E P I L O G U E

8.1K 144 16
                                    

( A/N: Hindi ako dito magdradrama. Weyt niyo sa isang chapter.🤧 Pero, salamat. Salamat sa lahat ng sumubaybay sa kwenton'ng ito na hindi naman kagandahan!🤧 )
















**

MASAYANG-MASAYA ANG PAMILYA namin sa pagsalubong ng pasko. Lahat kami ay magkakasama. Kasama ang mga magulang namin ni Zhayden, mga kaibigan ni Zhayden na kaibigan ko na rin, at ang asawa ng mga ito. Kasama rin naman ang iba pang malapit saamin. Mga kapatid at kaibigan. Dito sa bahay kami magsasalo-salo para sa Noche Buenã, hindi ko lang alam kung pati sa pagsalubong ng bagong taon.

Limang buwan na ang nakalipas pagkatapos naming ikasal muli. Sinundan iyon ng kasal nina Milo at Seara. Kasunod 'non ay ang pagpapakilala saamin ng asawa ni Ruzzel at kaarawan ng kanilang unang anak na kasing edad lang pala nung kambal.

Sina Simon at Hershlle, aabutin muna ng ilang taon bago ko sila papayagang ikasal sa simbahan, at opisyal. Hershlle should study, first.

Sina Colton at Jhenna, ayun, masaya na din kasama si Clane, syempre. Opisyal nang nagpakita si Jhenna sa pamilya niya, tuwang-tuwa naman sina Tita at Titto.

Si Karla, dinadalaw namin siya kung paminsan-minsan. Hindi namin siya kinakalimutan, lalo na at wala nga siyang pamilya. Ayon sa doktor niya, gumagaling naman daw siya. Kailangan niya lang ng gabay.

Si Nay Linda, siya ang kinuha naming taga-bantay sa mga bata kung may lakad kami.

Sina Kuya Harley at Ate Zyra, masaya rin kasama sina Cerese, Blue at si baby Areya. Sina Cerese, Blue, at mga anak ko, ayun, magkabarkada na. Isama niyo rin sina Clane at yung panganay ni Ruzzel.

Si Peppa, ayun, nalaman ko din ang katotohanan. Ang totoo pala ay siya ang inutusan ng gago na magbantay saakin. She was not really working in the company, she's actually working or Zhayden. She was ordered by Zhay. Tch, dami nilang alam. Eh, kapitbahay lang pala namin sa Baguio yung pamilya ni Peppa. At ang huling balita ko sakanya, ayun, tinarget si Shan. Echoserang bakla.

Sina Mamay at Papay, dito na sila sa Manila titira. Bilang utang na loob, binigay ko lahat ng pangangailangan nila. Binigyan namin sila ng magandang buhay. Si Jhenno, binigyan siya ng scholar ng pamilya ko sa isang malaking unibersidad dito sa Manila.

Sina Jhay at Fhay, papasok na sa susunod na pasukan, kasama yung mga barkada nila. Balak naming magbakasayon kasama sila sa Isla kapag nanganak na ako.

At syempre, ang asawa kong gwapo pa rin at walang kupas. Pumalakpak nanaman siguro tenga non kung sinasabi ko 'to sa kanya. Siya pa rin yung lalaking una kong minahal, una kong iniwan, at una kong binalikan. Madami na kaming pinagdaanang problema, pero sa huli ay kami rin pala. Babagsak rin pala kami sa isa't-isa. Naging asawa ko siya, dating asawa, at naging asawa muli. Kami ay nanumpa sa harap ng mga tao, at sa harap na diyos na malalampasan namin lahat ng problema, at napatunayan namin iyon.

"My honey is thinking too deep, again." Ani isang boses na gumising sa diwa ko. Niyakap ako ng may boses nito sa likod.

Narito kasi ako sa may balkonahe at pinapanood ang mga taong nagkakasiyahan sa baba. Gusto ko mang sumali ay hindi maaari. Malaki na ang tiyan ko at baka matamaan lang ito. Brutal pa naman ng larong nilalaro nila.

"Nahh. I'm just thinking on how handsome my husband is." Biro ko tsaka sumandal sa katawan niya at hinimas ang maumbok kong tiyan.

"Really? Your husband is that handsome? Is he seductive, too?" Tanong niya ulit. Tumango naman ako.

"Mmm. My husband is soo handsome, and seductive at the same time. It's the reason why I'm pregnant right now." sabi ko tsaka napangiwi. Hinawi naman niya ang buhok ko at inipit sa likod ng tenga ko.

My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon