CHAPTER THREE
EVAN'S P.O.V
"Suwerte mo ha at pumayag si Selene na patirahin ka sa bahay niya –" Sabi ni Jay sa akin ng magkita kami sa coffee shop na malapit lang sa bahay ni Selene.
"Bro kung hindi kami naghiwalay ni Selene bahay ko rin naman –"
"E, kaso hinawalay na kayo 'diba at saka kay Selene na nakapangalan ang bahay na 'yon kaya wala ka nang karapatan 'don." Pagpapamukha sa akin ni Jay sa masaklap na katotohanan. "Bakit kasi ibinigay mo sa kanya ang bahay na 'yon?" Dugtong na usisang tanong naman niya sa'kin.
Napangisi ako. "E, wala naman akong gagawin sa bahay na 'yon kaya ibinigay ko na lang sa kanya kesa sa ibenta ko 'diba atleast napakinabangan pa." Sagot ko saka humigop ako ng kape na inorder ko.
Napailing-iling lang si Jay dahil sa sagot ko saka humigop rin siya ng kape niya.
"So ano pala ang set up niyo ngayon na magkasama kayong nakatira sa iisang bubong?" Tanong niya pagkatapos ng dalawang higop ng kape.
"Well ....." Sagot ko sabay sandal ng likod ko sa upuan. "......gusto niya 'yong tipong kanya-kanya kami sa mga gawaing bahay at – ang gusto pa niya ay 'yong tipong hindi kami nagkikita sa loob nga bahay!" Napapailing-iling na patuloy na sagot ko.
"Mukhang may sama pa ng loob sayo ha."
"Anong may sama ng loob ka pa diyan ang sabihin mo baka kamo natatakot lang siyang mainlove ulit sa'kin."
"Wow bro, lakas din talaga ng kompyansa mo sa sarili, ano, akalain mo naiisip mo pa ang mga ganyan samantalang niloko mo nga si Selene noon." Umiiling-iling na sabi ni Jay.
"Excuse me lang ha, hindi ko siya niloko noon –" Pagtatama ko sa paratang niya.
"Eh ano ang tawag mo sa ginawa mo kay Selene noon?"
"It was just a misunderstanding –"
"Misunderstanding? – Oh c'mon bro kung misunderstanding lang 'yon bakit kayo nauwi sa hiwalayan."
"It's –" Sasagot pa sana ako pero naisip ko bakit kailangan ko pang magpaliwanag e, tapos na rin naman iyon saka ang tagal na 'nun no need na pag-usapan pa. " – hay naku 'wag na natin pag-usapan 'yon past is past. Just leave it in the past!" Sabi ko na lang.
SELENE'S P.O.V
Agad akong napataas ng kilay pagdating ko dito sa bahay dahil ang unang nahagip ng mata ko aya mga bote ng beer na nakapatong sa center table.
"Ang kumag, at home na at home talaga! Nagawa nang uminom!" Nangigil na nasambit ko.
"Good evening!" Biglang sulpot na bati ni Evan kaya napatingin ako sa kanya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na gumanti ng bati sa kanya.
"Saan ko ba ito ilalagay?" Malakas na tanong ni Matt na nakasunod sa'kin habang dala-dala niya ang mga libro na pinamili ko medyo mabigat kasi kaya nagpresenta na siya na lang magbibitbit.
Kitang-kita ko naman ang pagsalubong ng kilay ni Evan habang nakatingin kay Matt na nasa likod ko. Napangisi naman ako dahil sa reaksyon niya pero hindi ko pinahalata.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...