CHAPTER V

11.1K 258 5
                                    

CHAPTER V.

( A/N: Hiii💜 Sana magcomment kayo, icomment niyo mga feedbacks niyo.💜 It would be a motivation to me💜 Thanks. Sana ay magvote din kayo. Yieee. Lablots :-* )

Pahabol na salita: Mahal na mahal ko lahat ng magvo-VoMment🤙








**

MEDYO MAAGA akong nagising dahil ngayon ang official first day ko sa trabaho. Nakakatawa lang talaga kasi. Hindi ako sanay na pagsisilbihan ko ang hinayupak na yun. Pero gaya nga ng sabi ko, iba na ang sitwasyon namin. This is the reality.

Naligo ako tapos nagpalit ng damit. Sleeveless na dress ang suot ko dahil iyon ang una kong nakita sa closet.

Sinuklay ko ang kulay blandina kong buhok, tapos naglagay ng kaunting make-up sa mukha ko. Shit. Kinakabahan nanaman ako. Bigla kong naramdaman ang hininga ng hinayupak na gagong yun sa leeg ko. Tapos yung naninigas niyang 'ano' na nakatapat sa tiyan ko. Damn! What the heck! Napailing nalang ako tapos inayos ko yung buhok ko.

Kinuha ko yung bag ko tsaka tinignan yung picture ng kambal sa cellphone ko. Kaya 'to ni Mama! Pagchi-cheer ko sa sarili ko.

Humugot muna ako ng malalim na hininga, tapos sinuot na yung stiletto ko. Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangan ay lumabas na ako mula sa condo tapos sumakay na ng taxi.

Ugh. Ano bang gagawin ko sa first day? Kapag may makakilala saakin? Paano ako makikipag-interact sa iba? Kapag nalaman nila na... ako? Ako ang dating asawa ng hinayupak at halimaw nilang boss. Nakakatawa talaga no? Kasi pinaglalaruan kami ng tadhana. Pwes, makikipaglaro ako sa pesteng tadhana na yan. Siguraduhin niya lang na hindi ko siya makasalubong sa kanto dahil bubugbugin ko siya. Nyeta.

Pagkarating sa Leighton Company, napatitig ulit ako sa building. Tumingala ako mula sa taas. Yeah. Dito na talaga ako magtra-trabaho. Wala na talagang atrasan. Peksman, mamatay man. Hoooo!

Hawak ko ng mahigpit yung bag ko habang naglalakad papasok sa building. Alam ata nilang bago pa lang ako dahil hindi manlang nila ako napagkamalang diyosang magnanakaw. Choss. May mga bumabati saakin. Kumakaway naman ako. Checked, hindi nila ako kilala. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.

Pumasok na 'ko sa elevator tapos huminga muna ng malalim bago pintudin ang 50th floor.  Kaya ko 'to. I can do it.

Nakasandal ako habang tinitignan yung reflection ko sa elevator. Hindi naman ako mukhang haggard. Ayos na.

Ting

Pagbukas ng elevator ay bumungad nanaman saakin ang maaliwalas na living room. Yung elevator na 'to pala eh private, para lang sa CEOㅡ sa hinayupak na gago. Tapos lahat ng may appointment, or bussiness sakanya.

Ano ba? Paano ba? Nandito na ba siya?

Umupo ako sa may couch tapos pinagmamasdan ang paligid. Maya-maya ay bumukas ang elevator. Shit. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Ano 'to?!

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong matadang babae ang pumasok. Kumunot ang noo ko. She's kinda.. familliar. Hayy ewan.

Lumapit siya saakin tapos may inabot.

"Uhm. Kayo yung bagong secretary si Sir? Diba? Eto nga pala yung ID mo." Aniya tapos inabot niya yung ID ko kuno.

Nagpasalamat na ako, pero hindi pa siya umaalis. Para bang sinusuri niya ako. Eh?

"Ahh. B-bakit po?" Mahinang tanong ko.

Tila nagising ang matandang babae tapos napailing. Maya-maya ay tumalikod ito tapos pumasok na sa elevator. Pagkaalis niya ay tinignan ko yung ID ko. Oh? Saan sila nakakuha ng picture ko? Ah! Yung picture ko sa resume. Okay lang, maganda naman na siya. Maganda yung nasa ID, eh.

My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon