Adalyn's POV:
Ang bilis natapos ang isang linggo. Matapos lahat ng nangyari...ang bilis ng panahon. Why? Bumalik na rin sa dati ang lahat. Si Wyatt at Delialah, okay na. Tas sina Jasper at Sarah...well, ganun pa rin. Tas ako...same pa rin naman, walang nagbago.Incoming call...
Unknown NumberKinabahan ako kung sino ang tumatawag sa akin. Imposible namang nagpalit si mama ng number o kaya si kuya. Oo may kuya ako. Civil engineer na sya ngayon, 'o diba? May ipagmamalaki rin ako! Hahaha!
"Hello?"
"Is this Adalyn Rose Mallari?" Hala! Parang narinig ko na yung boses na yun, pero imposible namang si....
"John!?"
"Oo ako nga! Grabe, nakalimutan mo na agad ako?" Wahh si John nga!! Si John ang boy best friend ko since elementary pa ako. Lagi syang nandyan kapag kailangan ko sya, but 3 years ago kailangan nyang umalis kasama ang pamilya nya. Maybe...because of their family business. Ano pa bang magagawa ko para mapigilan sya?
"Hala! Namiss kita John!!"
"Namiss din kita Adalyn! Free ka ba ngayon?"
"Uhmm...Oo, since weekends naman ngayon. Why?"
"Labas tayo! My treat!" Bigla naman akong nasiglahan sa sinabi nito. Niyayaya nya akong magbonding! Wahhh makakatanggi pa ba ako nito!? Syempre hindi!
"Oo ba! San tayo?" Narinig ko namang napatawa sya ng onti sa kabilang linya. "Same place where we always go. Around 2 pm? Okay lang ba sayo?"
Hindi na ako nagdalawang isip pa na sumagot. "Oo ba! I'll be there, see you best friend!" Napangiti kaming dalawa at ibinaba ko na ang telepono.
"Look who's happy! Anyare sayo?" Nakakagulat naman talaga 'to minsan si Sarah 'e, hindi marunong kumatok, psh! "Anong purpose ng pinto? Di ka ba marunong kumatok Sarah? Tsk!" Pagtataray ko dito.
"Sus! Iniiba mo lang ang usapan! So anong nangyari sayo at parang sobrang saya mo?" Excited na tanong ni Sarah sa akin. "Its none of your business, hmmp!" Nagpipigil lang talaga ako na mapatili sa sobrang saya, dahil baka magiba ko yung buong kwarto ko.
"Wow, so ako pa ngayon ang pakielamera? Nagtatanong lang 'e"
"Psh, Fine! Magkikita kami nung boy best friend ko! Tsaka kahit naman sabihin ko sayo, di mo sya kilala kasi magkaibigan na kami nung hindi pa tayong apat magkakaibigan" humarap ako sa kanya at parang nakakita sya ng multo na nasa harap nya. "Why are you looking at me like that?"
"May lagnat ka ba?" Kinapa ko naman ang mukha ko. "Anong problema?"
"Ang pula ng buong mukha mo! Sasabog ka na ba? O may allergies ka?" Napaka-O.A. talaga nito kung minsan si Sarah 'e. Kinapa kapa nya pa yung buong mukha ko kung okay lang ba talaga ako.
"Okay lang talaga ako, ano ba?!" Sa sobrang inis ko ay tinanggal ko ang kamay nya na kinakapa ang buong mukha ko na sinisigurado na kung okay lang talaga ako. "Hayss Adalyn, basta wag kang umuwi ng gabing gabi na mamaya"
"Nanay lang ang peg? Oo alam ko naman yan!" Nagroll lang sya ng eyes saka naglakad papalabas ng kwarto. "By the way Adalyn, enjoy your date" Narinig ko namang umalis sya nang medyo tumatawa. "Ano kayang nakakatawa dun? Hays..makapagbihis na nga"
Maya maya ay nakarating na ako sa pinagusapan naming lugar, and there I saw my best friend. At first hindi ko na sya makilala at mamukhaan dahil ang laki na ng pinagbago. Kung hindi sya kumaway ay hindi ko sya malalapitan.
"Grabe, hindi mo na ako nakilala 'a" pambungad nito. "Oo 'e. Itsura pa lang...ang laki na ng pinagbago. Samantalang ako...wala masyado"
"Arte mo pa rin Adalyn! Nga pala kamusta? Kamusta life, at studies?"
"Uhmm okay lang naman" Sinagot ko sya ng may malawak na ngiti. Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan habang kumakain. Hindi ko nga namamalayan ang oras dahil ang saya ko talaga kapag kasama ko sya.
Maya maya ay natigilan ako nang may kumalabit sa likod ko. Si Oliver?
"Mukhang nageenjoy kayo?" Psh! Kahit kelan talaga panira tong si Oliver 'e!! "Ehem...kasama ka ba dito at nakikisabat ka lang sa magandang usapan namin?" Nakita ko namang nakatingin si John kay Oliver.
"Uhm..Adalyn...Is he your friend?"
"No" "Yes" Tsk! Nakikisabay pa sa sagot ko. "Hindi ko sya kaibigan John. We're just classmates" Nakikita kong masama ang tingin sa akin ni Oliver sa peripheral vision ko. Tsk! Ano naman ngayon!?
"Ehh..he said that you two are friends" John suddenly stopped for a moment, and suddenly stood up. "Nice to meet you bro, I'm John Sta. Ana" Nilahad nya ang kamay para makipagshake hands. Nakipagshake hands naman rin si Oliver. Ang hindi ko inaakala pagkatapos nun ay pinaupo sa tabi ko si Oliver and let him join our talk.
Hays...masyadong mabait talaga nitong best friend ko, at minsan hindi nakaktuwa, psh!
Oliver's POV:
Naglalakad ako kanina nang makita kong super saya ni Adalyn na nakikipagtawanan sa lalaki na kausap nya. Sino kaya yun?Hindi ko rin alam kung bakit ako pumasok sa cafe at dirediretsong lumapit sa table nila. Parang may sarili na namang utak ang katawan ko, hayss...hindi ko talaga mapigilan. Pero mukhang mabait naman si John na 'to 'e...wag na wag lang syang magkakamali ng galaw.
As of now...medyo hindi umimiimik si Adalyn. Simula nung umupo ako sa tabi nya ay nanahimik na ito. "Is there something wrong, Adalyn?" Biglaang tanong ni John. Umiling naman agad si Adalyn at bumalik sa pagkakain ng pagkain. Kahit kelan talaga...hindi sya mapigilang kumain. Napakatakaw!
"I'm just not in the mood, John"
"Why?" Tumingin sa akin ng masama si Adalyn. "Wala. I just wanna go home. Uuna na ako" Alam kong nawalan sya ng mood ng dahil sa akin. Kaya...hindi ko na lang sya pinigilang umalis.
Pagkaalis ni Adalyn ay nandito pa kaming dalawa ni John. "Ano ka ni Adalyn" I started off. "Long time boy best friend, why?"
"Wala naman. Akala ko kasi kung sino"
"Well...Adalyn trusts me, and wala akong balak sirain ang binigay nyang tiwala. Tsaka...teka nga lang...bakit ka ba nagtatanong ng ganyan sa akin? Sino ka ba sa buhay ni Adalyn? Diba classmate la..." Hindi ko na sya pinatapos. "Friend. I'm her friend"
"Just be good to her, if not...you'll see the hell out of me" Wow, makabanta 'tong lalaki na 'to 'a! Kala mo kung sino, kala mo tatay 'e, tsk! "Do you think gagawin ko yun?"
He shrugged his shoulder. "Maybe. Who knows, right? But I'm warning you. Ngayon pa lang winawarningan na kita. Ayokong makita na imiiyak at nasasaktan ang best friend ko" Daming satsat nito, kala nya naman kaya kong gawin yun kay Adalyn.
"You can trust me" Tumango na lang sya at nagpaalam na at umalis na. Naiwan akong mag-isa at namalayan ko na lang na tulala ako ng mga tatlong minuto. Hays...sana hindi 'tong lalaking 'to maging hadlang o asungot sa pangaasar ko kay Adalyn.
To be continued...

BINABASA MO ANG
Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018
Novela JuvenilWelcome to Unique Academy! Dito lahat maguumpisa ang lahat lahat. Friendship, Relationships, Enemies, Rebels and so much more. Kaya nga sya tinawag na "Unique Academy" right? Kasi...Unique ang mga happenings dito. They learn how to be themselves and...