CHAPTER VII

9.5K 186 2
                                    

CHAPTER VII.

( a/n: scene muna nila ni Milo, ano?😂 Mahal na mahal ko 'to eh😆 Sarap niya kasing papakin😆 )







**

WHERE ARE WE? Nakadungaw lang ako sa labas habang pinapark ni Milo yung sasakyan niya. Nasa tapat kami ng isang building. Motel ba 'to? Charot. It's a condominium. He lives in a condominium?

Nang nakapark na yung sasakyan niya ay mas nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako. Tipid akong ngumiti at bumaba na mula sa sasakyan niya.

"Where are we?" Tanong ko.

"We're going to my condo unit." Aniya.

Kumunot ang noo ko tsaka nagtataka siyang tinignan.

"Hindi ka na nakatira sa bahay niyo?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin ang tanong ko. Naglakad lang siya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod.

Nakakaasar talaga 'to minsan. Sarap suntukin.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makasakay kami sa elevator. Walang nagsasalita saamin. Nagsusukatan lang kami ng presensya. Hanggang sa bumukas yung elevator. Lumabas na siya at naglakad ulit, wala akong nagawa kundi ang sundan ulit siya.

Nakakaasar na ah, hindi niya ako pinapansin! Bwiset. Anong pinaglalaban mo, Milo?! Sarap mong i-untug sa pader! Na-miss ko siya tapos binawalewala niya ako!

Bumangga ako sa likuran niya dahil hindi ko namalayan na huminto na pala siya sa paglalakad.

Kumunot ang noo ko.

Nandito na kami siguro.

Wala pa ring nagsasalita saamin hanggang sa makapasok kami sa loob ng condo unit niya.

"Milo, magsalita ka nga, nabwibwiset na ako sayo." Naiinis na sabi ko.

Tila natigilan siya at parang nagising. He's spacing out.

"Uhm.. sorry. Kasi, Nana.. damn." Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Milo. What are you doing?"

He used to hug me before, a friendly hug. Pero may iba sa yakap niya ngayon. I can feel it, seems like he don't want to let me go. Well, it's been five years.

Kumawala siya sa pagkakayakap saakin tapos hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"Sorry, na-miss lang kita. Hindi kita pinapansin kanina kasi hindi mo sinasagot yung mga tanong ko. Nakakainis ka." Aniya.

Ah. So yun ang pinaglalaban niya? Tsk!

"Yan ba pinaglalaban mo, Milo? Gago ka, papakin kaya kita? O kaya ay timplahin sa mainit na tubig?" Biro ko sakanya dahilan para magbago ang expression ng mukha niya.

"Nana. Sinisira mo yung pagdradrama ko." Pagmamaktol niya kaya natawa ako.

Napailing ako at pumunta sa kusina. Malaki rin 'tong condo unit ng lintek, ah.

"May pagkain ka dito? Nagugutom pa rin ako, eh." Ani ko tapos binuksan ko yung ref niya. May mga pagkain naman. May mga cereals, tinapay, drinks, junk foods, at kung anu-ano pa.

Napangiwi nalang ako. Wala ba siyang matinong pagkain?

Kumuha ako ng chips tapos umupo ako sa isang stool sa Island Counter.

Tinawag ko si Milo na walang ibang ginagawa kundi ang titigan ako. Hays. Iba talaga kapag maganda, ano?

"Hoy. Wala ka bang matinong pagkain?" Tanong ko sakanya sabay subo ng chips. "Ipagluto mo 'ko." Pagpapatuloy ko.

My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon