CHAPTER 64: BATHROOM

1.3K 49 10
                                    

Celestine's p.o.v

nang natapos kaming mag breakfast ay di ko alam kung anong pinakain nya sakin at bigla akong sinipag..

hanggang ngayon ay inaasar parin nya ko na sabay daw kaming maligo..
pag eto talaga sinabayan ko mahihiya bigla sakin to.

" miss sabay tayo maligo.. "

sabi nya habang nakapatong ako sa upuan at tinatanggalan nang alikabok yung taas nang kurtina sa kwarto..
tinignan ko naman sya nang masama habang sya naman ay nag vavacuum sa carpet..
ibinaba ko yung kamay ko at saka ako pumamewang..

" makulit ka talaga micco ha? "

natatawa kong tanong sakanya..
napatigil naman sya sa ginagawa nya at saka nya ko tiningala tapos ngumiti pa sya..

" medyo e , kaya sana habaan mo pasensya mo .. MISS. "

Sabi nya pa sakin..
napangiti nalang ako at saka inangat ko ulit yung kamay ko para linisin yung agiw sa may kurtina..

kaya lang bigla akong na out of balance at saka napatili nalang ako habang iniintay yung pagbagsak ko sa sahig..

ilang ang lumipas at napadilat ako..
hindi ako bumagsak sa sahig..
pero bumagsak ako sa bisig nya..

tinitigan ko sya habang nakatingin sya sakin na parang alalalang alala..

" okay ka lang? "

tanong nya pa sakin..
nagtaka naman ako kung paano sya agad nakapunta dito sakin..

tinignan ko yung vacuum na bumagsak sa carpet habang karga karga nya ko..

" p-paano? "

nagtataka ko pang tanong sakanya at dahan dahan nya lang akong binaba tapos ako iniisip parin kung paano sya nakapunta agad sakin..

tinuro turo ko pa yung vacuum habang nag iisip pero ginulo gulo lang nya yung buhok ko at saka tumawa..

" ako na maglilinis non.. magpahinga ka na tapos maliligo na tayo.. "

sabi pa nya sakin ..
tinignan ko sya nang masama tapos bigla nyang binago yung huling word at saka tumawa..

" ay mali. maliligo ka na pala. "

sabi pa nya..
umupo nalang ako sa kama habang pinapanood syang linisin yung buong kwarto..

nang matapos sya ay nahiga sya sa tabi ko habang ako ay nakaupo..

" pagod ka na ba siz? "

mapang asar kong tanong sakanya..
dali dali naman syang tumayo at saka dumikit sakin..
napaiwas naman ako at tinulak sya kasi dumidikit yung pawis nya sakin...

" eww.. kadiri ka talaga. "

sabi ko pa habang tinutulak ko sya palayo sakin..
pero dahil sobra sobra yung kakulitan nya ngayong araw..
dumikit sya nang dumikit sakin hanggang sa mapahiga ako sa kama tapos nakapatong sya sakin..
tinitigan naman nya ko habang nakangiti..

habang ako , parang di makahinga habang tinititigan yung kulay greyish nyang mata..

* tug dug tug dug *
* tug dug tug dug *
* tug dug tug dug *

" bakit naman ako mapapagod suyuin ka? gusto mo linisin ko pati bahay nang kapitbahay para di ka na magalit sakin e. "

sabi nya sakin habang sobrang lapit nang mukha nya sa mukha ko...

sinalo ko naman yung mukha nya nang kamay ko at itinayo sya gamit yung kamay ko..

" manigas ka mr.cruz. "

My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon