CHAPTER 8

3.9K 84 0
                                    

CHAPTER EIGHT


SELENE'S P.O.V

Nagsalubong agad ang kilay ko ng makita ko ang isang pamilyar na bulto ng tao sa loob ng opisina namin."Ano nanaman ang ginagawa mo dito?" Tanong ko agad kay Evan.

Kagagaling ko pa lang ng meeting kaya hindi ko alam kung kanina pa siya dito o kakarating pa lang pero wala naman akong pakialam 'don ang gusto ko lang malaman ay kung bakit nandito nanaman siya.

Ngumiti siya ng malapad pagkakita sa'kin. "Sinusundo kita." Sagot niya kaya mas lalo pang nagsalubong ang kilay ko.

"Sinusundo?" Sarkastikong ulit ko sa sagot niya.

"Yup –"

Tumaas tuloy ang kilay ko. "Anong akala mo sa'kin hindi ko kayang umuwi mag-isa?"

Napangiwi naman siya dahil sa sinabi ko. "Ano ka ba sa panahon ngayon kailagan mag-ingat dahil mahirap na.... maraming nang mga taong hindi mapagkakatiwalaan na naglipana –"

"Katulad mo..."

"Tama, katulad k – Teka nga lang bakit ako?!" Nanlalaki bigla ang mata niya.

"Bakit mapagkakatiwalaan ka ba?" Tumaas pa ang kilay na sabi ko.

Tiningnan niya ako ng masaba pero agad din naman siyang ngumiti. "Oo naman syempre."

"Hindi halata ah." Mas lalong tumaas pa ang kilay ko na napangisi pa ako.

Biglang nagsalubong naman ang kilay niya. "Teka nga lang akala ko ba naka move on ka na pero bakit parang inuungkat mo pa ang past?"

"Aba syem –"

"Past is past 'diba?...... saka." Putol niya sa sinsabi ko sabay iwas ng tingin sa'kin. "Saka mo alam ang totoong nangyari noon." Pabulong na sabi niya na hindi ko naman masyadong maintidihan dahil sa sobrang hina.

Kumunot tuloy ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

Muli niyang itunuon sa'kin ang kanyang tingin. "Wala, ang sabi ko... h'wag mo nang ungkatin ang past natin kung talagang naka move on ka na."

Napangiwi tuloy ako. "Paano ko naman hindi uungkatin e, sayo na mismo nangaling ang tungkol sa mga taong mapagkakatiwalaan .... which is.... Ikaw nga mismo ay hindi naman mapagkakatiwalaan." Nanlalaki pa ang mata na sabi ko.

Bigla siyang napahawak kanyang dibdib. "Ouch! ... grabe ha, nakakasakit ka na."

"Wow! Nasaktan? Iibig sabihin guilty." Sarkastikong saad ko.

"Ako?.... Guilty?...." Nanlalaki-laki pa ang mata niya. "Hindi oy!"

Ngumisi tuloy ako dahil sa sinabi niya. "Halata nga!" Sabi ko na may kasamang tango-tango. "Teka nga lang pala! Pano ka nga pala nakapasok dito?" Biglang usisa ko ng marealized ko kung papaanong nakapasok siya dito sa loob ng opisina.

Bigla siyang ngumiti ng malapad."Simple lang naman sinabi ko lang naman sa guard na asawa mo ako at susunduin kita." Proud na proud na pagkukwento pa niya kung ano ang ginawa niya kaya nakapasok siya.

"Ano?!" Hindi mapaniwalang reaksyon ko sabay napatampal na lang ako sa noo. "Si Manong talaga alam naman niya na wala akong asawa pero naniwala naman sayo!" Hindi makapaniwalang saad ko.

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon