Celestine's p.o.v
nang matapos kaming mag half bath ay dumiretso na ko sa kama..
hmm wag masyadong ma issue..
hindi kami sabay .." san ako matutulog? "
tanong nya sakin at saka ulit ako napaupo nang maayos sa kama..
kunwari ay umurong ako para makatabi sya at pinagpag pagpag ko pa yon..nakita ko naman syang napangiti kaya natawa ako..
" ha? doon oh , sa sofa.. "
kaswal na sabi ko sakanya tapos yung reaksyon naman nya agad ay napasimangot..
binigyan ko sya nang unan at saka kinuha nya yon nang padabog.." ay hala galit ka ba? "
kunwaring na didisappoint kong tanong sakanya..
napalingon naman sya sakin na nakasimangot tapos biglang ngumiti nang peke.." ay hindi masyado.. konti lang. "
oa nya pang sabi sakin tapos bigla nya kong inirapan saka sya tumalikod at dumiretso na sa sofa..
hahahhahahaha...
grabe ka , ibang saya talaga yung nararamdaman ko pag kasama ka ..tinakpan ko naman yung bibig ko para di nya marinig yung tawa ko..
bigla syang lumingon kaya inayos ko agad yung reaksyon nang mukha ko at saka ko sya nginitian nang matamis tas nag wave pa para lalo syang maasar.." pasalamat ka talaga mahal kita. "
mataray nyang sabi sakin sabay irap pa at hindi parin nya inaalis yung tingin nya sakin habang inaayos nya yung unan nya sa sofa..
nakangiti lang ako sakanya nang mapang asar at saka sya dahan dahang humiga sa sofa pero nakatingin parin sakin na parang sobra syang nadismaya..
" goodnight mr.cruz! "
malambing ko pang sabi sakanya tapos kumakaway kaway pa ko sakanya..
habang sya ganon parin yung itsura..hahahah jusko mr.cruz.
ang cute mo parin!" goodnight , hmp. "
sabi nya sakin at saka ako inirapan bago nya ipikit yung mata nya
napangiti naman ako at tinitigan ko pa sya nang ilang minuto bago ako humiga sa kama..ipinikit ko yung mata ko pero hindi pa ako inaantok..
niyakap ko na din yung unan..
tinaas ko na yung kamay ko..
pati paa ko tinaas ko na para makatulog pero hindi talaga ako makatulog..napa upo ako sa sobrang inis..
ang dami ko kasing tinulog kanina e.
badtrip talaga..iginala ko naman yung paningin ko at tanging ilaw nalang nang lampshade yung nagbibigay liwanag sa buong kwarto..
napatingin naman ako doon sa may sliding door at parang biglang may natanaw akong anino..
tinignan ko naman si micco na parang ang himbing himbing na nang tulog..tumingin ulit ako sa sliding door at nakita ko naman na parang may dumaan..
shocks..
dahan dahan akong bumaba nang kama at nang makaapak na ko sa sahig ay mabilis akong pumunta kay micco..nadaganan ko naman yung tyan nya kaya nagising sya bigla tapos diretso upo..
" a-ay sorry.. "
nahihiya kong sabi nung napa 'ah ' sya
umupo naman sya sa sofa habang nakaupo ako sa lapag tapos hinawakan nya yung balikat ko.." bakit anong nangyari? "
tanong pa nya sakin..
napatingin naman ako sakanya tapos nahihiya akong ngumiti.." a-ano kasi.. parang a-ano e.. tignan mo nga yung doon sa may balcony.. "
sabay turo pa doon sa may sliding door..
napatingin nama kami doon at humahangin hangin pa yung kurtina..napatingin naman ako sakanya tapos sya dahan dahan din tumingin sakin..
" a-ako lang mag isa? "
nauutal pa nyang tanong sakin..
bigla naman nawala yung takot ko tapos napatawa nalang ako bigla.." hahaha ginising pa naman kita kasi akala ko matapang ka! i didn't expect na parehas pala tayong duwag hahahahhaha.. "
natatawa ko pang sabi sakanya tapos nagulat ako nang bigla syang tumayo at saka dali daling pumunta doon tapos walang takot nyang binuksan yung sliding door at tinignan kung anong nandoon..
lumingon sya sakin at saka pumamewang..
" ako matatakot? eto waahhhhh.. "
turo pa nya sa gilid sabay takbo sa kama at taklob nang kumot..
dahil sa sobrang takot ko sa reaksyon nya ay dali dali din akong napatalon sa kama at saka parehas kaming nagtago sa kumot..ilang minuto kaming hindi gumalaw at halos pigil na pigil yung hinga ko..
' meow meow '
rinig ko pa habang nagtatago ako sa kumot..
dahan dahan naman akong napalingon sa nagtatago ding si micco..
at halos manginig nginig na yung buong katawan nya kakapigil nang tawa..inialis ko yung taklob na kumot sakin tapos hindi na napigilan pa ni micco at tumawa na nang tumawa habang nakahiga..
napaupo ako habang pinagmamasdan lang syang tumawa..
" w-what the hahahahhahahahaha y-yung mukha mo k-kanina hahahahhahahahha "
sabi nya sakin at halos di nya matapos tapos yung sasabihin nya dahil mas nauuna yung tawa..
sa sobrang gigil ko ay kumuha ako nang unan at hinampas hampas ko sakanya yon..
napatayo naman sya habang tawa parin nang tawa.." masaya ka pa hmp , nakakagigil ka talaga halika dito pasapak ako nang isa ha. LUMAPIT KA DITO NANGGIGIGIL AKO SAYO MICCO JOSUE CRUZ! "
sigaw ko pa sakanya habang pa ikot ikot kami dito sa kwarto dahil nagpapahabol pa sya..
nang maabutan ko sya ay tinadtad ko sya nang hampas nang unan.." o-ouch hahahahha tama na celestine a-aray masakit.. "
sabi nya sakin pero hindi parin ako tumigil..
' pst '
at saka ako napatigil sa paghampas nang unan sakanya tapos iginala ko yung mata ko..
napatingin naman ako kay micco na tumigil na din katatawa..nang magkatinginan kaming dalawa at ma realize namin na galing sa ewan ko yung sitsit..
ay nagpaunahan kaming tumalon sa kama tapos nagtaklob nang kumot..nang nasa loob na kaming dalawa nang kumot ay nararamdaman ko na yung hininga nya sa may noo ko..
" ikaw ba yon? "
pabulong kong tanong sakanya habang naka unan yung ulo ko sa braso nya at nakayakap ako sakanya..
" h-hindi . kala ko nga ikaw yon e. "
pabulong din nyang sabi sakin tapos niyakap nya ko nang mahigpit..
" sino yon? "
pabulong ko paring tanong sakanya habang nakataklob kaming dalawa nang kumot..
huminga sya nang malalim na parang inaantok na at inayos nya yung ulo nya sa paghiga .." baka si lolo.. "
pabiro nya pang sabi sakin tapos hinampas ko sya nang mahina sa likod..
" matulog na tayo , sigi ka ikaw din. "
dagdag pa nya at mas lalo nyang hinigpitan yung pagkakayakap sakin..
pasalamat ka talaga micco..at doon sa bisig nya..
nakatulog na ko nang mahimbing..goodnight.
BINABASA MO ANG
My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One )
RomansaAng pag-ibig ay dumadating ng hindi inaashan.. Sasaya ka ng Panandalian.. At masasaktan ka ng pang-matagalan. Pipiliin ko na sanang masaktan ng kasama ka.. Pero bakit parang hindi ko ata kaya?