CHAPTER VI

10K 209 3
                                    

CHAPTER VI.







**

HINDI KO alam kung saan na ako narakating. Mabuti nalang talaga at hindi niya ako sinundan. Mabigat yung problemang dala-dala ko at hindi ko alam kung nasaan ako. Sa sobrang bigat, hindi lang ata isang milyong kilo. Mas mabigat pa.

Mukha akong sirang plaka na naglalakad, at hindi alam kung saan patutungo.

Gusto kong tawagan ang kambal para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, pero hindi ko pala dala yung cellphone ko. Bwiset na buhay.

Ano na kayang ginagawa nila? Kumain na ba sila? Maayos ba sila? Ayokong malaman nila na nagiging miserable ang buhay ng Mama nila. Kailangan kong magpakatatag para sakanila.

Habang naglalakad ay may nabangga ako. Nag-angat ako ng tingin para tignan kung sino yung nabangga ko. Namilog naman ang mga mata ko dahil kilala ko iyong nabangga ko. Nang magtama ang aming mga mata ay nag-iwas agad ako at tumalikod. Akmang maglalakad na ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

"H-Havanna.." mahinang bulong niya, pero sapat na para marinig ko. Napapikit ako at pinilit maglakad. Kailangan kong umalis. I need to go.

Umakto akong walang narinig at tumuloy sa paglalakad. Pero hindi niya ako hinayaan. Hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sakanya.

"H-Havanna. Is that really you?" Aniya habang sinusuri ako. Mariin akong umiling, at tumayo ng tuwid.

"I'm sorry, but I think you mistaken me for being someone else." nakangiting sabi ko at inalis ko yung pagkakahawak niya sa balikat ko, pero hindi siya natinag.

Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad. Sana lang ay hindi siya sumunod.

Nakakailang hakbang palang ako nang marinig ko ang mga yabag niyang palapit kaya binilisan ko ang paglalakad. Noooo!

Mas malalaki ang mga hakbang ko dahil naririnig kong malapit na siya.

"Hey, wait!" sigaw niya. Shiiiit!

Natigil ako sa paglalakad nang hawakan niya ako sa pulsohan at pinaharap sakanya. Tila tumigil ang mundo ko nang titigan niya ako sa mata.

"Havanna. I know you that's you. Tell me, anong nangyari sayo?" Diretsong tanong niya, pero tahimik lang ako.

Madami kaming naaagaw na atensyon mula sa mga taong dumadaan. Akala siguro nila ay magjowa kaming nag-aaway, o kung ano.

"Nana. I can feel it, this is you." Diterminanong aniya.

Hinawakan niya ako sa pulsohan at hinila sa isang tabi. Hinaplos niya yung buhok ko tapos inayos ito.

Bigla nalang akong napaluha. Hindi ko alam, dahil ba sa gutom? O dahil para talaga kaming tanga dito sa isang gilid.

Tila nagulat siya pero agad niya akong niyakap. Hindi na ako pumalag pa at lalong lumakas ang paghikbi ko.

"Hey. Nana, tell me what's wrong?" Tanong niya habang hinahagod ang likod ko pero tuloy lang ako sa paghikbi.

Ayos lang namang umiyak kahit minsan diba? Lalo na kapag malapit ka nang bumigay, dahil sa gutom, at dahil nagmumukha kayong ewan sa gilid ng kalsada.

Nang humina na ang paghikbi ko ay humiwalay ako sakanya.

Ayos lang naman siguro dibang maging mahina? Kung aamin ako, may dadamay saakin. Magkakilala kami ng ilang taon, kaya siguro aamin na ako. Wala rin naman akong kawala.

"M-Milo.." namamaos na sabi ko.

Nanghihina ako. Kaunti nalang ay bibigay na talaga ako. Nangangatog ang tuhod ko kaya napakapit ako sa balikat niya.

My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon