celestine's p.o.v
hay nako nako..
nag thank you lang ako natunganga na sya?
pano pa kaya pag hinalikan ko to?
ano mahihimatay na sya ganon?syempre charot lang..
hehe never ko syang i kikiss no...
i mean h-hinding hindi ko na sya ulit hahalikan.promise..
cross my heart..
malunod man sya.hindi ko nalang sya pinansin pa at tumahimik nalang habang nakaupo
bwisit naman...
sana diba nakakaramdam sila na antagal na namin dito?!pucha!
mahigit 30 minutes na ata kaming na lock dito eh.napa buntong hininga nalang ako sa naisip ko nang bigla nyang basagin yung katahimikan
" bakit may goma ka sa kamay? "
natatawang tanong nya , habang nakatingin sa may kamay ko
bahagya namang tumaas yung kilay ko sa pagtawa nyaano namang nakakatawa dito ?
" eh bat ka natatawa? "
walang ganang balik ko nang tanong sakanya
" kailan pa nausong tanong din ang isagot sa tanong? "
malokong tanong nanaman nya sakin..
sige magtanungan nalang tayo dito nang walang sagutan.napatingin ulit ako sakanya pero agad ko ring binaling sa iba yung tingin ko
ayokong nakikita yung ngiti nya.para kasing kapag nakikita ko syang ngumingiti..
a-ano..
parang..
ah basta , ayokong sabihin sainyo." ngayon lang. "
maiksing sagot ko sakanya
" kailan ka ba sasagot ng maayos? "
maloko pa nya ulit na tanong sakin..
tinapunan ko lang sya nang saglit na tingin tapos umiwas ako ulit agad." kapag nagtanong ka na ng maayos. "
pabalang ko nanamang sagot sakanya..
bakit ba kasi nag t-tyaga pa kong kausapin tong lalaking to e.
pwede namang baliwalain ko nalang sya at hindi na pansinin pa." bakit ang kulit mo? "
irita ko pang tanong sakanya habang nakatitig sa mga mata nya..
" bakit ang sungit mo? "
sabi naman nya sakin..
inirapan ko nalang sya at saka umiwas nang tingin." hindi mo pa ko kilala. "
maiksing sagot ko naman sakanya.
isang minuto din yung lumipas nang magsalita ulit sya." hindi ko man alam yung ugali mo , alam kong nakita na kita sa kung saan celestine. "
malamig at mababang tonong pagkakasabi nya sakin..
kinabahan naman ako bigla sa sinabi nya , pinigilan kong lakihan yung mata ko para hindi nya mahalatang nagulat ako..
BINABASA MO ANG
My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One )
RomanceAng pag-ibig ay dumadating ng hindi inaashan.. Sasaya ka ng Panandalian.. At masasaktan ka ng pang-matagalan. Pipiliin ko na sanang masaktan ng kasama ka.. Pero bakit parang hindi ko ata kaya?