CHAPTER III

12K 249 5
                                    

CHAPTER III.






**

MABILIS ang tibok ng puso ko. Hindi lang mabilis, tila kabayo na nagkakarera sa bilis ang tibok ng puso ko. Pagkaapak ko palang sa semento ng terminal, halos hindi na mag-function ng maayos ang sistema ko. Hinanda ko ang puso at katawan ko pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Shit. Dejavu.

Nami-miss ko siguro yung kambal, tama, yun nga! Wag ko dapat masyadong i-stress ang sarili ko dahil papangit ako. Kapag pumangit ako, pagtatawanan ako ng baliw na Jhenna'ng yun. Tsk!

Makikipagkita muna ako kay Karla at pansamantalang titira sa apartment niya. Bukas pa daw kasi ako magsisimulang mag-trabaho. Hindi ko pa rin maitago ang kaba na nararamdaman ko, lalo na ngayong nasa Manila na ako.

Bahagya akong napangiwi. Kaya ko 'to. I can do it, para 'to sa mga anak ko. Fighting!

Naghintay ako ng taxi at nagpahatid sa address na binigay ni Karla. Habang nakasakay sa taxi, tinititigan ko ang bawat buildings at lugar na nadadaanan namin. Ganoon pa rin naman ang Manila, there are no major changes.

Bago kami makarating sa apartment ni Karla ay nakita ko siya sa labas na kumakaway-kaway. Napangiti ako at kumaway din pabalik.

Pagkatapos magbayad ay bumaba na ako mula sa a taxi. Nang makababa ako ay sinalubong niya ako at nagbeso-beso kami.

"Halla! Buti at nakarating ka ng matiwasay! Pasensya na at hindi kita nasundo sa terminal, alam mo naman, medyo busy ang lola mo. Hahaha. Halika na!" Aniya.

Okay lang, naiintindihan ko naman.

Ngumiti lang ako at sinabing ayos lang. Maya-maya ay inaya na niya ako at siya na ang humila sa maletang dala ko.

Medyo may kalakihan ang apartment ni Karla kaya nakakalula. Pagkapasok namin sa loob, may mga folders na nagkalat sa center table. Hindi sinasadya pero nakita ko yung isang folder, ZTL ang logo nito. Ano kayang meaning non?

Nang makita ni Karla na nakatitig ako doon ay dali-dali niyang niligpit lahat ng folders sa may center table.

"A-ahehehe. Pasensya ka na ha kung magulo dito." Aniya habang nililigpit pa rin yung mga folders.

Tumango lang ako at nilibot ko ang paningin ko. Kulay asul at puti ang pintura ng pader. May malawak siyang kusina. Sa hapag-kainan, kasya ang apat na tao. May mahabang couch sa sala malapit sa pader at may kaharap na pag-isahang sofa, at may mahaba ulit na couch sa tabi nito. May flatscreen TV na nakadikit sa pader. May pabilog na center table. May see through na kurtina sa bintana. May hagdanan papunta sa taas, marahil ay iyon ang mga kwarto. Pero parang may kakaiba, bakit wala manlang kadesign-design 'tong apartment ni Karla? Parang kabibili lang siya. Wala manlang nakasabit na kahit picture frame sa dingding, o kung ano. Malinis din ang pader, ni isang kuskos ay wala. Wala ring kalaman-laman yung aparador na katabi ng TV, wala manlang mga souviners, palamuti, o kung ano.

"Uyyy. Havanna! Narinig mo 'ko? Sabi ko, bukas ka na magsisimulang magtrabaho. Yung advance mong 20K, ako na ang magdedeposit sa bank account mo. Okay?" Bakit siya ang magdedeposit sa bank account ko? Close siguro sila nung CEO sa pagtratrabahuan kong kompanya.

"H-ha? Ahh. Okay, sige." Wala sa sariling sabi ko. Kanina pa pala siya nagsasalita, ngayon ko lang napansin.

Sa taas daw ako matutulog. Yung ika-unang kwarto sa taas, doon daw muna ako pansamantalang matutulog ngayon. Bukas kasi eh lilipat na ako sa condo na binigay saakin.

Gusto ko sanang itanong kay Karla kung anong trabaho niya pero nahihiya ako. Hindi naman kasi kami ganun ka-close.

Pumasok ako sa kwarto at itinabi muna yung mga gamit ko. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Napapikit ako habang iniisip kung ano kayang mangyayari bukas.

My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon