Celestine's p.o.v
' i already have a girlfriend '
' i already have a girlfriend '
' i already have a girlfriend '
patuloy na nagpaulit ulit sa utak ko yung mga salitang yon..
hindi ko alam kung bakit may ganitong feeling akong nararamdaman..para akong nasasaktan na ewan..
p-pero bakit?
bakit naman ako masasaktan?hindi ko sure kung ano ba tong nararamdaman ko , pero ayoko pang aminin sa ngayon..
im not ready to confirm my feelings for him lalo na't alam kong may girlfriend sya..habang tumatakbo kami papuntang guard house na ganito yung posisyon naming dalawa ,
na hawak nya yung blazer nya pataas na parang nakaakbay sakin para dalawa kaming hindi mabasa ng ulan..sa palabas ko lang dati nakikita to e.
hindi ko naman inexpect na..
pwede rin palang mangyari sakin yung ganito..napalunok nalang ako at ibinaling yung tingin ko sa daanan habang patuloy ko paring naririnig sa utak ko yung sinabi nya sakin kanina bago kami tumakbo..
yes , aaminin ko..
medyo nasaktan ako sa sinabi nyang yon..
pero naisip naman ako bigla kung bakit kailangan nya pang sabihin sa harap ko yon?gusto ko pa nga sana syang tanungin kung bakit nya sinabi sakin yon..
pero nanatili nalang tikom yung bibig ko at hindi na nagsalita pa..nang makarating kami nang guard house ay binati agad kami ni kuya na may malaking ngiti sa labi..
" ay hello gudmurneng po sainyo? ano pong kailangan nila ? "
bati at tanong samin ni kuya guard..
ngumiti naman sakanya si puter at saka umayos ng tayo tapos ay nagpagpag pa nang konti .." ay goodmorning din ho kuya guard.. , ahm pwede po bang samahan nyo kami sa room ni ma'am veronica? hindi po kasi namin mahanap yung switch ng ilaw nya e. "
magalang nya pang sabi kay kuya..
napatango tango naman si kuya guard sakanya.." ah ganun po ba ser? "
" ay sige po.. , at saka po eto po pala payong para hindi narin po kayo mahirapan at mabasa ng ulan. "
sabi pa ni kuya guard sakanya sabay abot nang payong kay puter ..
ayan , tama yang may payong na kami..
nagwawala kasi yung lamang loob ko kapag sobrang lapit ko sakanya e." tara na po.. "
magalang pang sabi ni puter kay kuya guard tapos ay hinawaka nya yung kamay ko at pinakapit nya ko sa may belt nya saka nya binuksan yung payong..
a-ano to?
para naman akong batang kasamang mamalengke yung nanay e.fast forward ng mga ilang kembot..
" ay ser yung ilaw po medyo mapupundi na.. "
" pero kaya pa naman po yan hanggang mamayang gabi. "
"tapos yung switch po nandoon sa may baba ng pinto.. "
sabi samin ni kuya guard..
seryoso na talaga yan?
sa baba talaga ng likod ng pinto yung switch?
sino bang nakaisip nyan?
BINABASA MO ANG
My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One )
RomanceAng pag-ibig ay dumadating ng hindi inaashan.. Sasaya ka ng Panandalian.. At masasaktan ka ng pang-matagalan. Pipiliin ko na sanang masaktan ng kasama ka.. Pero bakit parang hindi ko ata kaya?