A/N: Hello po medyo mahaba po itong chapter 13 kaya 2 parts po... Actually hindi naman po siya ganong kahaban pero mas maganda na rin na hiniwalay. Thank you!!! Enjoy reading ♥♥♥
CHAPTER THIRTEEN
EVAN'S P.O.V
Pagkatapos ng pangbabaril na naganap ay nahimatay si Selene, dahil na rin siguro sa takot kaya naman dinala namin siya agad dito sa Ospital.
Habang naghihintay kami sa doctor na tumitingin sa kanya ay hindi naman ako mapakali dahil sa nangyari. Paroo't parito ako habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko.
"Evan, ano ba nahihilo ako sa ginagawa mo." Reklamo sa'kin ni Lalaine na nakaupo. Tumingin naman ako sa kanya. "Don't worry Selene will be fine." Sabi pa niya.
Tumigil ako ginagawa ko't saglit na nag-isip saka lumapit ako kay Lalaine at naupo sa katabing upuan. "I know..." Sagot ko. "May iba akong iniisip."
Kumunot ang kanyang noo. "Huh? Ano?"
Saglit akong hindi umimik. "Tungkol sa namaril."
"Hay naku wag mo nang isipin ang g*g* na 'yon... pulis na ang bahala sa kanya –" Sabi niya na hindi na natapos dahil natanaw namin ang mga magulang ni Selene na palapit.
Kaya Sabay kaming napatayo at sinalubong sila.
"Tito, Tita..." Sabi ko ng makalapit na kami.
"Evan..." Ang Dad ni Selene na si Tito Marco. "Kumusta si Selene?" Nag-aalalang tanong niya.
"She's ok Tito, hinimatay lang siya dahil sa takot pero tinitingnan pa rin siya ng Doctor kung injury ba siya para makasiguro.." Sagot ko naman. "Palabas na rin po siguro 'yong Doctor." Dagdag ko pa kaya napatango-tango na lang ang mga magulang ni Selene.
"Evan thank you so much for taking care Selene." Sabi naman ng Mom ni Selene na si Tita Glenda na hinawakan pa ang kamay ko't pinisil.
Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa.
"Hi Tito, Tita..." Narinig kong bati naman ni Lalaine kaya sabay na napatingin silang dalawa sa pinsan ko. "It's me Lalaine..." Pakilala niya sa sarili ng kumunot ang noo nina Tito at Tita dahil marahil hindi siya ng mga ito nakilala.
Agad naman na ngumiti silang dalawa ng malaman nila kung sino.
Ako naman ay napatingin din kay Lalaine.
"Lalaine.. ikaw na muna nag bahala kina Tito at Tita.. may pupuntahan lang ako." Bilin ko sa kanya ng biglang may naisip akong gagawin regarding sa nangyari kanina saka bumaling naman ang tingin ko sa mga magulang ni Selene. "Tito, Tita ay importante lang po akong pupuntahan..maiwan ko muna po kayo pero babalik din po agad." Paalam ko naman sa kanila na tumango lang.
________
Mula sa hospital ay dumeretso ako sa opisina ng kaibigan kong police.
"Evan..." Gulat na aniya ng pumasok ako sa kanyang opisina. "Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong pa niya.
"Warren, I need your help." Agad na saad ko ng kailangan ko.
Kumunot ang kanyang noo. "Help?" Ulit niya kaya tumango ako. "Anong tulong?"
Hindi ako sumagot bagkos ay kinuha ko ang nakita kong blangkong papel at ballpen na nakakalat sa mesa niya at may isinulat ako. "Can you track her location..." Sabi ko habang inaabot sa kanya ang papel na sinulatan ko na agad naman niyang inabot at binasa.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...