CHAPTER XXXIV

6.1K 104 3
                                    

CHAPTER XXXIV.

( A/N: Mahiwagang tanong mula kay par. "Kailan ang meet and greet ng mag-ama?" Ako: Sinong mag-ama? Madami ah. Ewan. Wala akong balak. HAHAHA. Mamamatay na tigang si Zhayden, Colton, Ruzzel, Milo, at Simon. MWAHAHA. )







**

"HAVANNA, HINDI KA NAGSABI na darating ka?" Kaagad na tanong ni Jhenna.

Nandito kami sa labas ng bahay at magkaharap.

"Balak ko kasing surpresahin kayo. Gusto ko rin kasing ipagdiwang ang kaarawan ng mga bata ng maaga. Babalik rin kasi agad ako sa Manila dahil madami akong naiwang trabaho doon. May gusto rin sana akong tanungin sayo." Prangkahang sabi ko.

Nagtataka siyang tumingin saakin at kapagkuwan ay kumunot ang noo niya.

"Havanna, ah. Kinakabahan na ako sayo." Aniya at tumawa siya ng peke.

Dapat ka lang na kabahan. Walang matutulog hangga't hindi siya nagsasabi ng totoo.

"Jhenna. Limang taon na tayong magkaibigan, diba? Pero ngayon ko lang napagtanto na hindi pala talaga kita masyadong kilala. Umamin ka saakin, Jhenna. Ayoko sa lahat ay yung taong sinungaling."

"Ano bang pinagsasabi mo, Havanna? Anong ibig mong sabihin?"

"Madami akong nalaman sa Manila, Jhenna. Isa ka na doon."

Tumalikod ako at pinagkrus ang mga braso ko.

That birthmark of Jhenna is really similar from the one I saw from Baby Clane's Mom. Hindi naman pwedeng nagkataon lang na may birthmark sila sa magkaparehong parte ng katawan.

"H-Havanna? A-ano ba kasi yun? Nalilito ako."

"Ikaw. Ang kaibigan ko mula pa noong sekundarya na tinuring kong kapatid ay may tinatagong lihim saakin."

Prangka na kung prangka. Ang mahalaga ay malaman ko ang katotohanan.

"Hindi kita naiintindihan, Havanna." May galit sa tonong aniya.

"Huwag mong gawing tanga ang hindi tanga, Jhenna." Pigil-galit na sabi ko at hinarap siya. "Hindi ba't hindi talaga Jhenna Aquino ang totoo mong pangalan? Because you are, Melody Jhean Hades. One and only daughter of Mrs. Jane Hades and Mr. Synx Hades. You're the Heir of Hades Group of Company. One of my friend's bussiness partner. And, one of my friend's lover. Colton Xuen Chen." Derechenong sabi ko at nakita ko ang pamumutla niya.

I made a research, and that's what I find out. Their family's background is on the internet. And, their family are known worlwide. Especially Jhenna— Melody, because of her beauty and brain, she became famous. May iba pa akong nakita malabin doon. I won't risk my life in a war witout any armor, so I made a research. Hindi ako sasabak sa giyera na walang panlaban.

"H-Havanna? A-Anong p-pinag-s-sabi m-mo?" Inosenteng tanong ni Jhenna— Melody, pero wala nang inosente sa panahon ngayon.

"You heard me. That is your real identification, right? This time, atleast don't lie to me."

Ilang minutong katahimikan ang nabalot sa pagitan namin hanggang sa marinig ko ang paghikbi ni Jhenna— Melody. Dahil doon ay tila narealize ko lahat ng nasabi ko. Mukhang nasobrahan ko ata. Dapat ay dinahan-dahan ko siya at hindi prangkahang hinarap.

"J-Jhenna—"

"H-Havanna.. Sorry. S-Sorry."

Dahan-dahan siyang dumausdos hanggang  mapaupo sa sahig. Niyakap niya ang mga tuhod at humikbi. Dali-dali naman akong lumapit at lumuhod sa tabi niya. Niyakap ko siya pinatahan.

"Shhhh.. sorry, Jhenna. Binigla ata kita. Sorry."

Lalong lumakas ang paghikbi niya at wala akong ibang magawa kundi ang sabihing tumigil na siya kakaiyak.

Bwiset kasing Havanna, masyadong prangka magsalita. Hindi manlang nagdahan-dahan.

"H-Hindi.. a-ako ang dapat magsorry, Havanna. S-sorry."

"Sige, ilabas mo lang lahat. Bukas, pag-uusapan natin iyon, ha?"

Mabilis siyang nagpunas ng luha at tumango.

**

NOONG GABING IYON, we did nothing but to celebrate. Kantahan, sayawan, at madami pa kaming ibang ginawa. Inimbitahan kasi namin yung mga batang kalaro ng kambal kaya ganun. Sobra naman silang nag-enjoy.

Jhenna and I acted normal. Hindi namin pinahalatang may nangyari sa pagitan namin. I don't want to ruin the twin's birthday celebration, that's why.

They're now six years old, at oras na para ipasok ko sila sa paaralan para mag-aral pero natatakot pa rin ako. Lalo na para kay Jhayjhay. And, for six years. I've been hiding something from them. Natatakot ako. Natatakot ako sa dadaan pang mga araw. They are growing up, and I'm scare that they might ask something which is I'm not ready to answer.

"Mama?"

Dumilat ako at tinignan si Jhayjhay na niyuyugyog ang balikat ko.

Oras na para matulog pero dilat na dilat si Jhayjhay. Sa kanan ko smay Fhay na tulog na tulog, sa kaliwa ko si Jhayjhay na hindi pa natutulog.

"Bakit, nak? Matulog ka na. Anong oras na."

Inayos ko yung kumot niya at hinarap siya. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Hindi po ako makatulog, Mama."

"Hindi ka ba napagod kanina?"

Umiling siya.

"Aalis ka po ulit, Mama?"

Pilit akong ngumiti at niyakap siya palapit saakin.

"Mmmm. Babalik rin naman agad si Mama, eh. Para sayo, at para sainyo rin naman 'to, anak. Kapag naipon ko na yung kailangang pera para sa operasyon mo, hindi na ulit ako babalik doon, nak." Ani ko at mahinang tinatapik-tapik ang likod niya. "Ayaw ni Mama na nahihirapan ka dahil ako ang nasasaktan, nak. Kung pwede lang sana ay ako nalang, huwag lang kayo, ikaw ang nahihirapan. Dibale. Malapit na nak, huwag kang mag-alala." nakapikit na sabi ko.

Karamihan sa mga bata ay apat na taong gulang palang ay pumapasok na. Pero yung mga anak ko, anim na taong gulang na, mag-aanim na taong gulang na pero hindi pa rin pumapasok, and I think it's not normal. Ayokong late silang makapag-aral. But the fact that my other child is having a heart disease. I still can't. Also the fact that we are given limited time. Wala pa akong ganong kalaking pera. Hindi ko naman kasi iyon pwedeng kitain ng isang araw o buwan lang. Lalo pa't gago ang boss ko. Hell.

Akala ko magiging madali lahat kapag nagManila ako, hindi pala. Expectation is really far from reality. We expect something good, but when reality hit us, we feel down.

But, like what I've said. We are not in books, nor movies, because we're in reality.

Mas madami akong nalaman noong nagManila ako. Though, I'm from the city of Manila but that time, there's no complication. Ngayong nagbalik ako, more complications and revelations happened.

I can't, but I must accept those revelations that will be coming soon.

















**
( a/n: Sinong makakahula ng ending? HAHAHAHA. Kapag stress free ako sa time na isusulat ko na yung last chapter ay gagandahan ko. Kapag stress naman ako nun, walang happy ending. Powtek, galit ako sa Earth. )




My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon