Christian's p.o.v
gigil na gigil na ko sa micco na yon
sasapakin ko na talaga sya pag di ako nakapagtimpi pa.habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mag alala kay celestine..
agad naman akong napatigil ng makita kong may tumutulong luha sa mga mata nya habang naglalakad kami.." ano ka ba , wag ka ngang umiyak dyan.. "
nakangiti kong sabi sakanya..
nung nakilala ko sya hindi sya ganito..she has a very strong personality na hindi ko aakalaing mababaw yung luha nya sa mga ganito.
yes , naaawa ako sakanya
biruin mo sa lahat ng mga naranasan nya at mga masasamang pinagsasabi sakanya
minsan pinagsasawalang bahala nalang nya.hindi na nya kinaya yung hinanakit nya sa puso nya kaya napahinto nalang din sya at naupo na parang kawawang bata sa gitna ng hallway..
hindi ko alam kung bakit ganito , pero everytime na umiiyak sya
laging natataon na walang tao sa paligid..
lumuhod din ako at saka ko hinimas yung likod nya nang marahan.." a-ayoko na. "
mahinang sambit nya habang ang mga mukha nya ay itinatago nya sa dalawa nyang tuhod..
bakit ganito ka celestine?
diba matapang ka?" tumayo ka na dyan. "
utos ko sakanya at nag angat naman sya ng ulo nya..
nang makita ko yung mga luha sa mga mata nya , hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kapag nakikita ko syang umiiyak nang ganyan.." m-makautos ka naman sakin kala mo boss kita. "
pagmamaldita parin nya..
kakaiba talaga tong babaeng to.
tsk tsk tsk..biruin mo umiiyak na yan ha , nakuha paring magtaray...
kaya gusto kita celestine.
ngumiti nalang ako sakanya at saka
pinunasan ko yung luha na tumutulo sa mga mata nya..
nakatingin lang sya sakin habang ginagawa ko yon sakanya.." hindi mo ko boss. hindi rin ako yung hari sa kwentong to.. "
" kasi nandito ako para mag pa alipin sa malditang babaeng katulad mo. "
nakangiti kong sabi sakanya..
" kaya celestine yvonne xiu , hindi ko na hahayaang ganyanin ka nila ulit... "
" magsumbong ka lang sakin. "
" ako nang mag sisilbing nanay mo dito. "pagbibiro ko pa sakanya..
bwisit ka tol , ano tong pinagsasabi ko?nakatulala lang sya sakin habang sinasabi ko yung mga salitang yon sakanya..
ewan ko kung bakit hindi ko parin mapigilan yung sarili ko at parang gusto ko pang magsalita..nginitian ko muna sya at saka hinawakan yung kamay nya..
" hanggat nandito ako sa tabi mo , hinding hindi ka pwedeng umiyak . "
BINABASA MO ANG
My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One )
RomanceAng pag-ibig ay dumadating ng hindi inaashan.. Sasaya ka ng Panandalian.. At masasaktan ka ng pang-matagalan. Pipiliin ko na sanang masaktan ng kasama ka.. Pero bakit parang hindi ko ata kaya?