CHAPTER XXVII

6.4K 125 4
                                    

CHAPTER XXVII.

( A/N: Sunod-sunod ang suspension ng klase. Ahyy. Kaya binibilisan kong mag-update. Sinusubukan ko talaga. Nagpupuyat talaga ako gabi-gabi😂 At pinagsasabay ang bussiness. Yay. Tas pag-aaral pa. Tas spazzing pa. Multi-tasker talaga ako, eh.☺ )








**

GAYA NGA NG SABI ng gago, hindi lang kami kumain— Haller. Kumain lang talaga kami. No more, no less.

At, may kailangan akong lakaring document, kahit tinatamad ako ay ginawa ko yun, wala eh. Trabaho is life.

May kailangan akong kausapin at gawin doon sa kabilang kompanya kaya ayun. Medyo malayo-layo yun at talagang nakakatamad!

Natapos ko naman yung dapat kong gawin kaya agad-agad akong umalis doon sa kabilang kompanya. At kung sinu-swerte ka nga naman, walang dumadaang sasakyan. Kahit taxi, o jeep manlang. Swerte is real.

No choice.

Nagsimula na nga akong maglakad. Gusto kong magpasundo sa gago, pero huwag na. I can manage.

Napadaan ako sa Park kaya saglit akong huminto at napatingin sa mga batang naglalaro. Ang ilan sakanila ay kaedad nung kambal. Ang sasaya nila at sobrang lalapad ng ngiti. Ganito rin yung kambal kapag namamasyal kami sa Park, enjoy na enjoy at sobrang natutuwa.

Nagulat ako nang bumangga sa beywang ko kaya napatingin ako sa likod pero wala namang tao. Maya-maya ay may narinig akong hikbi.

"D-Daahh-Daaaahh-D-Dadd—yy.."

Oh my.

May cute na batang lalaking umiiyak sa harapan ko. Mukhang nawawala siya. He keeps on wiping his tears while mentioning 'Daddy'. Sa tingin ko ay kaedad niya sina Jhayjhay. Dahil sobrang cute niya at naaawa ako ay lumuhod ako para magkapantay kami. Sinuklay ko yung buhok niya at pinunasan ang luha niya.

“Baby, are you lost? Where's your Mom?” I asked.

“Daahh— D-Dahhdddyy. D-Daddy..” at umiyak uli siya. Hell, bakit nila hinahayaang mag-isa 'tong cute na batang 'to?

Niyakap ko siya at pinatahan.

“Shhh. Enough, baby. We’ll find your Daddy, okay? Shhhh. Stop crying na.” Pagpapatahan ko sakanya habang hinihimas ang likod niya. Tumahan naman siya, pero tuloy sa pagsinghot. “Do you want ice cream, baby?” kapagkuwan ay tanong ko. Unti-unti siyang tumango kaya napangiti ako. Good, atleast medyo tumahan siya.

“Okay, I’ll buy an ice cream, baby? After that, we’ll find your Daddy, okay?” tanong ko sakanya. Akmang iiyak nanaman siya kaya nagsalita ulit ako. “Shhh. Stop crying na, baby. We'll not going to find your Daddy if you continue to cry again.” ani ko. Mukha namang naintindihan niya kaya agad siyang tumahimik.

Umupo muna kami sa isang bench. Kinapa ko yung panyo sa bulsa ko, at sa awa ng Diyos ay meron naman. Pinunasan ko yung pawis niyang tumutulo pa. Pinunasan ko rin yung ilong niyang may sipon na. Panghuli at pinahid ko ang mga natuyong luha niya. Magang-maga na yung mata niya, kanina pa siguro siya umiiyak. Hindi ba napansin ng magulang niyang nawawala siya? O pinabayaan nila siya? Jusko, huwag naman sana.

Lumunod uli ako at hinarap siya. He has a rosy cheeks and beautiful face. Mukha siyang babae, swear.

Nakatingin lang siya saakin habang sunod-sunod sa pagsinghot.

“Wait me here, baby. Okay? I'll buy you some ice cream.”

Hindi siya sumasagot kaya tumayo na ako at mabilis na bumili ng ice cream. Pagbalik ko, nagpasalamat ako at naroon pa rin siya.

My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon