CHAPTER 15

3K 66 1
                                    

CHAPTER FIFTEEN


EVAN'S P.O.V


Pinaki-usapan ko si Warren na kunwari based sa imbestigasyon nila ay si Selene ang target na namaril which is totoo naman pero sa initial investigation talaga ng mga police ay wala pa naman result kung ano ba talaga ang dahilan ng lalaki kung bakit ito nagpaulan ng bala.

Ayaw man namin magsinungalin pero kailangan, dahil sa ngayon ay hindi pa namin alam kung ano pa ang kayang gawin ni Dana. Kaya mas mabuti na itong umaksyon na ako kesa naman hintayin ko pa kung kailan ulit kikilos si Dana.

Ayaw ko na rin kasi ngayon na magpatakot sa banta niya dahil kung ganon ng ganon ang mangyayari ay walang mangyayari sa buhay namin kaya ngayon ay kailangan ko ng gumawa ng aksyon.

So habang nag-iisip pa ako ng plano at hindi ko pa alam kung nasaan si Dana ay eejoy-in ko na lang muna ang moments na 'to na kaming dalawa lang ni Selene ang magkasama.

Walang Matt ... walang Dana... walang ibang tao na makikialam...just the two of us...


SELENE'S P.O.V


"Sa sala ka matutulog!" Sabi ko kay Evan habang inaayos namin ang mga gamit namin na dala.

Isang pilyong ngiti naman ang agad na gumuhit sa labi ni Evan. "Papalampasin mo pa ba ang pagkakataon na ito na makatabi mo ako ulit sa pagtulog?" Mapang-asar na aniya.

Sinamaan siya tuloy ng tingin sa'kin dahil sa sinabi niya. "Ang kapal din talaga ng mukha mo!" Singhal ko sa kanya kaya tumawa pa siya ng malakas kaya napadabog tuloy ako. "Bakit kasi kailangan sumama ka pa!" Padabog kong reklamo.

Tumigil siya sa pagtawa. "Kanina ka pa kamo reklamo ng reklamo diyan...." Reklamo din niya dahil sa kakareklamo ko. "Kung ako sayo embes na magreklamo ka ng magreklamo diyan ang mabuti mong gawin eenjoy mo na lang ang moments na 'to na ..... magkasama tayo." Dagdag pa niya na mas lalong kinainis ko kaya naman inundayan ko siya ng suntok na agad naman niyang nasalag at nasalo ang kamao ko.

"Grabe dati sweet na sweet ka sa'kin pero ngayon nanununtok ka na... ganyan na ba ang bago mong way ng pagpaparamdam ng pagmamahal." Wika niya sabay halik sa kamay kong hawak niya.

Nanlaki ang mata ko. "Walang hiya ka.." Reklamo ko sabay mabilis kong binawi ang kamay ko.

Tumawa lang siya ng malakas.

"Pwede ba tigil-tigilan mo na nga ako Evan sa mga gaganyan-ganyan mo!" Sabi ko pa sa kanya.

"Bakit ano naman ang problema sa ginagawa ko?" Nakangusong tanong niya.

'Dahil ginugulo mo ang puso ko!'

Gusto ko sanang isagot sa kanya pero hindi ko ginawa.

"Dahil nakakainis na!" Sagot ko na lang.

"Bakit ka naiinis? Dahil naaapektuhan ka?" Anito sabay ngumisi ng tipid saka bigla siyang naglakad palapit sa'kin.

Nanlaki ang mata ko't bigla akong napaatras pero hindi pa nga ako nakakahakbang ng tatlo ay bumanga na ang likod ko sa pader.

Dahil hindi naman kalakihan ang bahay kaya talagang limited lang din ang space na ginagalawan namin.

Mas lalo pa siyang lumapit sa'kin na halos mga apat na hakbang na lang ay makakalapit na siya. Napalunot ako bigla.

"Wag kang lalapit sa'kin." Utos ko sa kanya pero hindi niya iyon sinunod dahil patuloy pa rin siya sa paghakbang kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sagutin mo ang tanong ko..." Aniya na dalawang hakbang na lang ay ka na siya. "Bakit ayaw mo sa mga ginagawa ko? Naaapektuhan ka ba?" At tuluyan na nga siyang nakalapit sa'kin.

Agad ko namang ipinuwesto ang dalawa kong kamay sa harapan ko para pigilan siya na mas makadikit pa sa'kin.

But he grabs my hands and he pinned it against the wall

"Evan!!!!" Galit na sigaw ko dahil sa ginawa niya. "Bitawan mo ako.." Utos ko pa sa kanya at pilit kong hinihila ang aking mga kamay.

He smirks. "Does your hearts beat fast when you're near me?" He asked kaya nanlaki ang mata ko.

Naririnig ba niya ang mabilis na tibok ng puso ko?

Kaya mas lalo pang bumilis ang pagtibok nito dahil sa sinabi niya.

"Dahil ako..." Aniya niya na mas ikinagulat ko nang bigla niyang dalhin ang isa kong kamay sa puso niya at ramdam na ramdam ko nga ang tibok ng puso niya na sobrang bilis na parang may mga nangangarera sa loob. "Ganyan kabilis ang tibok ng puso ko kapag nagkakalapit tayo.." Dugtong pa niya na hindi na ako makaimik at nakatulala na lang.

Oo aaminin ko medyo nakaramdam ako ng kakaiba at kinilig din ako dahil sa sinabi niya, which hindi ko dapat maramdaman.

Hinawakan niya ako sa baba and he pushed it up a little para magkatagpo ang mga mata namin.

Nang magkatagpo ang mata namin ay rinig na rinig ko ang malakas na paglunok niya.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at unti-unti ay inilapit niya ang kanyang mukha sa akin habang nakatingin sa mga labi ko.

Hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay kung ano man ang gagawin niya.

Then ng kakarampot na lang ang layo ng mga mukha namin ay inilapat na niya ang kanyang mga lapi against mine and he start kissing me, and I responded immediately, na ikinagulat ko kung bakit ako nagrespond at hindi na pumalag, pero masyado na akong nadala ng halik niya kaya inenjoy ko na lang this kiss that we are sharing.

His mouth was so warm, the caress of his lips softer than I could have imagined. A moment later I felt his tongue starts to slips inside my mouth,

Inabot ng minuto din ang halik na pinagsaluhan namin.

Nang maghiwalay na ang mga labi namin mabilis niya kong hibila para yakapin ng nahigpit. Habang yakap-yakp niya ako ay ramdam na ramdam ko naman ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya. Maging ang puso ko ay hindi ko ipagkakaila na ang lakas pa rin ng tibok.

Grabe hindi talaga ako makapaniwala that I responded to that kiss.

"I still love you.." Mahinang saad niya na sapat para marinig ko at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

Mas lalo rin akong hindi makapag-isip ng maayos dahil sa mga nangyayari.

He kissed me and I responded and now he's telling me that he's still love me.

Naguguluhan na ako at hindi ko na alam kung ano ang iisipin at gagawin ko.

Sinaktan niya ako noon pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

Bakit parang bumibigay na ako?

Huminga muna ako ng malalim sabay tulak sa kanya ng malakas palayo sa'kin at saka tumakbo ako palabas.

Kailangan ko munang mapag-isa at makapag-isip dahil sa mga oras na ito ay gulong-gulo na ako sa mga nangyari.


©2018

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon