CHAPTER 5

4.9K 85 0
                                    

CHAPTER FIVE

SELENE'S P.O.V

Kanina pa masama ang tingin ni Evan kay Matt pero itong si Matt naman ay parang walang paki-alam at patuloy lang siya sa kanyang ginagawa.

Kasalukuyan kasi kaming andito sa sala dahil may tinatapos kaming trabaho ni Matt at itong si Evan naman ay hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dito at nakatambay din siya.

Hindi rin siya marunong sumunod sa rules ko, sabi ko naman hangga't maaari ay iwasan namin ang isa't-isa pero...ito laging nambubwesit!

Simula pa kaninang dumating kami ni Matt ay hindi na linubayan ng masamang tingin ni Evan itong kaibigan ko.

"Ilang taon na kayong magkakilala?" Biglang narinig namin na tanong niya kaya napaangat kami pareho ng tingin sa kanya.

"Huh?" Si Matt.

"Sabi ko ilang taon na kayong magkakilala ni Selene, hindi kasi kita maalala na isa sa mga kaibigan niya dati?" Ulit niya sa tanong at tumingin pa siya sa'kin.

"Ohhh....well.,.." Sagot ni Matt saka luminga siya sa'kin. "Three year na ano?" Pagpapatuloy niya na kinukorpirma niya sa'kin kung ilang taon na kaming magkaibigan.

Tumango lang ako saka ibinalik ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko.

"Paano kayo nagkakilala?" Pagpapatuloy na tanong pa ni Evan kay Matt kaya muli akong napaangat ng tingin sa kanya.

Walang hiyang lalaki kasi na 'to kung makapag-interview kay Matt daig pa ang tatay ko.

"Excuse me lang Evan ha...." Aniko sa kanya. "Ano 'to talk show at kailangang mong interviewhin si Matt?"

Umasim naman ang ekpresyos ng mukha niya. "Bakit masama na ba magtanong, gusto ko lang naman malaman ha." Katwiran niya.

"At bakit gusto mong malaman?"

"Syempre curious lang ako kasi hindi ko pa siya namemeet dati as isa sa mga kaibigan mo." Sagot pa niya. "I just want to know kung recently pa lang ba kayo naging magkaibigan." Dagdag pa niya.

"So kung malaman mo naman na recently pa lang kami naging magkaibigan, ano naman sayo?"

"Wala lang." Sagot niya ulit saka inalis na niya ang tingin sa'kin at ibinaling na lang sa magazine na hawak niya kaya pailing-iling na lang na masama ang tingin sa kanya.

Pero pabalik pa lang ulit ako sa ginagawa ko ng muli nanaman siyang nagsalita.

"Are you two dating?" Tanong naman niya ngayon kaya nagsalubong na talaga ang kilay ko dahil sa dami niyang tanong.

"Ano ba ang pakialam mo sa buhay ko?!" Singhal na sagot ko sa kanya kaya natahimik na lang siya at ibanaling na lang ulit ang atensyon sa magazine.

Dumikit naman sa'kin si Matt at inilapit ang bibig sa tenga ko para bumulong. "Mukhang interesado pa sayo ha!" Pabulong na aniya na hindi masaya ang tono ng boses sa pagkakasabi niya.

"Anong interesado ka diyan! Sabihin mo nang-aasar lang yan!" Pabulong na sagot ko naman.

"Anong pinag-bubulungab niyo?" Nang pareho kaming biglang napapitlag ni Matt dahil sa pagkagulat sa biglang pagsulpot ni Evan sa likuran namin.

"Ano ba Evan!" Reklamo ko sa kanya dahil sa ginawa niya.

"Bakit kayo nagbubulungan? Ano pinag-uuspan niyo?" Ulit na tanong niya na hindi na pinansin ang reklamo ko.

Napatayo tuloy ako mula sa pagkakasalampak sa sahig at hinarap ko si Evan.

"Masyado ka ring pakialamero ano!"

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon