CHAPTER TWENTY THREE
SELENE'S P.O.V
"MAHAL MO PA BA AKO?" Ulit na tanong ni Evan nang hindi ako makaimik at sabay kuha ng kamay ko at hinawaka niya't pinisil-pisil. "Yan lang ang gusto kong malaman and I am willing to wait." Dugtong pa niya.
Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko, hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo O hindi na muna?
Ilang minuto pa akong hindi umimik para mag-isip habang si Evan naman ay matyagang naghihintay ng sagot habang hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Oo..." Maya-maya'y sagot ko sabay iwas ng tingin.
Tuwang-tuwa naman na mabilis akong nayakap ni Evan. "Then, handa akong maghintay kahit habang buhay pa." Sabi niya habang nakayakap sa'kin kaya napangiti na lang din ako at gumanti na rin ng yakap sa kanya.
"Let's give it a try." Sabi ko naman sa kanya na mas lalong ikinatuwa niya at lalo din humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya ng bumitaw siya sa pagkakayakap.
Ngumiti ako ng malapad at tumango-tango kaya naman bigla niya akong hinalikan sa labi.
Actually smack lang naman pero may kakaibang kiliti ang naidutot niyon sa'kin kaya naman nahampas ko tuloy siya sa braso.
"Wow may kiss agad." Nakangiting kunwari'y reklamo ko.
Natawa siya sabay sabi. "Syempre namiss kitang ikiss e..."
"Hay naku tigilan mo nga ako...." Sabi ko sa kanya. "Basta hinay hinay lang tayo... wag nating masyadong epressure ang sarili natin, hayaan natin ang panahon magdesisyon kung kailan tayo handa na dalhin sa next level ang ano man ang mayron tayo ngayon." Wika ko pa na napatango-tango naman siya.
_________
Kanina pa ako nakahiga pero hanggang ngayon ay hindi pa rin akong dalawin ng antok at hanggang ngayon din ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na ayos na kami ni Evan, at natututwa rin ako sa naging desisyon ko.
Tama naman kasi ang mga sinabi niya, magsasayang pa ba kami ng panahon saka tatlong taon na ang nasayang namin dahil sa maling desisyon ko kaya ayaw ko nang maulit pa iyon.
Mahal na mahal ko si Evan at siya lang ang natatanging lalaking minahal ko. Lumaki at nagkaisip ako na siya na pinapangarap ko kaya this time ipinapangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako gagawa ng mga desisyon na hindi ko pinag-iisipan katulad ng nangyari noon.
Nang bigla akong nagulat dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko.
Nang makita ko na ang pangalan ni Evan ang nakarehestro sa screen ay agad kong sinagot ang tawag.
"Hello."
"Kakarating ko lang dito sa bahay." Pagbibigay alam niya.
"Ah ok." Sagot ko lang nang biglang may naalala ako. "Nga pala nakalimutan ko nang itanong sayo kanina ito.... Saan ka ngayon pala nakatira?"
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...