CHAPTER FOUR
SELENE'S P.O.V
Kakalabas ko pa lang ng kwarto ko ng biglang nanlaki ang mga mata ko.
"Ahhh!!!" Sigaw ko rin na agad din akong napatalikod.
Sino ba naman kasi ang hindi mapapasigaw kung makikita mo ang lalaking kasama mo sa bahay ay naka boxer lang at relax na relax pa na nakaupo sa couch sa sala.
"Oyy!" Reaksyon na sabi ni Evan dahil sa pagsigaw ko.
"Ano ba naman Evan, wala ka teretoryo mo!" Reklamo ko sa kanya habang nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanya.
Isang malutong na halakhak naman ang kumawala sa kanyang bibig.
"Ano ka ba naman Selene. Painosente ka pa diyan! Nakita mo na rin naman 'to noon -"
"Stop it!" Putol ko sa sinasabi niya dahil bigla akong namula na parang nasampal dahil sa pinagsasabi niya buti na lang nakatalikod ako kundi baka nakita na niya ang pamumula ko.
Muling humagalakpak ng tawa ang kumag.
"Hula ko na namumula ka na diyan ano, dahil naaalala mo siguro -" Patuloy na pang-aasar niya.
"BASTOS!" Muling putol ko sa sinasabi niya.
Walang hiya talaga ang lalaking 'to! Ang Bastos pa!
"Excuse me lang Evan ha 'wag ka ngang feeling dahil hindi naman kaproud proud yang -" Pang-iinsulto ko sa kanya na ibintin ko pa sa ere ang iba pang karungtong na sasabihin ko dahil hindi ko kayang bangitin ang word na iyon. " - Kaya kung ako sayo itago mo na lang yan!" Dugtong ko na lang sabay pasok ulit sa aking silid.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nakahinga ng maluwag.
Nakakainis talaga agn Evan na 'yon! Nakakasira ng araw!
Iba talaga ang takbo ng utak ng lalaking 'yon. Buti na lang at nakipaghiwalay ako sa kanya ng maaga! Kundi naku baka nagungusumi araw-araw!
* * * * *
Dahil sa inis ko kay Evan ay agad kong ibinalita kay Dana ang nangyari at syempre siya pa itong mas galit na galit kesa sa akin na parang siya ang nakaexprience.
Napapailing-iling na lang tuloy ako.
Kung ano-ano pang pangalan ang itinawag niya kay Evan dahil sa inis niya dito, mga ilang minuto din 'ata siyang walang tigil sa kakareklamo daig pa ako.
"Sabi ko naman kasi sayo Selene e, diyan mo na muna patirahin si Matt para may magbabantay sayo." Saad niya ng matapos na ang pagrereklamo niya. "Paano na lang kung maisipan ng Evan na 'yon na pasukin ka diyan sa loob ng kwarto mo." Dugtong pa niya.
"Grabe ka naman Dana .... Hindi naman sa pinagtatangol ko si Evan ha, pero magkakasabay tayong lumaki, kahit sabihin na nating may pagkasira-ulo talaga at playboy si Evan pero pareho natin alam hindi niya kayang gawin ang iniisip mo -"
"Ay! Tigilan mo ako Selene! Wala na akong tiwala sa kanya lalo na't minsan na niyang sinara ang tiwala ko -"
Close kasi before si Dana kay Evan at botong-boto siya kay Evan para sa'kin pero mula nang maghiwalay kami dahil sa pambabae niya ay ni minsan ay hindi na ulit kinausap ni Dana si Evan.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...