CHAPTERXIX.
( A/N: againzzz. Some chapters might contain matured scenes that is not suitable for all. If you can't handle it, just please stop reading this story. )
**
PAGKATAPOS NAMING mag-usap ni Nay Linda ay agad akong umalis. Nagpaalam ako sakanya at sinabing sa susunod nalang kami mag-usap. Kahit naguguluhan at nagulat si Nay Linda ay pumayag siya. Bagaman madami siyang katanungan, hindi pa ako handang sagutin ang mga iyon. Everything takes time. There is always a perfect time for everything, and that time is not yet today.
Umalis ako sa café at bumalik na sa kompanya. Hindi na sumabay si Nay Linda saakin. Naramdaman niya sigurong hindi ako kumportable at medyo awkward.
Pero mas hindi ako naging kumportable dahil sa naging sagutan namin kanina ng gago. Ugh. Nagagalit ako, nahihiya at nabwibwiset. Peste.
May El Predón, El Pedrón, El-- ano na ulit yun?! Basta yun! Hah! Kailan pa siya natutong mag-Espanyol?!Hah! Bwiset siya! Nakakapikon! Nag-iinit ang ulo ko! El Predón niya mukha niya! Gago siya!
Hindi pa lang ako nakakapasok sa loob ng kompanya ay bigla akong tinamad. Ewan. Hindi ko feel pumasok. Ang daming nangyari kanina at hindi ko talaga feel magtrabaho. Ayoko muna.
Ahhh! Alam ko na!
Pupunta ako kina Milo. Maybe, ngayon ang pagkakataon para puntahan ko siya sa bahay nila. Naaalala ko pa ang address nila pero hindi ako sigurado kung doon pa rin sila nakatira at kung nandoon siya. Hindi ba siya busy? Wala ba 'yong trabaho?
Bitbit ko ang sarili ko, naghintay ako ng taxi sa labas at nagpahatid doon sa bahay nila Milo.
Sana naman ay nandoon siya. Ang kapal-kapal ng mukha kong pumunta doon. Huhuhu. Bigla tuloy akong nahiya.
Paano kung makita ako ng parents niya, sina Mamá at Papá? They asked me to call them like that. Para na daw kasi nila akong anak. At ako rin daw kasi ang kauna-unahang babaeng pinakilala ni Milo sakanila, eh paano, bakla yung anak nila. Tch. Sina Mamá at Papá, ang babait nila. Tinanggap nila ako hindi lang sa bahay nila kundi pati sa buhay nila. Bigla kong na-realize na ang swerte-swerte ko kasi ang dami kong tinuring na mga magulang. May Mommy at Daddy ako. May Mom at Dad ako. May Nay Linda. May Mamá at Papá pa ako. I'm so lucky. Yes. I am.
Nang makarating kami sa address na binigay ko sa taxi driver ay agad akong nagbayad at bumaba na mula sa taxi.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang napakalaking bahay- no, sa harap ng isang napakalaking mansiyon. Their house is really big. Yeah. Kung malaki siya noon, mas malaki naman siya ngayon. Yung gate nila, sobrang taas. May fountain sila sa na may korteng couple na swan. Mas gumanda din ang hardin nila, samut-sari ang mga magagandang bulaklak. Mamá loves flower that much. Dapat nga ay Rose, o Sunflower, o Lily, o Orchid ang pangalan ni Milo, eh! HAHAHAHA!
"Ma'am, may kailangan ho kayo?"
Natigil ako nang may magsalitang babae. Tumikhim ako at ngumiti.
"Nandiyan mo si Lo- si Milo?" Kapagkuwan ay tanong ko.
Nagtatakang tumingin saakin ang babae. Marahil ay katulong nila ito.
"Ano ho kayo ni Ser Milo?"
"Kung nandiyan siya, pakisabi naman ho na nandito sa labas ang pinakamaganda niyang kaibigan." Mataray akong ngumiti.
Tintigan ako ng babae at biglang namilog ang mata. Nagulat ako ng bigla siyang tumili.
"Oh my god! Ma'am Havanna?!" Sigaw niya. Kilala niya ako?
BINABASA MO ANG
My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]
RomanceHighestRankAchieved: [NotUpdated] #2inHusbandOutOf1.73Kstories ( 11-29-18 ) #1inHoneyOutOf192stories ( 07-16-19 ) | R18 | Mature Content | She was once his very attractive, beautiful, loving and amusing wife, every man would want to have. He was o...