CHAPTER 81: PARTING WAYS

2K 50 2
                                    

Celestine's p.o.v

isang linggo na yung nakalipas mula noong araw na yon..
nasa bahay na kaming dalawa ni micco at hindi parin sya pumapasok sa trabaho nya...

hindi na ko nakakausap at nakakakakain nang maayos..
minsan nga ay nasisigawan ko nalang bigla si micco pero hindi nalang sya umiimik..

hindi ko alam kung ano na ring nangyayari sakin..
naaawa na ko sakanya kasi nasasaktan ko na din sya minsan...

pero hindi naman nya nagagawang gumanti sakin..

huminga ako nang malalim at saka ko sya hinarap..
matagal ko na tong pinag isipan..
siguro ito nalang yung paraan para maging maayos ang lahat..

" m-micco. "

mahinang tawag ko sakanya habang pinagmamasdan ko syang mahimbing na natutulog..

2:30 na nang madaling araw pero gising na gising parin ako..
iniready ko na yung luggage ko sa tabi ko at saka ko muna sya ulit tinignan..

" i love you.. pero kailangan ko munang maibalik yung pagmamahal ko sa sarili ko... "

" kailangan ko munang umalis para makapag isip ako nang maayos "

" aayusin ko muna yung sarili ko , pero babalik ako.. "

" okay lang kung sa pagbalik ko hindi na ako yung tinitibok nang puso mo "

" micco , patawarin mo ko... "

" s-sana mapatawad mo pa ko. "


mahinang sabi ko sakanya habang tumutulo naman yung luha ko sa mata ko..
iniwan ko yung sulat ko sakanya sa tabi nang table

at dahan dahan kong binuksan yung pintuan at tinignan ko sya sa huling pagkakataon...

pwedeng hindi na tayo magkita ulit...
pero sana kahit isang araw lang , masilayan ulit kita..
at parehas tayong maghihilom nang magkahiwalay..

habang pababa nang hagdan ay naninikip nang sobra yung dibdib ko...
hindi ako nag paalam kahit kanino...

nang makalabas ako nang bahay ay nilingon ko nalang ulit yon saglit..
tapos nagpatuloy na ko at agad agad na sumakay nang taxi papuntang airport..

may pera naman ako sa credit card ko kaya madali lang sakin na umalis nang ganito...

oo alam kong masasaktan ko sila..
pero nasasaktan din ako nang sobra..

sobrang sakit non at hindi ko kinakaya...

nang umandar na yung taxi , ay pinagmamasdan ko lang yung bahay namin na napuno nang masasayang alaala kahit sa maikling panahon lang namin na pagsasama...

nang hindi ko na matanaw yung bahay namin ay napatakip nalang ako sa bibig ko para pigilan yung hagulgol na kanina ko pa gustong ilabas..

" ma'am okay lang po ba kayo? "

sabi nung taxi driver..
huminto sya saglit at saka ako nilingon..

" ma'am may oras pa po kayo para magdesisyon... tutuloy pa po ba tayo o hindi na? hindi naman po sa panghihimasok.. pero sana po ay sa desisyong gagawin ninyo , ay siguraduhin nyo po sanang hindi kayo magsisisi sa huli.. "

tanong nya pa sakin...
napatingin naman ako sakanya habang umiiyak..
alam kong pag sisisihan ko lahat nang to sa huli...

pero feeling ko kasi , habang araw araw kong nakikita si micco ..
nasasaktan lang namin yung isa't isa..

My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon