CHAPTER SEVENTEEN
SELENE'S P.O.V
Hindi ako sumagot sa pakiusap ni Evan, I mean hindi ako nagsabi na pinapayagan ko siya or nagsabi na hindi ako pumapayag dahil natatakot ako magdesisyon. Basta bahala na lang kung ano ang mangyayari.
Bahala na ang tadhana na gumawa ng paraan. Kung magkakaayos kaming dalawa ay e di ok kung hindi naman ok lang din.
Mahirap kasi umaasa at magtiwalang muli lalo na't minsan na akong nasaktan dahil sa kanya.
Kung talagang nakatadhana kami sa isa't-isa ay malalaman namin iyan sa future.
Pero sa ngayon ay hindi ko muna iisipin ang tungkol sa isyu na ito.
__________
Kinabukasan ay medyo late na akong nagising dahil late na rin ako nakatulog kagabi dahil na rin sa samut-saring iniisip ko kaya nahirapan akong makatulog.
"Good morning!" Masiglang agad na bati sa'kin ni Evan pagkalabas ko ng kwarto.
Tulad nang sinabi ko sa kanya ay sa sala nga siya natulog at ako sa kwarto.
Kumunot ang noo ko sa pagkabati niya sa'kin pero agad din naman nawala iyon
Pero hindi rin naman ako gumanti ng bati sa kanya at tinitigan ko lang siya.
"Breakfast is ready... tara." Wika niya at yakag na niya sa'kin ng hindi ako gumanti ng bati.
Agad naman akong tumalima at naglakad na papunta sa hapag-kainan na hindi pa rin umiimik.
Itlog, hotdog at sinangang ang nakita kong nakahanda.
Kumunot ang noo ko. "Ikaw nagluto?" Tanong ko sa kanya dahil napansin kong medyo maganda ang pagkakaluto ng lahat na nakahain.
Isang mabilis na tango naman ang isinagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ako naniniwala na siya ang naghanda ng lahat na iyon.
Syempe paano naman ako maniniwala e, last na luto niya sa bahay ay hindi naman ganito kaperfect o kaganda.
"Ako nga nagluto niyan." Muling saad niya dahil sa mapangdudang tingin ko sa kanya.
Muling tumaas ang kilay ko."Bakit maayos pagkakaluto mo ngayon kumpara nong niluto mo sa bahay?" Usisa ko.
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi niya. "Syempre pinagaralan kong mabuti ang pagluluto para maging maayos." Sagot naman niya.
"Pinag-aralang mabuti?"
"Nagpractice ako ng maigi bago ako nakaluto ng ganyan." Aniya na napangiwi pa ako.
Wala sa sariling bigla naman akong napangiti at tinitigan siya habang nakataas ang kilay. "So ilang itlog ang nasayang mo bago mo naperfect ang pagkakaluto niyan.?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa itlog.
Ang ganda kasi ng pagkakaluto ng itlog kumpara sa pagkakaluto niya dati kaya iyon ang una kong napansin na itanong sa kanya.
Sinamaan naman niya ako ng tingin dahil sa tanong ko na iyon pero agad din naman siyang ngumiti. "Mga one and a half dozen." Sagot niya kaya bigla akong napahagalakpak ng tawa kaya muli niya akong tinignan ng masama.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...