CHAPTER XLI - Launching pt. 4

6.3K 124 1
                                    

CHAPTER XLI.

( A/N: Late ulit dahil naging busy ako sa training. Mian. )














**

DAHAN-DAHAN KONG IMINULAT ang mga mata ko, at agad napadaing nang sinubukan kong igalaw ang mga hita ko. Damn. It hurts.

Napako ang tingin ko sa tabi ko. It was Zhayden! He's sleeping safe and sound! Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakayakap saakin at inayos ang kumot dahil kitang-kita na ang kalahati ng katawan niya.

Hinila ko yung manipis na comforter at binalot ito sa katawan ko. Kahit nanginginig ang mga hita ko ay pinilit kong tumayo. Humigpit ang pagkakahawak ko sa comforter, dahil agad kumirot iyong nasa gitna ng mga hita ko sa unang hakbang ko pa lamang. Nagulat ako ng may maapakan akong malagkit. Napayuko ako halos sumabog ang pisngi ko sa sobrang pula.

What the f.... I step on a.. heck!

Napailing nalang ako at buong sikap naglakad patungo sa banyo. Kumapit ako sa sink at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. My hair is messy, and I look tired. Unti-unti kong binitawan yung manipis na comforter na nakabalot sa katawan ko. Napako ang tingin ko sa katawan kong hubo't-hubad. We did it.. Last night. Anger is there, but lust is more stronger. I wasn't able to control myself! Naging mapusok kami! I can still recall what happened last night. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. I hate him, but I want him! Papatawarin ko na ba siya? No way!

Pumasok ako sa shower room at binuksan ang shower. Hinayaan ko lang na mabasa ang katawan ko sa tubig na umaagos mula sa shower. The water is cold, but I can still feel his hot touch in my body! Damn it.

Nang matapos ay nagtungo ako sa walk-in-closet para magbihis. I need to freaking work. Today is not the time for pleasure.

Simpleng floral dress lang ang suot ko para comfortable. Lumabas na ako mula sa walk-in-closet at tahimik na gumalaw para hindi magising ang gago. Inayos ko lahat ng gamit, at nilinis lahat ng mga nagkalat sa sahig. Kinuha ko na din yung mga damit namin sa salas at naglinis na din ako doon. Nag-iwan naman ako ng note bago kinuha yung pouch ko at tuluyang lumabas.

**

"GOOD MORNING, MA'AM HAVANNA. COFFEE PO?" bati saakin ng isang staff pagkapasok ko sa isa sa mga cafè dito. Ngumiti lang ako sa staff na iyon at tumango.

Umupo ako sa isang silya at umorder ng cappucino at strawberry cake. I'm craving for sweets!

Habang hinihintay yung order ko ay palihim kong minamasahe yung hita kong masakit pa rin hanggang ngayon. Pangiti-ngiti lang ako sa mga ilang guest at staffs, pero sa totoo lang, ang sakit ng buong katawan ko at nangangalay na ako.

Parating na yung order ko kaya tumigil ako sa ginagawa ko. Nilapag nung staff yung order ko at ngumiti. "Enjoy your coffee,  ma'am Havanna." Aniya.

"Thanks." nakangiting sabi ko kahit ayokong ngumiti.

Hinati ko sa maliit na piraso yung cake at akmang isusubo na nang may marinig akong iyak ng sanggol. Agad kumunot ang noo ko at hinanap kung nasaan iyon nanggagaling. Galing iyon sa likuran ko!

There's this woman, trying to stop her baby from crying. Iyak ng iyak yung baby habang hinehele siya nung nanay. I think, wala pang isang taong gulang yung baby. Tinatapik-tapik nung nanay yung pwet nung baby pero ayaw talagang tumigil kakaiyak. "Shhh.. baby, stop na. Are you hungry?" Aniya habang nilalabas yung suso para pasusohin yung baby, pero ayaw nung baby at mas lalong lumakas ang iyak. Nataranta lalo tuloy iyong nanay nung baby.

May mga ilang staff na lumapit sa babae at tinitignan kung anong problema. Hinawi ko ang buhok ko at sumubo muna ako ng cake bago tuluyang tumayo at lumapit sa babae.

"Magsibalik kayo sa trabaho niyo. Let me do this." Sabi ko. Nag-aalangan pa sila pero agad silang sumunod.

Tinanong ko kung pwede kong buhatin yung baby niya. Tumango naman yung babae. Binuhat ko ito at hinele, pero lalong lumakas ang iyak. "Shhh.. stop na, baby. Let me see." Pagpapatahan ko. Sinandal ko siya sa dibdib ko at chineck yung diaper niya. Shoot.

"Do you have extra diaper there? Your baby needs to be change." tanong ko habang hinihinga yung baby niya sa stroller.

Mabilis na tumango yung babae at dali-daling kumuha ng diaper at wipes tsaka inabot saakin. She looks worried and frustrated.

Pagkatapos kong linisan yung baby niya ay hinele ko siya hanggang sa makatulog. Hiniga ko ulit yung baby sa stroller niya at hinarap yung babae.

"Hindi ba't siya yung sekretarya ni Boss? Naku! Maganda na, sobrang bait pa! Kita mo, napagtiyagaan niya yung baby kahit iyak ng iyak." rinig kong bulong ng isa sa mga staff.

Hinarap ko sila at matalim na tinignan.

"Will you stop chismising me? Everyone would do it, and it's not a big deal. Will you just go back to work." Ani ko sakanila.

Let's see kung sinong mabait. Tch.

"My ghad! Thank you! Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. This is not my first time pero, nakakalimutan ko talagang i-check yung diaper ng baby ko. I'm stressed." Sabi ng babae at napaupo sa silya. Ngumiti ako at umupo sa harap niya.

"It's fine. Ganyan kasi yung mga anak ko kaya alam ko yung mga ganyang iyak. Kung hindi sila gutom, maybe they pooped." Nakangiting sabi ko, nakahinga naman ng maluwang yung babae.

"Oh, you have kids? You look young. Anyways, thank you. Salamat talaga."

"Yeah. And no, no need to thanks. It's my job also. Trabaho kong asikasuhin ang mga bisita. Oh, by the way, hindi sa nag-aano pero guest ka ba dito?"

"Ahh. No, yes. Yung asawa ko ang inimbita nong may-ari nito, sumama lang kami."

"Really? They look close."

Tumango ito. "Yes, they do. They're close." Aniya.

Sino nanaman daw itong ka-close ng gago? Hindi naman siguro siya asawa ni Milo? He is just the one I know that is close to him the most. Well, baka sa pagkawala ko ay nakahanap siya ng bagong kaibigan.

Napatitig ako sa baby niya na nakahiga sa stroller at napangiti.

Her baby is cute. She looks like a girl, no, he looks like a boy. Ang cute ng labi niya, baby palang ay mapula na at hugis puso. May kamukha siya.

"By the way, have we.. have we met before? You look familliar?" Kapagkuwan ay tanong niya. Nilingon ko naman siya.

"Oh, may lahi talaga kaming diyosa. Kidding." Biro ko at natawa pero agad akong tumigil tsaka napakunot ng noo. "Ahm.. I doesn't seem to know you.." nahihiyang sabi ko.

"Oh. Is that so? Baka nagkamali lang ako. What's your name, by the way?"

"I'm Havanna." Nakangiting sabi ko.

"Hi, Havanna. I'm Zyraine. Zyraine Vergaso. Just call me Zyra."








**

My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon