CHAPTER XXXV.
( A/N: Minsan iniisip ko: "Ang pangit ata ng story ko! Unpublish ko na kaya!" 😂😫 Gusto kong magpublish ng side story. Yung life nila 5-6 years ago. Yung teenage life nila. HAHAHA. )
**
HUMIGOP AKO NG KAPE, AT NAPATINGIN SA PALIGID.
Mag-iisang araw palang ako dito sa Baguio at siguradong pagbalik ko sa Manila ay madaming natambak na trabaho para saakin, ni hindi pa pala ako nakapagpaalam. Naka-off yung cellphone ko at sigurado akong sobrang daming missed calls.
Nandito ako sa balcony ng bahay at sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. Alas-syete palang ng umaga kaya hindi pa ganun kainit. At tulog pa rin ang mga bata.
Kaharap ko si Jhenna na kanina pa walang imik at panay ang pagsulyap saakin. Ako tuloy ang niilang.
Muli akong humigop ng kape at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"Jhenna.."
"Havanna.."
"Jhenna.."
"H-Havanna.."
"Jhenna! Paulit-ulit ka." Pabirong sabi ko para kahit papaano ay mawala ang tensiyon sa pagitan mamin, kung meron man.
Hindi na ako nagsalita pa at hinihintay sa magkwento siya.
"Havanna, sorry. I'm really sorry. Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang totoong pagkatao ko, but still, I'm sorry. I hide a big secret from you.." sa wakas ay derecho siyang nagsalita.
"Pero ako, Jhenna. Wala akong tinago sayo. Kinuwento ko lahat ng nangyari saamin ni Zhayden, pero ikaw, ni wala kang nakukuwento saakin kahit isa." May inis sa tonong sabi ko.
Paano niya nakayang maglihim saakin sa loob ng limang taon?
"That's why I'm asking for your forgiveness. Alam kong hindi madaling magpatawad pero hihingi at hihingi ako sayo hangga't mapatawad mo ako.."
"Cut it off, Jhenna. I didn't tell you to ask forgiveness from me. Sabi ko, ikwento mo lahat, at huwag mong subukang magsinungaling. Kilala mo ako, Jhenna. Ayoko sa lahat ay yung sinungaling. Masama akong magalit, and you know it."
Nagsisimula na akong mainis. Naririndi na yung tenga ko sa I'm sorry na yan.
"Okay. I'm sorry for the last time." Aniya at tumingin sa kawalan. "I'm still young during those times, Havanna. Noong nakatapos na ako sa pag-aaral, wala akong ibang ginawa kundi ang magsaya. Like what you've said, isa akong tagapagmana kaya wala akong ibang ginawa kundi ang magsaya, gumala, at maglibang. Until my parents arranged me to Colton, my ultimate crush way back in high school. Akala ko matino siya, Havanna. Pero hindi. Hindi pa kami kinakasal dahil gusto niyang tapusin muna ang college, and it's fine with me. But, he still flirt, and even sleep with other girls. Sabi niya, mahal din niya ako pero nakukuha niyang matulog sa kama ng ibang babae? Funny, right? Ako naman si tanga, paniwalang-paniwala sakanya. Ilang beses siyang humingi ng tawad at dahil nga mahal ko siya ay ilang beses ko rin siyang pinatawad. Until he got me pregnant, tila nakahinga ako ng maluwang dahil akala ko ay titino na siya, pero hindi pa pala. Nanganak na ako't lahat, pero hindi pa rin nawala ang pagiging babaero niya." Emosyonal na paliwanag niya at napaluha.
I can also feel the pain she's feeling. I don't know why, but I can feel it too.
"A-And, paano ka nakarating dito sa Baguio?"
"I-I'm really from Manila. We were from Manila. Remember? Nagkakilala tayo noon dahil nasa iisang school tayo but I'm two years older than you. We even entered the same university in college, pero madalang nga lang tayong magkita dahil madalas mong kasama si Zhayden." Aniya. Kinagat-kagat niya yung labi niya at nagpatuloy sa pagkwekwento. "One night, I saw Colton in our condo. Nakahiga sa sarili naming kama at may katabing babae. Imagine, may anak na kami pero nakukuha pa niya talagang mangkama ng ibang babae, worst, in our bed. Ang sakit, Havanna. Ang sakit sakit. A-Akala ko nagbago na siya pero hindi pa pala. Nagdilim ang paningin ko, Havanna. Lumapit ako sakanila ng babae niya at pinagsisigawan sila. Hinila ko yung babae niya hanggang sa manggigil ako kaya sinaktan ko siya ng sinaktan. Hindi pa yung sapat, Havanna. Kulang pa sa kulang. Nasaktan ako ng husto, Havanna. Gusto kong magpakalayo at makalimot. I ask space from him, from Colton. Pumayag siya pero yung anak namin ang nakataya. I will leave but without our son. Ayoko sanang iwan yung anak ko, pero alam ko namang aalagaan siya ni Colton. At siguro ay titino siya kung may gagampanan siyang responsibilidad. Si Mamay, siya yung nag-alaga saakin mula pagkabata. But then, she resigned when I got married at dahil tumatanda na siya. Sila lang ang alam kong mapupuntahan noong mga oras na yun, Havanna. She was my second Mom. Wala akong mapuntahang ibang kamag-anak dahil they're all in abroad, at masyado iyong malayo. So, I left my family, and my son. Sobrang sakit nun, Havanna. I was in the process of crying and suffering when you contact me, so I told you that I'm in here in Baguio." Mahabang paliwanag niya. "Then, you told me what happened to you. Sinabi mong ganoon din ang nangyari sainyo ni Zhyden. We almost had the same situation and experience, Havanna. Imagine, magkaibigan rin yung mga mahal natin. You were also pregnant that time. Ayokong ikwento sayo noon lahat ng 'to dahil ayokong madagdagan ang mga iniisip mo."
"Yes, Jhenna. Pero sana manlang unti-unti mong sinabi saakin. Hindi yung ilang taon kang naglihim. And sina Mamay? Do they know? Si Baby Clane, do you know how hard is it to grow up without a Mom?"
Humagulgol lang ng humagulgol si Jhenna at hindi ko alam kung anong gagawin. Blangko ang isip ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. I can feel anger, pain, and pity.
"H-Hindi, H-Havanna.. hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa-sakanila.."
"All these years, your attention was on my children. But, how about yours? How about baby Clane? Tinutuon mo yung atensiyon mo sa ibang bata pero yung anak mo, Jhenna. Are you getting my point?" Ani ko. Mabilis siyang nagpunas ng luha at suminghot-singhot. Sobrang pula na rin ng mata niya kakaiyak. "When are you planing to go back in your real life? Kailan mo balak bumalik? Ang pamilya mo, hindi mo ba sila iniisip?" Pagpapatuloy ko.
"I'm planning, Havanna. B-But I don't k-know h-how.."
"We're not friends for nothing, Jhenna. We'll get through this."
"H-Hindi ka na g-galit?"
"Hindi naman talaga ako galit, Jhenna. Kahit ano pa mang nagawa mo, marinig ko lang ang katotohanan ay okay na. Just the truth."
Maluha-luha siyang lumapit saakin at niyakap ako.
"H-Havanna.."
Ginantihan ko rin siya ng yakap at ngumiti.
We almost have the same story? Someone is trying to destroy our love ones from us.
I already heard Colton and Jhenna's side story.
Hindi ako pinanganak kahapon para hindi mabuo ang mystery na sa tingin ko ang unti-unti kong nahahanapan ng sagot.
Who ever is it, may malaki siyang galit sa isa saamin.
**
( a/n: May nakaline-up pala akong kwento after neto. )
BINABASA MO ANG
My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]
RomanceHighestRankAchieved: [NotUpdated] #2inHusbandOutOf1.73Kstories ( 11-29-18 ) #1inHoneyOutOf192stories ( 07-16-19 ) | R18 | Mature Content | She was once his very attractive, beautiful, loving and amusing wife, every man would want to have. He was o...