Chapter 31: Walk Out

40 14 5
                                    

Jam's POV:
Nagulat ako nung pinatawag ako ni dad at pinababalik ako sa bahay nya. Oo, magkaiba kami ng bahay. Hindi ako nakatira sa kung saan sya nagstastay, hindi naman kami ganun kaclose sa isa't isa pero hindi naman ako ganun ka-distant sa dad ko. About the time when he called me on the phone a while ago is about sa papers abroad. Gusto nya na ako ang pumuntang abroad to get those papers, busy daw kasi sya sa work at those kind of time.

At first hindi ako pumayag because we have our hell weeks coming towards us, kaya hindi ako muna pwedeng mag-absent. But he added na...sa sem break daw ako pupunta. Well...how can I deny, right? Tsaka after all, papeles naming family ang kukunin ko. Para rin maayos na ang papeles namin dito sa pilipinas.

I'm planning to tell the squad tomorrow sa break time. Good time to have a talk to them. Sana nga lang hindi sila maghinanakit sa akin dahil iiwan ko sila for a few days. Hindi ko na naman kailangan magsama pa ng iba, cause I can handle myself though. Pero...may bigla na lang akong naalala.

Si Hadley.

Paano kung may mangyari kapag wala ako? Paano kung kailangan nya ako sa mga oras na wala ako? Ang daming tanong ang nasa isip ko ngayon, pero siguro pababantayan ko na lang sya kila Delialah at Wyatt. May tiwala naman ako sa kanila at alam kong hindi nila pababayaan ang isa't isa.

Hadley's POV:
Maaga akong nagising at nagmadaling nagayos ng sarili para pumasok. Balak ko kasing pumsok ng maaga para makumpleto ko na ang mga requirements na pinapagawa ng mga teacher namin. Maya maya naman ay biglang tumunog ang phone ko.

From: James
Sabay na tayo pumasok. Alam kong papalabas ka na ng pinto.

Nagulat ako sa nabasa ko. Manghuhula na ba 'to ngayon? Pano nya nalaman na maaga ako appasok 'e wala naman akong pinagsabihan. Ang weird nya.

Tumunong na naman ang phone ko.

From: James
I know you're thinking how I know all about that, right? Well maybe, because alam ko ang takbo ng utak mo? At alam kong gusto mong makatapos ng maaga sa.mga requirements. Kaya bilisan mo na ang paglabas mo dyan sa pintuan nyo.

I took a deep sigh and decided na lumabas na ng pinto. At doon ko nga sya nakita. Nakatayo at nakangiting nakatingin sa akin. Grabe, ano bang meron ngayon at parang biglang nag-iba ang mga asta nya ngayon? Psh! Nakakapanibago!

"Tara?" pambasag nito sa akin. Tango na lang ang iniresponde ko sa kanya.

Maya maya naman ay nakarating na kami sa UA (Unique Academy) at pumasok na ng room. Kami pa lang ang nandoon. Tahimik lang akong nagaayos ng mga gamit sa lamesa. Ewan ko kung bakit hindi ako makapagusap at mabasag ang katahimikan. Feeling ko kasi parang iba ang ihip ng hangin.

"Are you okay?" tanong nito na nagsanhi ng pagkagulat ko. "Oo naman! Bakit naman hindi?"

Lumapit ito sa akin. "Weh, di nga?"

"Oo nga! Parang naninibago lang kasi ako sa asta at galaw mo ngayon!" napangisi na lang ito saka umupo sa upuang katabi ng upuan ko. "I want to tell you something"

"Ano yun?"

"Pagkatapos ng exams natin ay aalis ako" Sa sinabi nyang yun ay napatingin ako sa kanya at napatigil ako sa pagaayos ng mga gamit ko.

"Aalis?"

"I'm going abroad to handle some stuffs" sagot ni James. "Inuna ko nang sabihin sayo. Para alam mo na rin ng masmaaga"

"Why?" He looked at me. "Dahil gusto kong ikaw ang unang makaalam"

Ngumiti na lang ako. At maya maya ay napansin naman namin na dumadami na ang mga tao sa room. Nahagip ng mga mata ko ang pagdating ni Zeigfred at nakatingin ito sa akin. Nginitian ko na lang ito at naisip ko na ito ang tamang oras para sabihin ko na rin kay Zeigfred na okay na kami ni Zeigfred.

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon