CHAPTER TWENTY-TWO
SELENE'S P.O.V
Nang makabalik na kami sa Manila ay sa hospital kami dumeretso maliban kasi sa pag gamot sa sugat ko ay nakaconfine din si Dana doon.
Napag-alaman namin na mayron pala siya mental problem ayon sa psychatrist na tumitingin sa kanya kaya ganun ang mga kinikilos niya at ang pagiging ampon ko ay isa lang sa mga pinaniniwalaan niyang katotohanan pero in reality ay hindi naman iyon totoo.
Maliban sa issue kay Dana ay maayos naman ang lahat hindi naman malala ang parehong tama namin.
Si Matt naman ay agad na napauwi ng malaman ang nangyari kay Dana pero nahihirapan akong aminin sa kanya ang totoong dahilan kaya siya nagkaganon dahil alam kong labis siyang masasaktan which is ayaw kong mangyari dahil sobrang bait niya at hindi niya deserve ang ganito.
Ang mga magulang na rin ni Dana ang humingi sa'kin ng patawad dahil sa nagawa ng kanilang anak na agad ko namang pinatawad dahil naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan ni Dana ngayon.
Embes na magalit ako sa kanya ay ang kailangan ko o naming gawin ay bigyan siya moral support at intindihin na lang para malagpasan niya ang kinakaharap niyang pagsubok.
"So ano na ang balak mo ngayon?" Tanong sa'kin ni Evan habang nakaupo kami sa waiting area dito sa Ospital.
Napatingin ako sa kanya pero agad ko rin naman binawi. "Wala." Mahina kong sagot.
"Ano nang mangyayari sa'tin?" Sunod na tanong nanaman niya.
"Hindi ko pa alam."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya napabuntong hininga na rin ako.
Hindi pa kasi ako ngayon makapag-isip ng maayos kung ano ang susunod kong hakbang. Ang importante lang muna kasi sa'kin sa ngayon ay ang mapabuti muna ang kalagayan ni Dana.
Oo ang sama ng mga nagawa niya sa'kin at labis akong nasaktan pero hindi ko naman siya masisisi dahil nga sa kalagayan pala niya na itinago niya sa'min kaya hindi namin siya natulungan.
Saka kahit papano naman ay naging mabuting pinsan at kaibigan naman siya sa'kin.
__________
Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula ng mangyari ang insidente sa pagitan namin nina Dana, Warren at Evan. Umalis na rin sina Evan at Matt dito sa bahay kaya mag-isa na lang ako ulit.
Medyo nakakapanibago dahil ilang araw din akong may kasama pero ayos lang naman nasasanay na rin naman ulit akong mag-isa.
Ang takbo ng buhay ko ayh ganun pa rin, papasok sa trabaho pero ang nadagdag nga lang ay everyday din kami ni Matt na dumadalaw kay Dana.
Kahit mahirap ay inamin ko pa rin kay Matt kung ano talaga ang totoong dahil ng mga nangyari sa'min at ang talagang ikinabilib ko sa kanya na kahit alam niya mahal ni Dana si Evan ay nanatili pa rin siya sa tabi ng pinsan ko.
Siguro dahil mahal na mahal lang talaga niya si Dana at handa siyang gawin ang lahat para mahalin din siya nito.
Well, I wish na sana mangyari nga iyon.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...