SELENE
Pagkalabas ko ng bahay ay agad na kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang isang pamilyar na likod ng lalaki.
Nanaginip lang ba ako?
Hindi ko maiwasan na maisip habang nakatitig sa kanya't pinag-aaralan.
"Evan?" Mahinang usal ko sa pangalan na matagal ko nang hindi nasasambit at ni maging sa panaginip ay ayaw ko sinasambit.
Si Evan— siya lang naman ang Ex-husband ko na tatlong taon ko nang hindi nakikita at hindi ko na pinapangarap pang makita pang muli.
Makailang beses akong kumurap-kurap sa pag-aakalang baka nagiilusyon lang ako, baka namamalik mata lang ako dahil walang rason para pumunta s'ya dito at alam ni Evan na hindi s'ya welcome dito.
Oh, Tama! Ilusyon lang ito.
Naalala ko na, napanaginipan ko siya kagabi, kaya pala ang sama ng gising ko kanina dahil s'ya ang napanaginipan ko.
Shit! Isa talaga s'yang sumpa sa buhay ko.
Sa haba ba naman panahon na magkahiwalay kami ay hindi ko inaasahan na mapapaginipan siya!
Malamang epekto lang 'to ng panaginip ko kaya nagha-hallucinate akong nakikita s'ya.
Tama! Resulta lang ito ng panaginip ko.
Pero nakailang kurap na ako ay hindi pa rin siya naglalaho sa harapan ko. Ngumiti pa s'ya sa'kin!
OMG! What's the meaning of this?
Napakaimposible na ngitian n'ya ako.
Siguradong kung magugunaw na ang mundo bukas ay ako ang huling tao na gugustuhin n'yang makita or ayaw n'yang makita at all, same here of course.
No! No.
Hindi ito totoo. Epekto lang ito ng panaginip ko.
Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko pero kahit anong gawin ko ay talagang nakatayo pa rin siya sa harapan ko.
Shit!
Huminga ako ng malalim at napakuyom ng kamao.
This is not real!
Mabibigat ang mga paang naglakad ako palapit sa kanya. Isa lang ang solusyon para malaman kung nagiilusyon lang ba ako or talagang totoong 'andito s'ya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan inilalapit ang kamay ko sa pisngi niya, hindi s'ya umiwas kaya matagumpay kong nagawa ang plano ko—ang kurutin s'ya.
"Aray!" Reklamo n'ya—OA na reklamo niya dahil hindi naman gan'on kalakas ang pagkakakurot ko.
Mabilis kong nabawi ang kamay ko't napaatras. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang titig na titig sa kanya.
"Anong akala mo sa akin imagination mo!?" Sabi pa niya na sinabayan pa ng pag-arko ng kilay.
Napailing-iling ako. No! Hindit ito totoo! Nananaginip lang ako! Gusto kong paniwalain ang sarili ko. Mabilis akong tumalikot at akmang babalik sana sa loob ng bahay pero mabilis niya akong nahawakan sa braso.
"Selene! We need to talk!"
Gusto kong magkunwaring walang narinig pero sa pagkakahawak niya sa braso ko'y alam kong wala na akong ibang choice kundi harapin ang realidad na totoong 'andito siya.
Bago muling humarap sa kanya'y huminga muna ako ng malalim. "Anong ginagawa mo dito?" Matapang na tanong ko na sinabayan ko pa ng pandidilat.
"Ay wow! Bakit bawal ba? Bahay ko rin naman –"
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...