CHAPTER XLIX.
( A/N: Was akong ma-say. Vote and comment nalangs ? :< Short lang 'to dahil tinamad ako mag-type. Hahabaan ko sa susunod na updae ? )
**
"DO YOU THINK everything is okay, hon?" Kapagkuwan ay tanong ng gago. Tumango naman ako at nilingon siya.
"I think so." Tanging sagot ko lang sakanya at binaling ang tingin sa papalubog na araw. Narito kami ngayon sa unit ko. Nakaupo siya sa kama habang ako ay nasa tapat ng sliding glass door papunta sa balkonahe.
"How about us? Are we okay now?" Anito na kinatigil ko. Natahimik ako at tinanong ko ang sarili ko. Ayos na nga ba kami? I can say that we are okay, but not that okay. May kulang kasi, at hindi ko alam kung ano iyon. Kaunting oras pa, magiging okay na okay na kami.
"Us? We're still on the proccess. We should take is slowly."
"Okay, hon. Let's take it slowly. I'll wait, just for us to be okay." Aniya. Tumango lang ako at natamihik. "By the way, hon. Do you want to come with me?" Maya-maya ay tanong siya.
"You're going where?"
"At our house.. I want to to visit it again, with you.."
"Okay, let's go there if we have free time." Tanging sagot ko.
Our house.. a place we called home.
Ang lugar kung saan ay nakabuo kami ng napakaraming mga alaala. Ang lugar kung saan mas naging isa kaming dalawa. Ang lugar kung saan ay kinailangan kong lisanin dahil... dahil..
Nang tuluyang sumapit ang gabi ay naghapunan kami dito lang dahil nagluto ang gago ng pagkain.
Pinalitan ko yung bandage sa hita ko at nagsuot ng pajama bago ako humiga sa kama. Tumingala ako mala-galaxy na ceiling at inisip kung ano ang mga ginawa ko kanina. Parang napakabilis ng araw na ito dahil gabi na agad. Ganoon ba talaga kapag nasa bahay, o unit ka lang at walang ginagawa? Kain, tulog, mag-cr, at tumambay. I didn't go to work because he dind't let me. Mag-isa ako kanina dito sa unit ko at talagang napaboooooring.
Madami pa akong ibang iniisip. Kamusta kaya yung isang pamilya ko na iniwan ko para makipagsapalaran? Walang araw na hindi ko sila inisip, lalo na yung mga anak ko. I wasn't able to call them regularly anymore due to work. But I do always think of them.
"Earth to my honey."
Nagising ang diwa ko at nilingon ko ang gago. Nasa tabi ko na pala siya. Nakatukod ang isa niyang braso sa ulo niya habang nakatagilid ng higa.
"W-What? Are you saying something?"
Walang gana ko siyang nilingon. Lately, nawawalan ako ng gana, siguro dahil sa dami nang nangyari na prinoproseso palang ng utak ko hanggang ngayon. Nagmumukha tuloy akong lantang gulay.
Umayos ang gago at umusog palapit saakin, bigla tuloy akong nanginig. His body is too cloose to mine! And, I wonder, he's just wearing his boxer shorts!
Uusog sana ako palayo sakanya nang maramdaman ko ang mainit niyang braso sa beywang ko. Mas lumapit pa siya saakin at inayos ang kumot namin. Pinatong niya rin yung ulo ko sa braso niya at ginawang unan. Amoy na amoy ko tuloy yung mabango niyang katawan at hininga. Mas mababa ako sakanya kaya pinatong niya yung noo niya sa tuktok ng ulo ko habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri dahilan para lalo akong pagpawisan.
"I-I have something to tell you, hon.." aniya. Tiningala ko siya na may nagtatanong na mga mata. "It's uhh.. about K-Karla.." mahinang aniya dahilan para mangunot ang noo ko.
"Don't tell me she is one of you girls?" tanong ko nang may mababang tono habang nakataas ang mga kilay. Mabilis naman siyang umiling.
"N-No. No. No." Mabilis na sagot niya. Sumiksik ako sa katawan niya at naghihintay sa sagot niya. "She.. she was actually working for me.. A few months ago, she just knocked on my office and volunteered herself. She wants to be my personal investigator. I don't want to because she was a total stranger. Ayoko noong una pero sinabi niyang alam niya kung nasaan ka. Syempre pumayag ako, ikaw na yung pinag-uusapan, eh. Sinabi niya ring gagawa siya ng paraan para maibalik ka niya. And, I was shock, you were my secretary! Noong panahong iyon, nag-leave si Seara dahil lumalaki ang tiyan nito. At hindi ko talaga inaasahang ikaw ang papalit. Karla told me that she was the one who did it, that's when I start to trust her. But I didn't know that she's into something, hon.. She even hurt you that made me mad!" Mahabang kwento niya.
She really moves in a mysterious way. She brought nightmares to our lives and to me.
"Atleast, binabayaran na niya lahat ng nagawa niya saatin."
Naramdaman kong tumango siya.
May sinasabi pa siya pero hindi ko naiintindihan dahil inaantok na ako hanggang sa unti-unting sumara ang talukap ng mga mata ko.
RAMDAM KONG umaga na pero ayoko pang bumangon dahil mabigat ang pakiramdam ko.
"Honey, breakfast is ready." Narinig kong ani gago pero nakapikit pa rin ako.
Narinig kong nilapag nito ang hawak na tray sa bedside table at naramdaman kong lumubog ang kabilang parte ng kama.
"Hey, hon. Gising na, you need to eat."
Hindi ako sumagot.
Bigla kong naamoy yung dala niyang pagkain. Nakatagilid ako paharap sa pagkain kaya iminulat ko ang isa kong mata para tignan ito. Ugh, fried rice, egg, ham, bacon, roasted bread and juice. Biglang nag-iba yung tiyan ko na parang hinahalukay at parang masusuka ako dahil sa amoy ng pagkain. Nagmadali akong bumangon mula sa kama at nagtungo sa banyo. Humarap ako sa sink at kumapit dito tsaka sumuka. Nang matapos ay naghilamos ako ng tinignan ang repleksyon ko sa salamin.
Wala naman akong kinain na madami kagabi, bakit ako nasuka?
Kapagkuwan ay lumabas na ako mula sa banyo.
"Are you okay, honey?" Nag-aalalang tanong ng gago. Tumango naman ako. Umupo ako sa gilid ng kama at pakiramdam ko ay masusuka ulit ako, tignan ko lang yung mga hinanda niyang pagkain ay parang hinahalukay nanaman ang tiyan ko.
"Can you buy me something?" Kapagkuwan ay tanong ko sa gago.
"Sure. What is it, hon?"
"Uhm.. I'm craving for something. Pwede mo ba akong ibili ng strawberry?"
I really want to eat strawberry! I'm also wondering if there is ketchup in the kitchen? Strawberry and ketchup, sounds delicious.
"Okay, eat your breakfast, then. I'll be back with strawberries."
Ngumiti ako at tumango. Lumabas na siya ng kwarto pero hindi ko pa rin ginagalaw yung pagkain. Ayoko talagang kainin ang mga 'to!
Imbes na kumain ay humiga ulit ako sa kama dahil inaantok pa rin ako.
I want to sleep!
**
BINABASA MO ANG
My Seductive Ex-Husband ( Complete ) [ Under Editing ]
RomanceHighestRankAchieved: [NotUpdated] #2inHusbandOutOf1.73Kstories ( 11-29-18 ) #1inHoneyOutOf192stories ( 07-16-19 ) | R18 | Mature Content | She was once his very attractive, beautiful, loving and amusing wife, every man would want to have. He was o...