CHAPTER XLIV

6.5K 120 1
                                    

CHAPTER XLIV.

( A/N: Nagreset ako ng phone kaya nawala yung wattpad app ko. Mian! )







**

IT'S BEEN A DAY since I got home to Manila. And just like what we have talked, naiwan ang gago doon sa Island Resort. Ako na rin muna ang titingin sa kompanya, just you know.

Nakausap ko na rin si Kuya, I told him that I want to meet our parents. Nagdalawang isip pa siya kung papayag siya o hindi, pero sa huli ay pumayag din siya kaya sabay-sabay kaming nagpa-Manila kasama si ate Zyra at ang mga bata. Wala eh, gumana yung charm ko. Haha. Kidding.

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nina Mom at Dad. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hoooo! Cheer up, Havanna!

Lumapit ako sa gate ng bahay at nanginginig ang mga daliri ko habang pinipindot yung door bell. Sa unang subok ko ay walang nagbukas, ganoon din sa ikalawa. Hanggang sa ikatlo, nawalan tuloy ako ng pag-asa na nasa loob sila.

Pero sabi ni Kuya, nandito sila ngayon.

Bagsak-balikat akong tumalikod at aalis na sana nang may dumating na kotse. Iniluwa non si Kuya, nagliwanag naman ang mukha ko. Lumapit ako sakanya at akmang ibebeso pero umiwas siya.

"Tch. That's gay."

"Gay mo mukha mo!" Pagtataray ko. Tinignan ko naman ang kabuuan ni Kuya. "Nasabi ko na bang... ang .. gwa— ang baduy mo!" Biro ko at natawa. Binatukan niya tuloy ako.

"Sira! Pumasok ka na sa loob?"

Umiling ako.

"They're not openning the gate.."

"Baka hindi nila narinig. Come on." Pag-aaya niya. Tumango naman ako.

Lumapit kami sa gate pero nasa likod niya lang ako. Mas matangkad saakin si kuya pero isang daliri lang siguro ang pagitan namin. Magkasing-tangkad lang ata sila ng gago.

So anyways, nag-doorbell si Kuya ng dalawang beses bago may kasambahay na nagbukas ng gate.

"Good morning, Sir.. maam?"

"Goodmorning, Manang. Si Havanna nga po pala, kapatid ko."

Nang makapasok kami sa loob ay may naabutan kaming kasambahay na naglilinis. Tumigil ito sa paglilinis at binati si Kuya.

"Magandang araw, Sir! Napadalaw kayo." Magiliw na anito kay Kuya. Ngumiti lang si Kuya bilang sagot.

"Sila Mom at Dad, nasaan po sila?"

"Parents niyo po? Uhm. Nasa kwarto po ulit sila ni Maam H-Havanna.."

Nagpasalamat lang si Kuya at nagsimula na kaming umakyat sa hagdan.

"Sir! Sino ho pala yang kasama niyo?!"

"Kapatid ko po." Nakangiting ani Kuya.

But wait, why are they in my room?

Nang marating namin ang kwarto ko noon ay pinihit ni Kuya ang doorknob at naunang pumasok sa loob. Naiwan muna ako sa labas ng kwarto at lumingon-lingon sa paligid. Ganoon parin naman yung loob ng bahay, maliban sa bago nitong pintura.

Nang tawagin ako ni Kuya ay naghalo-halo ang emosyon ko. Natatakot ako, kinakabahan, at naeexcite.

"Mom. I'm with someone."

Unti-unti akong umalis sa likuran ni Kuya at nakita ko si Mom. Nagkatitigan muna kami hanggang sa manubig ang mga mata ni Mom. Nilapitan niya ako agad at mahigpit na niyakap.

My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon