CHAPTER 18

2.7K 65 5
                                    

A/N: Hello po...Sensya na medyo hindi na maganda ang nagiging  flow ng story.. haist! Well anyway 2 - 3 chapters na lang po at matatapos na ito. Sana hanggang sa last chapter basahin niyo pa rin po. ♥♥♥


CHAPTER EIGHTEEN

SELENE'S P.O.V

Habang nasa likod kami ng puno ng mangga ay nakasandal ang likod ni Evan sa puno at ako naman ay nakabalot sa kanyang mga braso.

Patuloy naman ang pagalingaw-ngaw ng putok ng baril na hindi namin alam kung kailan hihinto.

Kahit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay naririnig ko pa rin ang malakas na kabog din ng kanyang puso.

"Paano niya natunton ang lugar na ito?" Tanong ni Evan na hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o ang sarili niya.

Kumunot ang noo ko at samut-saring katanungan ang biglang nabuo sa isip ko.

Sino ang namamaril na ito sa amin? Ito rin ba ang sinasabi nila na nagtatangka sa buhay ko kaya kami nagtatago dito?

Napalingon ako kay Evan at kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha saka biglang tumahimik, marahil baka naubos na ang bala ng taong namamaril sa'min kaya ito huminto.

"Sino –" Tanong ko sana kay Evan pero hindi ko na natapos dahil tinangal niya ang pagkakabalot ng dalawa niyang braso sa'kin at medyo ipinuwesto niya ako sa kanang gilid niya saka dahan-dahan siyang sumilip.

Nanatili pa ring malakas ang kabog ng dibdib ko pero pilit kong kinalma ang aking sarili. "Kilala mo ba sila?" Tanong ko ulit sa kanya ng naunsyame kong tanong kanina.

"Ang taong gustong pumatay sayo." Sagot ni Evan habang nakasilip saka muli siyang bumalik sa pagkakatago at tiningnan niya ako't hiwakan ang magkabila kong braso. "Hindi na tayo safe dito." Pahayag niya.

"Teka lang... so ibig sabihin totoo ngang may gustong pumatay sa'kin." Wika ko ng mapagtanto ko na totoo nga na may gustong pumatay sa'kin. "At kilala mo kung sino?"

Agad na tumango si Evan nang biglang muling umalingaw-ngaw nanaman ang magkakasunod na putok ng baril kaya agad niya ulit akong nayakap para protektahan.

"Kailangan na natin makaalis dito." Saad niya habang yakap-yakap ako.

"Humingi tayo ng tulong sa mga tauhan ni Warren." Suhesyon ko naman.

"Hindi ko dala ang radyo, hindi ko sila makokontak."

"Huh?" Reaksyon ko. "Pero siguro naririnig naman nila ang putukan na ito?"

"Hindi ko alam, pero ang mas importante ngayon ay makalayo muna tayo dito. Dahil sa tingin ko walang balak na tumigil ang ga*g*ng namamarin na yan!"

Napatango-tango na lang tanda ng pagsang-ayon dahil sa tingin ko rin. "Pero paano tayo makakatakas?"

Saglit siyang hindi umimik at inilibot ang mga mata. "Nakikita mo ba 'yon sa may bandang kaliwa natin na may mga niyogan?" Maya-maya't tanong niya na inginuso pa niya ang lugar na tinuntukoy.

Napatingin naman ako sa tinutukoy niya.

"Kapag naubusan ulit ng bala nyang namamaril tatakbo tayo papunta doon." Latag niya ng plano.

"Huh? – Hindi ba mas delikado ang gagawin natin?"

"Mas delikado kung mananatili tayo dito."

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon