CHAPTER 66: DARKNESS

1.2K 44 0
                                    


Celestine's p.o.v

nang makababa kaming dalawa ay sobrang saya lang yung naramdaman ko..
nawala yung takot ko sa heights kasi alam kong kasama ko sya..

alam kong walang kasiguraduhan kung hanggang dulo ba , kami parin talaga..
pero isa lang yung natutunan ko mula sakanya..

natutunan kong pahalagahan yung bawat oras na kasama ko sya at maging masaya habang masaya pa..
oo mas masakit kapag mas maraming masasayang alaala..

pero ito yung gusto ko..
sya yung gusto ko..
mas pipiliin kong sumugal at masaktan kasi alam kong kapag nagkalabuan na naramdaman ko yung pagmamahal nya..

kesa naman na umiwas ako at magpakaduwag..
hindi na nga ako naging masaya...
baka maging miserable pa yung buhay ko kapag nilayuan ko sya..

ewan ko , parang nararamdaman ko kasi lagi na para bang sa dulo ..
baka hindi kaming dalawa yung magkasama..
siguro nag oover think lang ako kasi napakagwapo nitong nilalang na to.

hinawakan nya yung kamay ko at saka kami naglakad palabas..
hala ang aga aga pa e..
bat aalis na kami?

" huy 3:00 pa lang ha.. bat ang aga naman ata nating umuwi? "

nadidismayang tanong ko sakanya at saka kami nakalabas doon..
dire diretso lang sya habang patungo kami sa kotse..

" micco... bat uuwi na tayo? "

parang bata kong tanong sakanya habang nasa tapat na kami nang kotse..
hinarap naman nya ako tapos ginulo gulo yung buhok ko..

" hindi pa tayo uuwi.. may pupuntahan pa tayo.. "

masayang sabi nya at saka nya ko pinag buksan nang pinto at agad agad naman akong pumasok doon..
san kami pupunta?

ilang minuto pa ang nakalipas at pinaandar na nya yung kotse..
hindi nya sinasabi kung san kami pupunta e..
nginingitian lang nya ko pag tinatanong ko sya..
ewan ko kung mapipikon ba ko sakanya o ano e..

isinandal ko nalang yung ulo ko sa bintana at saka natulog nalang..
nakakapagod kasi yung sinakyan naming mga rides kanina..
tapos ang intense pa nang mukha ni micco sa horror house..

makalipas ang dalawa't kalahating oras..

" hey mrs.cruz.. "

gising sakin ni micco at dahan dahang tinatapik yung balikat ko..
napadilat naman ako at nagkusot nang mata..

nang makita ko yung tanawin bigla naman akong namangha..

napatingin ako kay micco at nakangiti lang sya habang nakatingin sakin..

" nasan tayo? "

nagtataka ko pang tanong sakanya..
imbes na sagutin nya ko ay nginitian lang nya ko tapos lumabas sya nang kotse at pagkalabas nya ay pinagbuksan nya ko nang pinto..

inalalayan nya kong bumaba at lalo kong nakita nang mas maganda yung tanawin...

wow..
grabe..
di ko inexpect na makakakita ako nang ganito kagandang sunset..
tapos kasama ko pa sya..

" m-micco... grabe.. "

sabi ko nalang habang tinitignan yung langit na parang kulay apoy na may halong konting blue and violet..

naramdaman ko namang dahan dahan nyang hinawakan yung kamay ko...

" celestine.. hindi ako magsasawa na pakitaan ka nang mga magagandang bagay hangga't humihinga ako.. "

My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon