyari.....

Flashback while having the meeting about the topic for the Research Project

"So guys, sino ang magiging leader sa grupo natin?"

"Ikaw na lang kaya Oliver?" suggest nung isang groupmate.

Hindi na ako nagpabebe at marami rin namang sumangayon na ako ang maging leader. Magaling ako sa pagiging leader. Akala ko madali ang pagiging leader ng research group....pero hindi pala.

"So Mr. Leader, anong topic natin?" tanong nung isang babae.

"Uhm...hello, may pangalan ako Ms., kaya wag mo na akong tawaging Mr. Leader" sabi ko na may plastic na ngiti

"And excuse me rin....may pangalan din ako" sagot nito

"Eh ikaw naman ang nauna eh. Ikaw ang nangunang magsalita ng Mr. Leader. Tapos pagikaw na naman sinabihan ng Ms. ayaw mo"

"Malay ko ba kung anong pangalan mo" bara nito sakin

"Kakasabi nga lang nung isang member diba?"

Walang umaawat samin at patuloy pa tin kaming nagsasagutan.

"Hindi ako magaling sa mga pangalan. Especially sa mga guy na katulad mo" pangaaway sakin.

Hindi talaga ako pumapatol sa sagutan sa isang babae eh. Kaso sumusobra na toh eh.

"Kasalanan ko bang hindi ka magaling makaalala ng mga pangalan? Kasalanan mo na yan. And for your information....ako ang leader dito at dapat tumutulong ka! Hindi ka puro side comments" sagot ko dito na may pa-plastic smile dito sa babaeng toh.

"So ayaw mong masabihan ng Mr. Leader? Eh ikaw na nga tong ginagalang na hindi tinatawag ng pangalan mo eh. Mr. Leader na nga ang tawag ko sayo....abay ayaw mo pa? Choosy lang? So ang gusto mong itawag ko sayo ay Mr. Choosy??" asar nito sakin.

Nakakabanas na talaga tong babaeng toh ah!! Hays. Chill Oliver....chill ☺

"Kung yan ang itatawag mo saken... its fine with me....kung papayag ka lang na ang itawag ko sayo ay....Ms. Pikon"

"Eh ikaw nga dyan ang PIKON EH!!!" sigaw nito sakin.

"Aba! Ang lakas naman ng loob mo na sigawan ang leader mo!" sigaw ko pabalik

"Leader ka nga! Wala ka namang respeto sa babae! And for your information....pareparehas lang tayo ng binabayad dito! Wag kang mapagmataas! Tsaka transferee ka lang!" paglalaban nung babae.

Sumusobra na talaga toh eh. Pero hindi ko na to papatulan. Mananahimik na lang ako....tsaka babae to eh (sabi ko sa utak ko)

"Ok group! Uhm...let's end this meeting. Uhm...the next meeting will be on Thursday. And we will do our research too" sabi ko sa kanila at ako na ang unang umalis at sumunod na ang ibang groupmates.

Hindi ko na tiningnan yung babaeng yun, napakapikon eh. Hihintayin ko na lang sila Jam at iba pang mga mokonv kong kaibigan sa gate.

End of Falshback.....

Oh diba, mapapaaway pa ako sa babaeng yun. At buti na lang transferee din sya.

Maya maya ay dunating na ang mga hinihintay ko.

"Bat ba ang tagal nyo?" reklamo ko

"Nagmeeting pa kami about sa research na gagawin namin sa Wednesday, bro" sabi ni Jam

"Wala namang masyadong pinagmeetingan pumunta pa akong library at medyo nakipagusap dun sa isa pa naming kagrupo" malamig na paliwanag ni Jasper

"Kami rin....wala rin masyadong pinagmeetingan. Nagbigayan lang kami ng contacts" masayang sabi ni Wyatt.

"Ang saya mo ah"

"Hahaha ganun talaga" sagot nito na abot tenga ang ngiti.

"Eh ikaw bat ang nandito ka na agad?? Wala ba kayong pinagmeetingan?" tanong ni Jam

"Wala kaming pinagmeetingan, tsaka kung hindi ako makakapagpigil kanina dun sa babaeng yun. Masasapak ko!"

"What???!! Dude, you should not hurt any girl. You can be cold to them but do not hurt them!" sigaw na sabi ni Jasper

"Wala naman akong ginawa eh. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na sagutin ko sya ng walang habas. Tsaka wala pa kaming napipiling topic.Bukas pa malalaman bro. Wag kang magalala" sabi ko

"Ok bro, but I really need the title or what is your research all about bto! I need the topic tomorrow." pagpapaalala ni Jasper

"Oo na bro! Tara na nga mga bro! Kapagod tong araw na toh eh."

Umuwi na kami pagkatapos nun, pero hanggang ngayon.....bad trip pa rin ako, hayst!




Sorry for the typographical errors, kung meron man :) Please support me po, that would be a great help po :) 

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon