CHAPTER 80: URN

1.4K 42 0
                                    



Celestine's p.o.v

habang papalabas kami nang kwarto ay iba yung pakiramdam na nararamdaman ko...
imbes na sa nursery room kami dumiretso..

inilabas nya ko nang ospital..
napalingon naman ako sakanya at nakita kong habang itinutulak nya yung wheel chair ko ay walang tigil sa pagpatak nang luha nya..

" b-bakit nasa labas tayo micco? "
" n-nandito ba yung baby natin? "

nakangiti pero nagtataka at nag aalalang tanong ko sakanya..
hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari?

b-bakit ganito?
hindi nya ko pinansin kaya umayos nalang din ako nang upo..

inisip ko naman na baka pinaaarawan lang sya kaya nasa labas..
tama , baka nga pina aarawan lang yung baby ko..

habang tulak tulak nya ako ay hindi ko rin maiwasang maluha..
b-bakit ganito?

ilang saglit pa ay lalo na kong nagtaka nang pumasok sya sa loob nang museleo..
museleo nang mga batang crinimate..

nanindig naman yung balahibo ko at saka ko sya tinignan..
katabi lang nang ospital to kaya hindi sya ganon kalayo..

" t-teka lang micco.. "

sabi ko sakanya..
agad naman syang napatigil pero hindi sya pumupunta sa harapan ko...

kaya ako nalang yung lumingon sakanya habang hindi na nya napigilan pang humagulgol..

" m-micco ano ba tong pinuntahan mo h-ha? "

naiiyak ko nang tanong sakanya..
mabigat na hakbang at dahan dahan syang lumapit at lumuhod sa harapan ko..

" celestine.. i-i'm sorry... "

sabi nya sakin habang mahigpit nyang hawak hawak yung kamay ko..
para namang dinudurog yung puso ko nang makita ko syang ganon...

nasasaktan ako , pero hindi ko alam kung saan nanggagaling tong sakit na nararamdaman ko..


" ba-bakit ka nag sosorry m-micco? "

umiiyak kong tanong sakanya..
hindi na nya nagawa akong sagutin pa..


" MICCO ANO BA?! SAGUTIN MO NAMAN AKO? ANONG NANGYARI ? A-ANONG NANGYARI SA BABY NATIN M-MICCO?! "

tanong ko sakanya...
hinarap naman nya ako at saka pinunasan nya yung luha nya at saka sya lumapit sakin parang punasan din yung luha ko..

" c-celestine... h-hindi kinaya nung baby n-natin yung nangyari sayo.. "

paninimula nya pa..
napakunot naman yung noo ko sa sinasabi nya..

" a-anong pinagsasabi mo ha?! a-anong nangyari sakin? "

tanong ko pa sakanya..
tumingin sya sa ibang direksyon at para bang hindi na nya kaya pang humarap sakin...

" m-micco ano ba?! nagbibiro ka ba ha?! "

" k-kasi kung nagbibiro ka , h-hindi na ko n-natutuwa sa biro mong ganito... "

sabi ko pa sakanya....

" celestine... m-makinig ka saking mabuti... "
" i-ipangako mo sakin na kapag na-naalala mo na ang lahat h-hindi ka magwawala... "
" o-okay? "

sabi nya sakin...
hindi ko alam kung anong mga sinasabi nya pero tumango tango nalang ako..

dumiretso sya sa paglalakad habang itinutulak yung wheel chair ko...
walang nang tigil sa pagtulo yung luha ko habang dumidiretso sya sa paglalakad ...

ilang saglit lang..
ay nasa tapat kami nang nag iisang jar na lalagyan nang urn..

kulay blue iyon at may naka engrave na angel sa palibot non , at merong kandilang nakatirik sa magkabilang gilid non..

ilang minuto ko yong tinitigan at dahan dahang tumulo yung luha ko habang unti unting bumabalik yung alaala na nangyari sakin kaya ako napunta dito sa ospital...

" m-micco.. "

" m-micco anong nangyayari? "

" m-micco diba hindi naman sya yan ? "

sunod sunod kong tanong sakanya habang nakaharap kaming dalawa sa jar na yon..

lumuhod sya sa gilid ko at nagsimula nanamang tumulo yung luha nya..

" c-celestine... h-hindi s-sya nakaligtas.. "

apat na salitang binitawan ni micco sakin..
dahan dahan akong napatingin pabalik doon at saka sunod sunod na tumulo yung luha ko...

" a-anak ko.... "

tanging nasabi ko nalang habang tinititigan ko yung bagay na nasa harapan ko..

" m-micco! hindi... hindi totoo yan! b-buhay yung anak ko.. "

" micco buhay sya diba ?"

walang tigil sa pagtulo nang luha ko habang sinasabi ko sakanya yan...
umiling iling sya sakin at saka nya ko niyakap nang mahigpit..

nagpupumiglas ako pero ako mismo yung nawalan nang lakas...

" m-micco... yung a-anak natin... "

nahihikbi ko pang sabi sakanya habang yakap yakap nya ko...
naalala ko na nang buo lahat nang nangyari..

mula doon sa pumunta ako nang grocery store..
hanggang sa naaksidente ako..

para naman akong nanlumo sa lahat nang naalala ko...
b-bakit ngayon ko lang to naaalala lahat?
b-bakit ngayon lang?

halos walang kalakas lakas akong pumiglas kay micco at saka dahan dahang tumayo..
nanginginig kong kinuha yung vase na naglalaman nang abo nya..

at dahan dahan kong inilapit sakin yon at saka ko niyakap nang mahigpit..

" a-anak ko... "

nanghihina kong sambit habang nginig kong niyakap yon...
naramdaman ko naman yung presensya ni micco sa likod ko pero hindi nya nagawang lumapit sakin..


dahan dahan akong nawalan nang lakas at saka ko mahigpit na niyakap yon habang napapaupo ako sa sahig sa sobrang nanlalambot yung tuhod ko....

mahigit sampung minuto na kong nasa ganoong posisyon lang habang walang ingay na maririnig mula sakin...
tanging mga tulo lang nang luha sa mata ko yung makikita habang wala nang kareareaksyon iyon..

bakit nangyayari to sakin?
bakit kailangang samin pa?

napag desisyonan ko na ding tumayo at saka ako inalalayan ni micco..
habang dahan dahan kong ibinabalik yung vase nya ay naiisip ko yung magiging mukha nya habang nakikita ako at nilalaro ko sya...

naiisip ko kung paano sya ngumiti..
naiisip ko kung ano nga bang ipapangalan sakanya...
nakikita ko syang lumalaki..

pero alam nating lahat na hanggang imagination nalang lahat yon.
hanggang imagination nalang ako..
dahil kahit kailan..

lahat nang naimagine ko..
alam kong hindi ko makikita at mahahawakan kahit kailan...

pinabalik ko na agad si micco pero lumingon pa ko nang isang beses sakanya...

baby ko..
y-yung baby ko...
wala na y-yung baby ko ...

hanggang sa makabalik kami sa ospital ay hindi ako umiimik sakanila..
si daddy nandoon na din pati si tito..
kinakausap nila ako pero naubusan ako nang lakas na sagutin sila...

nakatingin lang ako nang diretso habang nag uusap sila tungkol kay mika...
napatingin naman ako sakanila pero hindi ko na tinangka pang sumali sa usapan nila..

hindi ko kaya..
hindi ko kinakaya..
gusto kong mapag isa..

gusto ko ako lang mag isa.
habang nakatulala ako , sunod sunod nanamang tumulo yung luha ko...

ganito nalang siguro ako..
ganito nalang siguro yung magiging buhay ko.

My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon