CHAPTER TWELVE
A/N : Sorry medyo mahaba po ang chapter na ito... Anyway thank you so much po ulit sa patuloy na naghihintay at nagbabasa ng story na ito. Thank you rin po sa mga new readers and followers.. Enjoy reading. ♥♥♥
SELENE'S P.O.V
Dahil kailangan kong iwasan si Evan at wala din si Matt sa bahay ay naisipan kong lumabas na lang muna at magikot-ikot dito sa mall.
Weekends kasi kaya wala kaming trabaho kaya alangan naman pumunta ako sa opisina para lang maiwasan ko si Evan, ano naman ang gagawin ko do'n mag-isa, diba?
Saka kung sa kwarto naman ako magkukulong ay napakaboring.
Sayang wala si Dana, wala tuloy akong kasamang gumala.
Well may iba naman akong mga kaibigan na pwedeng mayaya kaso nga lang uusisain lang nila ako ng uusisain at ayaw ko rin malaman nila na magkasama kaming nakatira ni Evan sa iisang bubong baka kasi isipin nila na nagkabalikan na kami mahirap na.
Saka 'pag nalaman pa naman ng isa panigurong kinabukasan ay kalat na yan sa iba pa naming mga kakilala at mga kaibigan, lalong-lalo na parents namin panigurong aabot din sa kanila ang tungkol dito. Mahirap na baka magexpect pa sila lalong-lalo na ang parents ko.
Ewan ko nga ba kasi sa mga magulang ko kung bakit kahit niloko na ako ni Evan ay boto pa rin sila sa kumag na 'yon.
Malinaw na malinaw naman ang ebedensyang pinakita ko sa kanila na panloloko sa'kin ni Evan pero hindi sila naniniwala at pinipilit nila ako noon na ayusin namin ni Evan at pakingan ko ang paliwanag niya.
Sabi pa nila magdede-desesyon kaming pasukin agad ang pag-aasawa pero dahil lang sa iisang problema ay makikipaghiwalay na ako agad.
Isa pa sa sinabi nila ay dapat daw ay pag-usapan namin ng maigi ang problema na kaming dalawa lang dahil walang problema na hindi naayos.
Pero hindi ako nakinig sa kanila dahil ang katwiran ko naman ay ano ba ang aasahan kong paliwanag ng isang mangloloko kundi mga kasinungalingan lang, diba?
Teka nga .... bakit ko pa nga inaalala ang mga 'to?
No, no, no!
Hindi ko dapat inaalala ang mga ito at patuloy na magpaapekto sa nakaraan.
Nang biglang magsalubong ang kilay ko at napahinto ako sa paglalakad ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na nakaupo malapit sa may glass window sa isang coffee shop.
"Evan?" Mahinang nasambit ko na mas mariin ko pang tinitigan kung siya nga iyon.
"Anong ginagawa niya dito?" Pabulong na tanong ko sa sarili ko ng makomperma kong si Evan nga ang lalaki.
'Kanina pa ba siya dito?'
Pag-alis ko kasi ng bahay ay hindi ko napansin kung umalis ba siya.
Nang biglang mabaling naman ang tingin ko sa kausap niya ....... na babae pala kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.
Walang hiya talagang lalaki na to!
Napakababaero!
Sabi ko na nga ba, hindi talaga siya dapat pagkatiwalaan. I knew it!
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...