CHAPTER 26: GIFT

2.1K 70 4
                                    

Celestine's p.o.v

" manang wag na po kayo mag 'ho' sakin , at saka celestine nalang po , tutal hindi naman na po kayo iba sakin. "

sabi ko kay manang at saka ngumiti ng matamis dito..
nakita ko naman syang nakatitig lang sakin at parang mangiyak ngiyak pa ito..

" alam mo , napakabait mong bata ngunit hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ang ibang tao sa iyo. "

sabi ni manang ng nakatingin nang diretso sa mga mata ko..

napalunok nalang ako at napangiti nang mapait sakanya , inaamin ko tinamaan ako sa sinabi nya..
parang may kung anong sakit ngunit may halong  sayang naramdaman ko sa puso ko..
napayuko nalang ako dahil nangingilid nanaman yung luha ko..

" ano ka ba iha , wag kang umiyak dyan aba. hindi ko man alam ang mga problemang pinagdadaanan mo , ang masasabi ko lang sayo ay magpakatatag ka , at wag na wag mong kakalimutang nandito lang ako lagi para sayo. "

hindi ko na napigilang umiyak sa harap nya at niyakap sya ng mahigpit.

" manang naman e , pinaiyak nyo ko.. "

habang umiiyak ako sa balikat nya ay syang tapik naman nya sa likod ko para pakalmahin ako.

" shh , tahan na halika na at kumain kana sa baba .. at saka yung regalo mo dun asikasuhin mo na . "

sabi nya at agad naman akong napatayo ng maayos sa harap nya..

" tara na . "

pag aaya pa nito at hinawakan nya yung kamay ko para sabay kaming bumaba..

" alam mo ngayon lang kitang nakitang umiyak ulit. "

mahinang sambit nito habang bumababa kami ng hagdan...
napatingin ako sakanya at naisip kong nagiging iyakin nga ako nitong mga nakaraang araw na dating hindi ko naman nagagawang umiyak sa harap nang ibang tao.

napakaiyakin kong nilalang.



" pero iha , tama lang yan. wag mong itago ang mga hinanakit na nandyan sa puso mo , ayokong may pagsisihan ka pagdating ng panahon. "

sabi pa ulit nito at wala nalang akong nagawa kundi yakapin nalang sya..
ngumiti lang sya sakin at saka niyakap ako pabalik..


pagdating sa dining table , tumambad sakin ang may katamtamang laki ng box na nababalutan ng pink na gift wrap with matching ribbon pa sa taas.

effort ha.

" manang hindi mo talaga nakita kung sinong nagdala nito? or kahit sinong tao dito na nakakitang nagdala nito? "

saglit na napaisip si manang..
tapos tumingin sakin ulit..

" ah , nasabi kasi nung guard sakin na naka kotse daw ang nagdala nyan dito.. at nung bumaba ay isang matipunong lalaki daw yung lumabas sa kotse.. "

My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon