CHAPTER XIII.
( A/N: #TeamZhayNa. Zhayden & Havanna. O #TeamHaLo. Havanna and Milo. #TeamGasul pa din ako😂 Ps. Mahal ko si Peppa😂 Okay! Vote and Comment na!♥♥♥♥♥ )
**
"UYY! BABAE! ANYARE SA LEEG MO?" Tanong ni Peppa.
Nandito kami sa cafeteria. Ang matakaw, bigla akong hinila kanina papunta dito. Pero hindi na ako umanangal pa. Ayokong makita ang gagong yun, eh. Nagkasagutan pa kasi kami kanina sa loob ng kotse niya. It's just because of that security code. Pesteng gago. Sarap sakalin.
"Mars to Vanna!"
"H-ha?"
Kanina pa pala siya nagsasalita, pero lutang ako.
Tinignan ako ni Peppa tsaka tinaasan ng kilay. Ang baboy na to, sarap katayin! Hindi ko nalang siya pinansin kahit nadidistract ako kung paano niya isubo yung pasta. Myghad, ang laki ng bunganga niya.
Napahawak naman ako sa chikinini ko sa leeg. Ugh! Dapat nag-tube nalang ako, eh! O kaya ay nilagyan ko ng concealer! Havanna! Hindi ka nag-iisip, eh!
"E-eto? Ahh.. W-wala. Kinagat lang ng ano.. ano.." Pinagpapawisan na ako.
Anong sasabihin ko?! Wahh! Gago ka kasing hinyupak ka! Sarap mong anuhin. Sarap mong sakalin!
"Ano? Ano nga? Impossible namang kayat yan ng lamok, ano?"
Shet. Anong sasabihin ko?
"Ehh... W-Wala! Nakagat lang 'to ng ano.. ano... ng ipis! Oo! Tama!" Ani ko habang kinukumbinsi siya. Pero binigyan niya ako ng 'hindi-ako-naniniwala-look'. Lalo tuloy akong pinagpawisan.
"O-oo nga! Kumain ka na nga lang! Libre ko, dali na!" Pagpapalusot ko.
Oh come on! Gumana ka! Ugh!
Biglang umaliwalas ang mukha niya. Oh no. Wrong move. Mapapagastos ata ako neto!
"Talaga? Libre mo?! Wahh!"
Nagtititili ang babaeng gasulㅡ nakablue siya na bodycon dress tapos may design na kulay white, eh. Mukha tuloy siyang endorser ng Solane. Kapag dumoble, magiging drum yan.
Tumango ako at pilit na ngumiti.
Tae kang gago ka. Ikaw ang puno't dulo neto. Isa ka pang gasul ka, sarap mong gawing pagkain. Ikaw kaya ang gawin kong sisig!
Tumayo ang babaeng gasul tapos umorder ng kung anu-ano. Ang humble nga niya, hindi manlang umorder ng para saakin. Sarap niya talagang ibabad sa kumukulong mantika.
Tambak tuloy ng pagkain ang table namin. Bwiset.
"Peppa? Anong department ka pala?" Tanong ko.
"Ako? Sha Pershonnel Department ako." Aniya sabay subo ng cake.
"Ah. Sa Personnel Department ka?"
Tumango ang babaeng gasul.
Natahimik kami pagkatapos non. Pinagmamasdan ko lang siyang kumain. Ang takaw niya talaga. Kung lumamon, akala mo isang taon siyang hindi pinapakain. Kahit matakaw siya at mukhang gasul, feeling ko naman ay makakasundo ko talaga siya. Siya lang ata siguro ang makakasundo ko habang nagtratrabaho dito. Siya lang ang walang hiyang lumapit saakin, eh.
Feeling ko din, may crush to sa gagong yun. Kitang-kita ko ang kislap sa mata niya noong kinukuwento niya yung gago eh.
Haynaku, Peppa! Gago yun! Ibahin mo nalang ang crush mo! Jusko!
BINABASA MO ANG
My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]
RomansaHighestRankAchieved: [NotUpdated] #2inHusbandOutOf1.73Kstories ( 11-29-18 ) #1inHoneyOutOf192stories ( 07-16-19 ) | R18 | Mature Content | She was once his very attractive, beautiful, loving and amusing wife, every man would want to have. He was o...